Chapter 23

72 11 6
                                    

Akeeya's Pov:

Nagising ako na turtle pillow ko na ang kayakap ko at wala ang mommy. Dali dali naman ako bumaba para hanapin ito pero wala parin ito sa kahit anong sulok ng bahay.

Naiiyak na ko ng biglang bumukas ang pinto at nakita ito na may dala dala.

"Oh bakit ? Ano nangyari ?" Tanong naman nito sa akin dahil mukha akong natataranta.

"Mommy !" Yakap ko lang naman sa kanya.

"Hindi na kita ginising, nagbili lang ako sa labas ng dumadaan na kutsinta, diba favorite mo ito ? Nung bata ka lagi mo to kinakain eh" sabi naman nito sa akin.

Tumango lang naman ako at niyakap ito.

Habang kumakain ng umagahan ay may nag doorbell naman sa may gate kaya inutos na ito ni mommy sa helper namin na tignan kung sino at papasukin kapag kilala.

Maya maya pa ay nakita namin na papalapit na ito sa amin.

"R-rod ? Ano ginagawa mo dito" taka na sabi ni mommy.

Hindi naman ako makatingin dito at naramdaman na lang ang paghalik nito sa may bandang noo ko.

"Bad mood si Kulit ?" Natatawa naman na tanong nito kay mommy.

"Kakagising lang kasi, ano ginagawa mo dito ?" Tanong ulit ni mommy kay Rod.

"Hinatid ko si Sara ng maaga, dumaan lang ako dito para ibigay itong binigay din ng business partner namin, ang dami kasi" sagot naman nito kay mommy.

"Ang dami naman prutas nyan Rod" sabi naman ni mommy.

"Kaya nga eh, harvest daw nila ngayon" sagot naman nito.

"Kumain ka na ba ? Sabayan mo na ko, si Keeya kasi chocolate drink lang yan sa umaga" akit naman ni mommy dito at tumingin sa akin.

Hindi naman umusap ito at umupo na lang sa tabi ni mommy at ngumiti sa akin.

"You want to go to the house ba ? Maaga ulit uwian ng ate Sara mo, exam lang nila" ngiti naman na tanong nito sa akin.

Umiling lang naman ako dito.

Habang magkalapit sila ay di ko naman maiwasan isipin ang sinabi ni mommy kagabi. Fiance na nya ito dati pero hindi natuloy dahil kay Tita Imee. Nawala pa ang baby ni mommy dahil doon sa sobrang stress at lungkot ni mommy sa ginawa nila.

Mang aagaw si Tita Imee, dapat nung alam na nya na ikakasal na ito sa iba, hindi na nya ito inagaw. Pero kita ko sa mukha ngayon ni Tito Rod habang kausap nito ang mommy ko na parang walang nangyari sa kanila na hindi maganda. Masaya itong nakikipag kwentuhan sa mommy ko at kita ko ang saya ng mommy ko habang kausap sya.

"Wala parin ba kayong kasama dito ? Wala parin si Manang Celia ?" Rinig kong tanong naman ni Tito Rod kay mommy.

"Mukhang di na makakabalik muna, wala kasing titingin sa magulang nya eh, okay lang naman kami dito" sagot naman ni mommy.

"Di bale minsan minsan pupunta kami ni Sara dito, para hindi nabo bored si Kulit, diba ?" Sabi naman nito at tumingin sa akin pero hindi ko naman ito pinansin.

Nakita ko naman na sinenyasan nito si Tito Rod na wag muna ako kausapin.

Pagkaalis ni Tito Rod ay tumingin lang naman sa akin si mommy at hinila ako sa may living room.

"Anak, wag naman ganun sa dad mo" amo naman ni mommy sa akin.

"Tito Rod po, hindi dad" mahina ko naman na sabi dito.

Sara - Fina (One Last Cry ... BOOK II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon