Chapter 10

80 10 4
                                    

Sara's Pov:

It's been 2 weeks since nakauwi na kami ng Lucena at hindi na din naman nakaka punta dito si Keeya. Sabi sakin ni Gio kahapon ay nasa kwarto lang daw ito at ayaw lumabas minsan. Marahil daw ay dahil tinuturukan ito para sa sakit nya sa dugo at lagi itong tulog lang at masama ang pakiramdam.

Nasa may sofa naman ako na nakaupo dahil wala naman akong magawa at si Gio ay nasa lolo at lola nya ngayon para bantayan ang mga ito.

Gusto ko sana pumunta para bisitahin si Keeya pero baka ayaw nito ng istorbo.

Ilang araw lang namin nakasama si Keeya pero parang may kulang na nung umuwi na sya sa kanila.

Habang bored na bored naman na ko nakaupo sa may living room ay biglang pumasok si Nanay Rosa at nakangiti ito sa akin.

"May bisita kayo" masaya naman nito na bati at biglang sumulpot si Keeya sa likod ni manang.

Hindi ko naman napigilan ang sarili ko at tumakbo ako sa kanya at niyakap ito ng mahigpit.

"A-ate, di na ako makahinga" reklamo naman nito.

Hindi ko naman ito pinakinggan at hindi inalis ang yakap ko dito at hinila ko na papunta sa duyan.

Nakaupo naman kaming dalwa sa duyan at nakatingin lang naman ito sa akin.

"Bakit ?" Tanong ko naman dito.

"H-hindi ka mataray sa akin" sagot naman nito.

Natawa naman ako dahil nasanay na ata ito ng di ko ito pinapansin minsan at tinatarayan ko lang.

"May sakit ka, ayoko kitang tarayan" kunwari ko naman na sabi dito.

"Pag may sakit ako mabait sakin pati si Kuya din, pero pag wala ako sakit ayaw naman akong kasama kasi makulit daw ako kahit hindi naman" reklamo naman nito.

Natawa na talaga ako dahil sinabi nya ito ng seryoso ang mukha.

"Eh kasi ganun talaga pag mas matanda sayo, kasi di mo naman mage gets minsan yung mga trip ba namin" paliwanag ko naman dito.

Tumingin naman ito sa akin ng walang emosyon na iki napag taka ko.

"B-bakit ?" Tanong ko dito.

"You have same palusot naman like kuya eh" sagot naman nito.

"Bcoz it's the truth Keeya, when you meet younger people and they always follow you, maiinis ka din kasi makukulitan ka" kumbinsi ko naman sa kanya.

Tumango na lang naman ito kahit alam kong hindi nya ko naintindihan.

"Where's tito and tita ?" Tanong naman nito sa akin.

"They are in bayan eh, buying things for the house" sagot ko naman.

"You want to go to bukid ba tomorrow ? Let's go to bukid and then let's see the design and there's fal---" putol ko na sabi dahil sumingit agad ito.

"I'm here to say that I'm going home na sa davao bcoz my doctor is there" bigla naman sabi nito.

Nagulat naman ako dahil may isang buwan pa ang bakasyon at uuwi na agad ito sa Davao.

"When ?" Seryoso ko na tanong dito.

"Tomorrow" maikli naman nito na sagot.

Wala naman akong nagawa kung hindi mapatango na lang.

Inakit ko naman ito na dito na lang magtanghalian at pumayag naman ito dahil pinayagan daw ito ni Tita Celia na dito muna hanggang hapon dahil nga uuwi na sila sa Davao bukas.

Sara - Fina (One Last Cry ... BOOK II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon