Chapter 6.
THE AWKWARDNESS WAS present in the room. Ramdam na ramdam nilang lahat lalo na naiilang sila sa isa’t-isa. Maliban siguro kay Kert na nakangiti pa sa kanila.
“Hi doc..” pagbati ni Gian na yumuko pa ng kaunti. Ganoon rin ang ginawa ni Alenna na yumuko rin nang kaunti.
“Hi Gian, hi Alenna. I heard about what happened. Are you okay?” Lumapit si Sanders sa gawi niya.
Do I look like okay?
Nasa likod niyon si Kaelanna na katabi si Ayesha. “Yes Ena. Are you okay?” matining ang boses na pagtanong ni Ayesha. Hindi niya alam ngunit naiinis na siya kaagad rito.
“We were so worried about you…” dagdag pa nito. Plastik! Tinignan niya ang gawi ni Gian na nandidiring nakatingin kay Ayesha. Hindi naman ito pansin ng tatlong doctor dahil ang gawi ng mga ito ay nasa kaniya.
“Okay lang h-ho ako…” tugon niya sa sagot ng dalawa.
“That’s good. Is Gian here your nurse?”
“Uh–no po doc. I’m just here, for lunch hehe. Para po may kasabay siya.” Sagot ni Gian. “I see…” Napatango-tango si Kert bago umupo sa may tabi niya.
Napansin niyang si Ayesha lang ang walang suot na labcoat. Paniguradong kakatapos lang nito mag-opera. At si Kaelanna naman, siguro kakapasok lang. Hindi ito nakasuot ng lab coat o ng scrub suit. Instead, she's wearing a black polo shirt with yellow linings, paired with black slacks and black loafers.
Si Kert naman ay mas pumopogi sa suot nitong polo na pinatungan niya ng labcoat.
Napatingin siya sa orasan. It's already 11 AM in the morning. Weird. Ano kayang pakay ng tatlong 'to? It's unusual to see them at this hour. Madalas ganitong oras nasa E.R 'tong mga 'to. Hindi siya kumibo.
“Uh Ena, I know you don’t often ask for a leave pero kasi, I know you need one... I mean, you’re badly injured and I think it’ll be better really if you stay at home...” sabi ni Kert. “...for uhm, we were thinking fourteen weeks.”
“D-doc?!”
“Ho?!” Napatayo pa sa gulat ang kaibigan niyang si Gian na pinaupo kaagad ni Ayesha. “Yes Ena. A badly injured leg will take up to seven weeks to heal... and we want you to give you that fourteen weeks of rest para maka-recover ka. Since obviously when that cast is off, hindi ka kaagad makakagalaw katulad ng dati. You will need some time to recover.” Mahabang paliwanag ni Kert na pinakinggan naman niya.
“Yes, doc I understand pero kung puwede, if magaling na ang binti ko baka puwede pumasok na ako agad. Kahit hindi pa fourteen weeks. Please, Doc Sanders...” pagmamakaawa ni Ena.
Bigla niyang naisip na wala siyang magiging trabaho sa ilang linggo na ‘yun. That’s almost three months without paycheck. Wala siyang mapapadala sa pamilya niya sa Pilipinas at paniguradong kukwestyuhin ito ng mga iyon.
She should avoid things that’ll affect her current life here in Germany. She’s happy with what she have. Ayaw na niyang mawala iyon sa kaniya.
“I understand Ena but this is for you. Don’t worry because Doctor Kaelanna decided to cover for you.” Gulat siyang napatingin dito, “ho?”
“Yes. You will still receive your monthly paycheck and that is because of Kaelanna.” Mahabang paliwanag ni Kert. “After all, she’s the one who did this to you.” Natatawang sabi nito.
“Ano?!”
Napagawi silang lahat kay Gian. Hindi pa pala nito alam ang nangyari dahil hindi niya pa sinasabi. Sigurado rin siyang hindi ito kinwento ni Kaelanna. “I see... hindi mo pa pala nasasabi kay Gian.” Nakangiwing tugon ni Kert.
YOU ARE READING
Beyond This Existence
RomanceROMANCE - WLW - R18 How would you feel of meeting your ex again? Like after long years of not seeing and talking to each other, all of a sudden- she would return, back into your life. Maria Alenna Gonzales, a 32-year-old maiden who is a nurse in Ger...