Chapter 21

72 10 4
                                    

Sara's Pov:

Naawa ako kay Keeya, 5 days na pero di pa bumabalik ang mommy nito, pero nakakausap naman nya ito tuwing umaga at gabi.

Kagabi nga narinig ko na naiyak ito ng tahimik pero di ko na ito pinansin dahil baka mahiya ito at maramdaman na kinakaawaan ko lang siya.

Hindi ko alam pero nahihirapan ako at nalulungkot kapag nakikita ko itong nahihirapan at nalulungkot din. Para kaming may connection sa isa't isa, marahil ay dahil itinuturing ko na itong kapatid.

Nakatingin lang naman ako dito na natutulog at yakap yakap parin ang unan ni Fina. Bigla naman pumasok ang mommy ko at hindi na ito kumatok.

"Tulog pa rin ?" Tanong naman sa akin ni mommy.

Tumango lang naman ako dito at lumapit naman sya malapit kay Keeya para gisingin.

"Keeya nak, gising na. Breakfast na tayo. May turok ka parin mamaya" amo naman ni mommy kay Keeya.

Hindi naman ito kumibo at tulog na tulog parin.

"Mommy walang paki sayo" natatawa ko naman na sabi kaya inirapan ako nito.

"Keeya gising na !!!" Sigaw ko naman kay Keeya.

Hinampas naman ako ni mommy sa hita at nagalit.

Nagising naman si Keeya dahil samin.

Tumingin ito kay mommy.

"B-bakit nak ?" Taka naman na tanong ni mommy.

Umiling naman ito. Marahil ay ini expect nito ay ang mommy nya ang makikita nya.

Habang nagbre breakfast ay hindi ito nausap.

"Keeya let's go sa room mag declutter tayo ng mga gamit kasi bukas pupunta dito ang mga kukuha ng damit at iba pa para for donation" masaya ko naman sabi kay Keeya.

Tumango lang naman ito sa akin at ngumiti.

"Bunso ano gusto mo ? Bibili ako sa labas. Ang ate Sara mo gusto ng kakanin katulad ng Tita Imee mo, ikaw ?" Tanong naman ni Dad dito.

"Mommy" maikli naman nito na sagot pero mahina lang.

Kahit naman narinig naman ito ay hindi naman namin pinansin, sabi kasi sakin ni Tita mom pag ganun daw si Keeya wag na lang daw pansinin para di na mag crave ng attention pa.

Nakita ko naman na tumango lang si Dad sa kanya at ngumiti.

Nang matapos kami kumain ay pumunta na kami sa kwarto para mag declutter ng mga damit at gamit na di ko na susuotin at gagamitin.

Habang nagpi pili kami ay nakita ko naman na nakatingin lang ito sa picture namin ni Fina nung nag birthday ng 2 years old ito, bago pa man kami pumunta sa park noon.

"Keeya, kasing cute mo sya noh ?" Ngiti ko naman na sabi dito.

Hindi naman ito umusap at tinititigan mabuti ang picture.

"Keeya are you okay ?" Tanong ko naman dito.

"Ate, are you still looking for her ?" Tanong naman nito.

"We stopped looking for her after 3 years kasi parang di na talaga sya mahahanap, wala kasing naging sign na nakidnap sya or nahulog ba sa ilog na malapit sa likudan ng park or may nakakuha sa kanya" sagot ko naman dito.

"So you gave up in just 3 years looking for her ?" Naiiyak naman nito na tanong.

"Looking for her, yes we did pero still hoping na one day makasalubong namin sya, or mahanap nya kami kahit malabo dahil baby pa talaga sya nung nawala, we are still hopeful for that. Na sana may kumatok isang araw sa bahay at isauli sya samin. Na mahanap nya kami" mahina ko naman na sagot dito.

Sara - Fina (One Last Cry ... BOOK II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon