CHAPTER FOUR

2 0 0
                                    

Chapter 4.

SO, WE DO HAVE a deal now?” pagtatanong ni Kaelanna habang nagsusuot ng damit. Tinignan niya ang kausap na lalaki na nag-aayos ng sapatos. “Yes.” Anito na hindi nakatingin sa kaniya. Walang gana siyang tumango at lumabas na ng office pagkatapos magbihis.

Dire-diresto siyang naglalakad pabalik ng O.R, nanginginig ang kamay niyang hinatak ang labcoat na nakasabit sa gilid. “You are a jackpot my sweet, a jackpot indeed.” Pinikit niya ang mga mata at pilit na pinapakalma ang sarili. Naalala niya ang mga nangyari kanina at hindi siya lalong mapakali. “You taste so sweet.” Naalala niya sa kung papaanong bumaba ang kamay ng direktor mula sa binti niya papunta sa kaniyang ibaba. He gracefully touched her not knowing how much she hates it.

Laking gulat niya nang bigla nalang may humawak uli sa kaniya. Kaagad niyang hinampas ang kamay na iyon at aligagang tumayo ng tuwid. “D-doc Gwancy...” si Doktora Trina. Isa itong resident doctor na pinakilala sa kaniya ni Doctor Kent kahapon. Gulat itong nakatingin sa kaniya. Kita sa mga mata nito ang pag-aalala na agad na napuna ni Kaelanna. “What?!” sigaw niya rito.

Napatalon sa gulat ang kaharap na doktor. Maging si Kaelanna ay nagulat sa aksyong binitawan niya. Kita niyang napuno ng takot ang mga mata ng dalaga. But there is no time to say sorry, I have to leave. Aligaga niyang sinuot ang labcoat at iniwan ang dalagang naiwang nakatanga sa kaniya.

As she walks into the long corridor, hindi pa rin siya mapakali. Nararamdaman pa rin niya ang bawat paghipo at paghawak sa kaniya ng direktor at nandidiri siya sa tuwing naaalala iyon. Do I have any time for alcohol? Tinignan niya ang suot na orasan. 3:47 AM. I didn’t even get any sleep. I’m so exhausted.

Dire-diretso siyang naglakad papuntang parking lot ng kotse niya. She wants to drink; she has to drink. Doon nalang niya ibubuhos ang frustration niya. Habang inii-start ang kotse, napaisip siya kung mag-isa lang ba siyang iinom o dapat bang may isama siya. Kaelanna doesn’t know anyone from here actually, she just basically flew here in Germany on her own. 

Puta. Sino naman kaya?” wika niya. Napasabunot siya sa inis, at inabante ang sasakyan niya. Doon may tinamaan na kung ano ang sasakyan niya na nagpauntog sa kaniya sa manobela. “Putang ina!” bulalas niya. Sa sobrang sakit ng pagkakatama niya ay nahilo siya.

“Argh! Bwisit!” Sinapo niya ang ulo at tinignan ang rear-view mirror. Wala namang poste sa paligid at nasisiguro niyang ang layo niya sa pader ng ospital. Saan naman siya tatama? Binuksan niya ang pintuan ng kotse at tinignan ang kung anong natamaan niya.

Doon nakita niya ang babaeng nakaupo sa sahig na sapo-sapo ang binti na namumula at pansin niyang fractured. “Fuck. I’m sorry.” paumanhin niya at agad na tinulungan ang babae. Binuhat niya ito sa pamamagitan ng pag-angat dito sa magkabilang braso. Walang tingin-tingin niyang binuhat ang babae at sinakay sa sasakyan niya. Sumakay na rin siya rito at hinarap ang babaeng nabunggo niya.

Nagugulat niyang tinitigan ang kaharap niyang gulat ring nakatitig sa kaniya. “Alenna?”

“Kaelanna… ang sakit, sobra.” daing nito.

“S-sorry…” Naisambit nalang niya. Hindi siya makatingin ng diretso kay Alenna na namimiliit sa sakit. “I didn’t saw you there. I’m very sorry.”

“AH!” daing ni Alenna nang hinawakan niya ito upang itaas. “Dahan-dahan please?!” galit na pakiusap nito. Tinignan siya nito ng masama. Hindi niya ito pinansin at pinagpatuloy ang pagc-check sa binti nito.

“Did I run you over?” tanong ni Kaelanna.

Hindi kaagad sumagot si Alenna kaya’t inangatan niya ito ng tingin. Nakita niyang nakakunot ang noo nito at nanlilisik ang mga mata sa kaniya. “Okay thanks for the uh, answer.”

Beyond This ExistenceWhere stories live. Discover now