Epilogue

97 11 5
                                    

Sara's Pov:

"Sinong may dala ng candle sayo ?" Mahina na taka kong tanong habang nilapag ang bulaklak sa harapan nito.

























"Ako ate ...."


Paglingon ko ay hawak hawak na ni Fina ang boquet nito at kinakain na ang chocolates.

"Fina !!!" Oa ko naman na sigaw at niyakap ito.

"Sara ang bibig mo" suway naman sakin ni mommy dahil nasa museo nga pala kami.

Nag peace sign lang naman ako at tinawanan lang ako ni Fina at daddy habang masama parin ang tingin sakin ni mommy.

"Wala ka naman dala na candle nung nauna ka dito ah" taka ko naman na sabi dito.

"Nakakita ako ng bata na nagbe benta sa may labas, binili ko na" sabi naman nito sa akin.

"Kala ko may secret admirer na si Manang Celia eh" natatawa ko naman na biro.

Nagtawanan naman kami pagkatapos ko sabihin iyon.

Fina's mini Pov:

Nauna na naman ako kila mommy na pumunta kung nasan ang mommy Leni ko at si Yay.

Pagkatapos kong kausapin si mommy Leni ko sa harapan ng urn nya at magreklamo na nagta tampo parin naman ako sa kanya ay natawa na lang naman ako dahil na imagine ko kung paano nya ako suyuin na parang sarili nya talaga akong kadugo.

Nang nagising ako mula sa pagkakatulog ng isang linggo ay hindi ko talaga matanggap ang mga nalaman ko.

Sobra akong nagalit sa mga tao sa paligid ko at feeling ko ay niloko nila ko ng harapan dahil nilihim sakin ang lahat.

Wala naman akong kinausap sa kanila ng isang buwan.

Tanging ang yay ko lang ang kinakausap ko.

After a month ay nalaman ko na may sakit na din pala ang Yay ko at bigla nalang itong nanghina, 2 linggo ko lang itong nakasama mula ng nanghina sya at alagaan ko.

Kahit ayoko ay pumupunta naman sila mommy at daddy ko pati si Ate Sara para tulungan ako kahit hindi ko sila kausapin.

Nang mawala ang Yay ko ay para akong binagsakan ng langit dahil sa sobrang sakit ng naramdaman ko mula pagkawala ng Mommy Leni ko at makalipas lang ang isang buwan ay ang Yay ko naman.

Pagka himlay ng Yay ko ay bumalik ako sa bahay. Habang pauwi ay binabasa ko ang sulat na iniwan sa akin ni mommy.

Nabasa ko sa sulat ni mommy ang mga paliwanag na paulit ulit kong hindi pina pakingan noong sya pa mismo ang nage explain sa akin mula una.

Ang huli naman words naman sa sulat ang tumatak sa isipan ko.

Go back to your real family anak, complete them, Fina ...

Unti unti ko ng naiintindihan ang lahat.

Nang buksan ko ang pinto ng bahay ay nakita ko ang tunay kong mommy at daddy pati ang ate Sara na inaantay lang akong umuwi.

Hindi ko alam pero napaluhod na lang ako sa harapan nila ng mga araw na iyon at umiyak ng umiyak.

....

Habang naglalakad papunta sa kabila ay nakakita ako ng bata na nagtitinda ng candle at may hawak na din itong lighter.

Nakipag usap naman ako dito at binilhan. Dinala ko ito sa museo ni Yay at nagpasindi dito ng kandila.

"Thank you po ate, ang bait bait nyo po" ngiti naman na sabi ng bata at umalis na.

Nakita ko naman na naiwan ng bata ang lighter nito kaya itinakbo ko ito sa kanya.

Paglalakad ko pabalik ay nakita ko naman na naunang pumasok si Ate Sara sa museo ni Yay at di ako napansin pero nakita na ako ng mommy at daddy ko agad.

"San ka nagpunta ?" Tanong naman ni mommy.

"Hinabol ko po yung bata kasi naiwan nya ung lighter nya nung nagbili ako ng candle" sagot ko naman dito.

Hinalikan naman ako nito sa noo at ngumiti na sa akin.

"Ayos Kulit ah, complete set sya may candle na may lighter pa" biro naman ni dad.

Natawa lang naman ako sa sinabi ni Daddy at inabot sakin ang tulips boquet.

"Congrats nak, magco college ka na" nakangiti na bati sa akin ni mommy.

"Congrats Kulit ko, graduate ka pala ng high school kala ko hindi bunso kasi madalas kang walang connection" biro naman sakin ni dad.

"Eh kinukunsinti mo din naman ako dad" sagot ko naman dito.

Natawa lang naman ito at kabadong ngumiti kay mommy dahil hindi nito alam na madalas ako pagbigyan ni dad na hindi mag online class mula noon pa.

Iniba naman nya ang usapan at pinapasok na kami sa loob.

Rinig ko naman ang takang tanong ni Ate Sara kung san galing ang candle kaya sumagot na ko.

Niyakap naman ako nito ng napaka higpit at sobra na naman naging oa.

....

Habang lumalapit kung san naka himlay si Yay ay di ko naman mapigilan ang maiyak.

"Yay oh ? Graduate na ko kahit madalas mo ko pagalitan kapag inaaway ko ang mga teachers ko" naiiyak ko naman na sabi.

Naramdaman ko naman na inakbayan ako ni Ate Sara at ngumiti ito sa akin.

"Yay makulit parin naman eh" biro naman ni Ate Sara.

"Hindi kaya !" Reklamo ko naman dito.

Pagkatapos namin mag bisita sa mga taong naging parte ng buhay ko at kinupkop ako bilang sarili nilang anak at pamilya ay nag decide kami na umuwi na ulit ng Ilocos at doon ulit mag simula kung san nagsimula ng pamilya ang mommy at daddy ko.

Habang nasa eroplano ay hawak ko ang diary book at si mommy naman ang kalapit ko sa seat.

"Nak there is one last page oh, ikaw na tumapos kasi nasulat ko na jan kung paano ka bumalik sa amin" sabi naman ni mommy sakin.

Inabot sakin nito ang ballpen at ngumiti sa akin.

Tumingin naman ako dito at ngumiti din.

Binuklat ko naman ang pages hanggang makarating sa pinaka huli na page.

Inabot ko naman ito muna kay Ate Sara at pinasulat ito kung ano ang gusto nya na maikling isulat dito.

Inabot naman nito ito at sinulatan at pagkatapos ay inabot ulit sa akin kaya ako naman ang nagsulat sa baba ng sinulatan nya ....

"Endings can be beautifully made" - Sara.

"And just like in fairytales, in the end there is happy ending" - Fina.

Sara - Fina (One Last Cry ... BOOK II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon