Chapter 18

73 10 15
                                    

Sara's Pov:

Nagu umagahan kami at pansin ko naman na parang ilang araw na di masyado nagpa pansinan ang mommy at daddy ko. Hindi ko naman ito naringgan na nag away at tinanong ko na din kay lola Lucil kung nag away ba si mommy at daddy pero hindi naman daw.

"Magco commute na lang ako ulit daddy" sabi ko naman kay Dad.

"Hindi na ihatid ka na ng daddy mo anak" bigla naman na sagot ni mommy.

"Gusto mo bang sumama ?" Akit naman ni dad kay mommy pero umiling lang naman ito.

"Pede po ba ko pumunta kila Keeya maaga naman ang uwian namin" tanong ko naman sa kanila.

"No" Mommy.
"Okay" Daddy.

Sabay naman nila na sagot.

"Si Keeya ang papuntahin mo dito anak" seryoso naman na sabi ni mommy.

Tumango lang naman ako dito.

"Dad sunduin na lang natin si Keeya mamaya, ipag paalam mo sa mommy nya" sabi ko naman kay Dad.

Nakita ko naman na tumingin ito kay mommy pero hindi ito nilingon ni mommy kaya tumango na lang si Dad sa akin.

Pagkatapos namin mag breakfast at nagpaalam naman na ko kay mommy at inakit na si Dad na ihatid ako.

Nakita ko naman na hinalikan ni Dad si mommy sa noo pero hindi parin nito pinansin si Dad at pumunta ng kusina.

Habang nasa byahe ay tumingin naman ako kay Dad.

"Anong problema nyo ni mommy ?" Tanong ko naman kay Dad.

"Nagtampo lang yun" sagot naman sakin ni Daddy.

"Parang ang haba naman na tampuhan dad ilang araw na din kayo di nagu usap" sagot ko naman.

"Nalaman kasi nya na bukod kila Keeya ako nagpalipas ng ulan nung isa isang linggo ay nalaman din nya na tinulungan ko sila Keeya sa mall bumili ng mga pang bake" paliwanag naman nito.

"Dad ako nagsabi kay mommy nun eh kasi kinuwento sakin ni Keeya" sabi ko naman dito.

"Kaya nga, nagtampo kasi di ko sinabi" sagot naman ni dad.

"Eh ba't di mo kasi sinabi ? Okay lang naman yun kay mommy. Si Keeya naman yun" sagot ko naman dito.

"Eh kasama ang mommy anak" sagot naman nya sakin.

"Dad ano ba yan, nagse selos ba sya ? Natatawa ko naman na tanong.

"Ewan ko nak, ikaw nagsabi nyan" biro naman sakin ni Dad.

"Dalhan mo ng tulips at chocolates dad tapos say sorry na lang para tapos na" sabi ko naman dito.

"I did, hindi nya pinansin" maikli naman nya na sagot sa akin.

"Hala ka dad, I'm almost 18 na ha ! Baka maghiwalay pa kayo dahil lang sa selos sa mommy ni Keeya" biro ko ulit dito.

"Walang papantay sa mommy mo" seryoso naman na sabi nito sa akin.

Hihirit pa sana ako ng biro pero nandito na kami sa school kaya sinabi ko na mamaya na lang kami iisip ng paraan para pansinin na sya ni mommy ko.

Rod's Pov:

Hindi ko na alam kung paano susuyuin si Imee. Nung isa isang araw pa may malaking unan sa kama namin. Ang tagal nito magtampo. Wala naman akong masamang intention kung bakit di ko nasabi sa kanya. Di ko din alam sa sarili ko kung bakit di ko naisipan na sabihin ito. Marahil dahil si Leni iyon at baka galit parin sya dito.

Sara - Fina (One Last Cry ... BOOK II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon