Chapter 22

69 10 15
                                    

Akeeya's Pov:

Today ay uuwi na ang mommy ko, nasa manila na kasi sya kagabi. Hindi parin naman kami nagpapansinan ni Ate Sara, kahit na pinaglalapit kami ni Tito Rod at Tita Imee lagi.

Nagu umagahan kami ng biglang nagsalita si Tito Rod.

"May unan parin ba sa gitna nyo ?" Tanong ni Tito Rod.

Nakita ko naman na umirap si Ate Sara sakin.

"Sara" saway naman ni Tita Imee dito.

"Di ba talaga kayo magbabati ?" Tanong naman ni Tito Rod ulit.

Hindi naman ako umiimik.

"Fine ! Sorry na, ikaw kasi eh" rinig kong mahina na sabi ni Ate Sara pero di parin ako tumingin dito.

"See mommy, dad ? It's not my problem anymore, ayaw nya tanggapin sorry ko" mataray naman nito na sabi ulit.

"Anak may nagso sorry ba na mataray ?" Natatawa naman na sabi ni Tito Rod.

Ako naman na ang nagsalita para matapos na ang issue.

"Sorry na ate" sabi ko naman at tumingin dito.

Ngumiti naman sa amin si Tito at Tita.

"Wala nang away ha ? Nag sorry na sa isa't isa kaya wala ng parinigan. Kami ang naiirita eh" seryoso na sabi ni Tita Imee.

Tumango na lang naman kami.

Galit parin naman ako sa kanila dahil parin sa nalaman ko na hindi nila hinanap si Fina. Sinong pamilya ang mag give up sa anak o kapatid hangga't hindi sila sure na wala na nga ito.

Buti pa ang mommy ko hindi talaga ito nawala at nag guide sakin ng pa sikreto habang lumalaki ako atsaka ako binalikan nung alam nya na pede na, ma sigurado nya lang na ligtas na kami mula sa nagpa sabog sa yatch noon.

Pero sila, they can laugh and be a whole family kahit na kulang sila. I thought they are perfect family to be jealous of pero hindi pala. Mas mabuti pa ang mommy ko kesa sa kanila.

Pagkatapos namin kumain ay tinutulungan naman ako ni Ate Sara nag mag ayos ng gamit ko.

"Sorry Keeya ha, I understand now maybe you just feel for Fina, kasi iniwan ka din" mahina naman na sabi ni Ate Sara.

"It's okay Ate" maikli ko naman na sagot dito.

Niyakap naman ako nito kaya niyakap ko na lang din kesa naman ma feel nito na hindi sincere ang pakikipag bati ko dito.

Pagkatapos namin mag ayos ay tinawag naman na kami dahil nasa baba na daw ang mommy ko. Nang marinig ko yun ay agad agad akong tumakbo papunta dito.

Nakita ko naman na nakatayo ito sa may living room at may dalang madami na paper bag.

Mommy !!!!!" Sigaw ko naman dito at halos patalon na akong yumakap.

"Anak matutumba tayo, so excited lang ha" bati at reklamo naman nito sa akin.

"I thought you're not coming back mommy" sagot ko naman dito habang yakap parin.

Pinaharap naman ako nito at hinawakan sa mukha.

"Pede ba yun ? Nag promise ako sa inyo ni Ate Sara na bibigyan ko kayong pasalubong diba ? Masama mag break ng promise" sagot din naman nito sa akin.

Niyakap din naman nito si Ate Sara at binigay ang mga pasalubong nito sa kanila.

"Tita mom it so many naman po, thank you po" masaya naman na sabi ni Ate.

Sara - Fina (One Last Cry ... BOOK II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon