Stacey
"Lindtsey Stacey Aubrey" isang malakas na boses ang umalingawngaw mula sa pinto. Kasunod nito ang pagpasok ng isang tao na pinaka-ayaw kong makita sa school na'to. Another day and another nakakainis na mukha ni Jhoanna - the Student Council President ang nakita kong nakatingin ng masama sa direksiyon namin.
No wonder kung bakit ayaw ko sa kaniya kasi first of all, ayaw nila sa'min.
"Ikaw nanaman" inis na bulong ko sabay mahinang sinipa ang upuan sa harap ko. It's not a major offense naman eh, hindi ko naman kasalanan yung nangyari. Hindi lang talaga matiis na palampasin lang yung nangyari.
"Malamang ako ang President at kayong tatlo nila Catacutan at Ricalde ang palagi kong nakikita dito. Hindi ba kayo nagsasawa sa detention room?" naglakad siya papunta sa harapan namin at ibinigay ang isang papel na may mga pangalan namin and ang number of offenses based sa columns. Tsk, these sheets again. Nakakasawa namann talaga dito sa detention room pero mas nakakasawa makita ang pagmumukha niya.
Wow, I have 4 offenses while Maloi and Sheena got 6. How on earth did they got into trouble na wala ako??
"Ano 'yan? List ng noisy?" Bulong ni Sheena sa tabi ko. Narinig ko naman na bumungisngis si Maloi na nasa isang tabi ko rin.
"Utang mo raw Stacey, 'yan na nga ang sinasabi ko-
Naputol ang paghirit ni Maloi ng may isang nagsalita sa may pinto. "Mga bobo" sabi ni Colet- ang Vice President ng Student Council na medyo warfreak din. I don't even know why she's the VP kahit na mostly siya yung nag va-violate sa rules. Well hindi naman kami close para tawagin niyang bobo tsk, she's out of bounds.
"For your information, hindi kami bobo. Baka ik - -
"Stop it na guys, you're just making it worse. If I were you, I would stop it right away before pa 'to makarating sa Dean. They'll suspend you for - -
"Yeah right whatever that is" I interrupted Mikha, the peace officer who is always on her mobile games. Wala atang araw na hindi naglalaro sa phone niya.
"Gwen, please paki note ng mga offenses nila so that we can plan on the disciplinary actions that we'll give to them also, make sure to send me a soft copy of it para may back up list tayo" sabi ni Jhoanna kay Gwen - the secretary na tumango lang as a response. I haven't heard her talk that much at naiintriga ako kung 'pano niya nakakayang hindi maging madaldal sa isang buong araw.
"S-sorry guys I'm late" another voice popped up from the door na parang hingal na hingal.
"It's alright Aiah, nagsisimula palang naman kami" sabi ni Jhoanna na ibinalik ang tingin sa akin.
It's always this Student Council who keeps on interrupting our supposed to be 'playtime'. Wala siguro silang mapagdiskitahan sa mga buhay nila kaya kami ang laging nakikita. Hindi naman namin kasalanan na nag-amok yung girl na napagsabihan namin sa canteen about her outfit - - - I mean yeah partly kasalanan namin but not totally.
BINABASA MO ANG
For Stacey (JHOCEY)
Fanfiction"Ahhh nakakainis ka talaga Jhoanna!!" "Mas lalo ka na" Stacey the kikay troublemaker together with her friends always find their way back to the detention room where Jhoanna and the rest of the student council officers are keeping an eye on. Would...