Chapter 7.
IT WAS ALREADY DINNER time and Alenna woke up with an unpleasant call from her sister. “Anong confidential? Saan nga address mo?”
“Eh bakit ba kasi?” naiinis na tanong niya. Kanina pa kasi siya nito kinukulit at ayaw pa siyang tigilan patungkol sa address niya. “Diyan mga maninirahan sila Tati kasama si Bren ano ka ba? Paulit-ulit na ah.”
“Para saan? Hindi nalang sila umupa ng hotels?”
“Mahal ‘yun ate ano ka ba! Mas mapapatipid sila if diyan nalang.”
Hindi nakaimik si Alenna. Ayaw niyang ibigay ang address niya dahil nga hindi naman siya doon maninirahan. Nag-aalala siya na baka magtaka ang mga iyon at alamin kung bakit hindi siya nakatira sa sarili niyang condo. “Ate, hello? Andiyan ka pa ba?”
Nagising siya sa reyalidad. “O-oo…”
“Oh, ate ano bang problema? Ayaw mo bang andiyan sila Tati?”
“No… gusto ko naman.”
“So bakit ayaw mo ibigay?
Nichole requested for a videocall but Alenna instantly rejected it. “Ate, what’s the problem?”
“What do you mean?”
“Clearly ayaw mong ibigay. So, what’s the problem?” Hindi siya lalong nakasagot. Even on her own sister hindi niya puwedeng sabihin ‘yung kalagayan niya sa ospital. At mas lalong hindi puwedeng malaman nito na ka-trabaho niya ang ex niya sa Germany. That would be insane. For sure makakarating ‘yun sa nanay niya at sa mga kaibigan niya sa Pinas. “Ate?”
Pinikit niya ang mata, walanghiyang problema ‘to oh. “Hmm?” pagsagot niya rito.
“Inaantay ni Tati reply mo. Diyan nga muna sila sayo manunuluyan kasi raw may dadalawin sila sa Berlin. Hindi ko alam kung ano ‘yun.” Nakikinig lamang siya kay Nichole habang nag-iisip ng solusyon. “Ate sabihin ko nalang kay Tati na hindi available place mo.”
“No. Magtatanong ‘yun sila.”
“Ah-ha! So hindi nga available.” Fuck! Napakagat siya ng labi. “Oo.” Sagot niya rito. Napapikit siya at mas nadiinan ang pagkagat sa labi niya. “Okay. I’ll tell them. Pero magtatanong ‘yun.”
“Exactly Nich! Kaya nga hindi ko alam paano eh.”
“Hmm... bakit muna hindi available? Sabihin mo na saakin, kapatid mo naman ako.”
Natutuliro na siya. Hindi niya malaman ang sasabihin. “K-kasi...” Nilibot niya ang mata sa paligid at nakakita ng newspaper. Nakasulat doon ang word na ‘HOMELESS’ at nagkaroon na siya ng ideya. “Kasi ano! Ano– uhm, kasi hindi na ako doon nakatira. Actually, wala na akong t-tinitirahan.”
“Ha? What the fuck do you mean? Homeless ka na–ano?!”
“H-hindi! Ano kasi–!” Binuklat niya ang dyaryo at nagbasa-basa roon. Tumama naman ang mata niya sa isang headline. ‘FAMOUS ACTOR ELEANOR FRERICH AND SOCCER PLAYER CONRAD YUTZE CONFIRMED DATING AND IS NOW LIVING IN EACH OTHER’S APARTMENT.’
“Live in! Oo, live in!” Bulalas niya.Natahimik naman ang kabilang linya ng ilang saglit. “Live in? Ano?”
“Oo! Magka-live in na kasi kami ni ano… ni… ni Gian! Oo para ano, mas tipid ‘di ba? Grabe din ang bayarin dito akala mo lang.”
“Kayo ni kuya? Kailan pa?”
“K-kahapon lang.”
“Ahh… Ganon ba? Edi okay. I’ll tell Tati.”
YOU ARE READING
Beyond This Existence
RomanceROMANCE - WLW - R18 How would you feel of meeting your ex again? Like after long years of not seeing and talking to each other, all of a sudden- she would return, back into your life. Maria Alenna Gonzales, a 32-year-old maiden who is a nurse in Ger...