CHAPTER FIVE

3 0 0
                                    

Chapter 5.

PAPASOK PALANG NOONG umagang iyon si Alenna nang tumawag ang kapatid niya sa kaniya. Seven hours ang pagitan ng oras ng Germany at Pinas kaya’t sigurado siyang patulog pa lang itong kapatid niya.

“Hi!” nakangiting bati niya rito nang sagutin niya ang tawag. Magiliw naman siyang nginitian ng kapatid niya. “Anong oras na diyan ah? Miss mo nanaman ako?” biro ni Alenna sa kapatid niya na lumawak ang ngiti.

“Hindi ah, asa ka naman.”

“Sus!”

“Hahaha!” Natawa sila parehong magkapatid.

“So ano meron? Napatawag ka.”

“Wala lang.”

“Sus, ano nga?”

“Wala nga lang haha… oh? Aalis ka na agad?”

“Oo. Magt-three na eh.”

“Ano naman? Akala ko na pasok niyo ay 5 AM? Morning shift ka ‘di ba?”

“Oo pero maaga ako napasok.”

Kumunot ang ulo ng kapatid, “madilim pa ate. Baka mamaya mapano ka diyan.”

“Hindi ah! Kasabay ko naman si Gian.”

“Ah... okay.” Napatango-tango naman si Nichole. Kilala ng kapatid niya si Gian. Kaklase kasi ito ni Alenna noong kolehiyo nang magsimula siyang mag-aral ng Nursing. Tapos noong na-sponsor siya ng tita niya para mag-aral sa Germany ay sumunod ito. Ma-pera naman ang pamilya ni Gian kaya’t wala itong problema sa kaniya.

“Nga pala…” Tinaasan niya ng kilay ang kapatid. “Oh? Sabi ko na nga ba may gusto kang malaman eh. May pa-wala wala ka pa.”

“Haha hindi. Si kuya Gian in love eh. Sino ‘yun?”

Kumunot ang noo niya. “Anong sino ‘yun? Paano mo alam?”

“Sinabi niya saakin.”

“Wow. Close kayo?”

“Oo naman! Crush mo ‘yun eh hahaha!”

“Manahimik ka nga diyan Nichole.” Sinungitan niya ito. Hindi naman niya nagustuhan si Gian katulad ng iniisip ng kapatid niya. Nag-gwapuhan siya dito, ayun ang totoo pero hindi niya ito gusto. “Nanligaw nga sayo dati ‘di ba?”

“Nichole!” suway niya rito na nanlalaki na ang mata.

“Ano? Hahaha totoo naman eh!”

“Hindi. Manahimik ka na.” seryosong salita niya rito na kaagad napansin ng kapatid niya. “Ay okay, sorry.”

Hindi pinansin ni Alenna ang kapatid at tinitigan lang ito sa screen. Miss na miss na talaga niya ang kapatid niya. After college ay kinuha agad siya ng tita niya para pagtrabahuhin sa Germany. Pagkatapos naman nun, nung nagkaroon na siya ng pera ay lumipat na siya kaagad ng lugar dahil nahihiya na siya sa mga ito. Wala namang hinihinging kapalit ang tita niya pero tinanaw niyang utang na loob iyon.

“Pero seryoso, sino nga ‘yun?”

“Ewan ko. H-hindi niya pa nababanggit.” Pagsisinungaling niya. Kilala ng kapatid niya si Kaelanna, ng buong pamilya niya sa totoo lang. Alam nilang lahat ang nangyari sa kanila.

Beyond This ExistenceWhere stories live. Discover now