LEE's POV
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at nasilaw sa puting liwanag na nakatutok sa aking mukha. Mukhang nasa loob ata ako ng ospital. Nanghihina at nanlalambot ako pero bigla akong napabalikwas ng makapa ko ang aking tiyan.
"Ang baby ko!!!" bakit wala ng laman ang tiyan ko?
"Baby..." malambing na pagtawag ni Aaron sa aking pangalan while wearing a reassuring smile. "Okay na si baby, nasa incubator lang dahil kulang pa ng ilang weeks but other than that, he is fine." bigla akong nakahinga ng maluwag. Now that I think about it, wala pa pala akong naihahandang pangalan para sa anak ko.
"Aaron, wala pa akong maisip na pangalan ni baby" napangiti naman siya sa sinabi ko.
"No one is rushing you babe, take your time" habang hinahaplos ang aking pisngi making it feel warm.
"Ano nga pala nangyari sa inyo ni Kuya Aiden kanina?" bigla kong naalala ang mga eksena bago ako mawalan ng malay, knowing that man hindi titigil yon hanggang hindi nakukuha ang gusto niya. Nakakairita sa totoo lang, laki-laking lalaki pero parang bata pa rin na nagta-tantrums... spoiled brat.
"Umalis na siya after mo maoperahan, inantay lang makalabas si baby para masilip" pero infairness ha sa lahat sa kanila itong si Kuya Aiden lang yung mukhang may balak panagutan ang anak ko, kaya kahit bwiset siya parang sige na nga lang, wala naman na ako ibang choice. Imagine kung nagkataon si Jorda or Kent yung naging ama baka nagtago na ang mga yun sa kung saan man na bundok.
"But he said he will be back, for the DNA testing. He is desperate Lee." Oh I know that fact painfully well.
Tumango lamang ako ng marahan dahil expected ko na din naman na hindi kami titigilan ng kapatid niya. I can feel that there is something bothering Aaron as of the moment and I think I have an idea what it is about pero I just want to make sure before making any assumptions.
"Babe? Okay ka lang? Parang malalim ang iniisip mo." sabay pisil sa kanyang mga kamay na nakapatong sa aking higaan.
Tumingin siya sa akin ng derecho, looking so serious and determined, I am getting drawn to his stare... Kiffy kalma tayo, sariwa pa ang tahi natin.
"Lee, akin ka okay?" wow ha, biglaan nang-aangkin ang kuya niyo. "No matter what the result is, akin ka... it's up to you whether you want to give the biological father the right to do his obligations, I can respect that pero hindi ako makakapayag na agawin kayo sa akin" then he gave my hand a kiss, so gentle and sweet. He holds me as if I am his most prized possession, I can never ask for more.
"No one can take me away from you mahal ko" I also want to give him that reassurance, hindi dapat laging siya lang ang nagbibigay, madami din ako kaya ibigay sayo mahal ko.
Ilang araw na din ako sa ospital at wala pang nababanggit ang doctor about my discharge. Sinasabi nila na kailangan pa daw namin ni baby ma-monitor. Baby is doing well naman, kapansin-pansin yung pagbabago sa balat at timbang niya compared to when he was just born.
I decided to name my baby Adrian, starts with an A, ends with an N... hindi halata na whipped ako kay Aaron, kainis lang kasi kapareho din ni Aiden, diyos ko premonition na ba yan na si Kuya Aiden ang ama?
Bumalik na nga ang damuho ng ospital para gawin yung paternity test. Hinayaan ko na sila na lamang ni Aaron ang magharap dahil sa totoo lang I get stressed when I see him. His whole demeanor always makes me uncomfortable. Bakit kasi hindi matutong kumilos ng gaya ng isang normal na tao, whenever he is with me he acts as if a dog in heat na handang-handa kumasta.
"Okay na, antay na lang ng 2-3 weeks, they will message us when it is available." he doesn't seem very delighted, parang may kaba kang maririnig sa boses niya noong sinabi niya yun. Did I not reassure him enough?
BINABASA MO ANG
✔️Who is the Daddy?(MPREG)(Taglish)
RomanceBullied all his life because of his feminine characteristics, Lee made the rash decision of joining a fraternity in hopes of acquiring brothers and friends that can protect him against his perpetrators. Pero gumuho ang kanyang mundo ng kanyang malam...