CHAPTER TWO

3 0 0
                                    

Chapter 2.

HABANG NAGTATRABAHO ay hindi mawala sa isip niya si Kaelanna. Aaminin niya, hindi niya inaasahang makikita niya ito rito. Sa dinami-dami ng puwede nilang pagkitaan ay nasaktuhang sa Germany pa sila nagkatagpo.

Hindi niya alam kung papaanong sasabihin niya sa kaibigan na kilala niya ito at mayroon silang pinagsasamahan dati. Palagay niya kasi ay importanteng sabihin niya ito kay Gian. Palagay niya rin kasi ay nagustuhan ito kaagad ni Gian at paniguradong ilang buwan nila itong usapin.

If only I knew, shuta talaga.

Matagal na silang hindi nagkikita. Mahigit siyam na taon na rin simula noong nagkahiwalay sila. Simula noong pangyayaring iyon ay hindi na sila pinagkrus pa ng tadhana. Wala itong balita sa kaniya dahil hindi naman niya ito kinakamusta at ganoon din ito.
Ganoon ka pa rin kaya? Are you still the same Gali I met years ago o madami nang nagbago? She shooked her head. Probably the second one.

Niyuko niya ang sarili sa lamesa at hinayaan muna na ganoon siya nang ilang mga minuto. Hindi niya alam paano siya mag-iisip. She is bothered by her past-lover’s presence, and she knows it. Alenna bets Kaelanna knows that she is bothered too.

“Hindi ka dapat concerned Ena. Ang tagal na nun, utang na loob.” Pagkakausap niya sa sarili. Hindi na talaga niya malaman ang gagawin. Kanina pa rin kasi niya ito iniisip. Sa totoo lang ay gusto niya na itong sugurin sa opisina nito. Nasa 6th floor lang naman iyon, hindi naman kalayuan. Puwedeng-puwede puntahan.

Pinikit niya muli ang mata at sinabunutan ang sarili. “Bakit? Bakit ngayon pa tayo ulit nagkita? Anong meron?” pagtatanong niya sa sarili.

“Alam mo, onti nalang ihahatid na kita sa mental hospital.”

Kaagad siyang napaayos ng upo at inangat ang tingin sa nagsalita. “Ikaw ulit?”

“May binibisita lang.” nakangiting sabi nito. Kinuha niya ang check book at nilista ang pangalan nito. “Visitor sticker oh.” Inabot niya rito ang isang wrist sticker.

“Patient 46 ba ulit?” pagtatanong niya rito.

“Kung ‘yan ang kapatid ko then yes.” Sagot nito. Tumikhim siya at kumuha ng isa pang listahan. “Geez! Ang dami niyan ah. Buti hindi ka napapagod.” Komento nito. “Work eh.” Sagot naman niya rito.

“Patient 46… uhm, nasa room 34 siya, floor 3. Kakalipat lang niya kagabi.”

“Okay, thank you Nurse Ena.” Nginitian siya nito at nagsaludo pa. Hindi naman niya mapigilang hindi ngumiti.

Napakabait nitong si Samuel sa kaniya at napakagenuine na lalaki. Halos araw-araw na noong dinadalaw ang kapatid nitong comatose sa ospital at palaging may dala-dalang gift box.
She once asked the guy what was inside the box, and he told her it is a piece of a bigger thing.

Maya-maya ay binalik na niya ang atensyon sa ginagawa. She is tasked to organize the papers that are needed in the hospital. Later, Alenna will be handed all the attendance checklists for the interns. Mahaba at mabigat na araw uli iyon para sa kaniya.

She wonders, who will handle the interns now? Si Kaelanna ba? She sighs. I doubt it… with that degree she has on her head, hindi siya magh-handle ng ganiyan.

Bigla siyang napabalikwas ng bangon nang may tumikhim sa harap niya. Inangat niya ang tingin at nakita ang isang napakagandang babae. “Hi.” bati nito sa kaniya.

“H-hi…” bumaba ang tingin niya sa name plate sa labcoat na suot nito, “doc… Paris?”

“Yes. That’s me.” Napatango-tango siya rito.

Beyond This ExistenceWhere stories live. Discover now