Part VI - Another offense

70 6 0
                                    

STACEY

"Mga tanga pala kayo eh" sigaw ni Katherine sa'min matapos kong ibato sa mukha niya ang bola. Serves her right, akala niya pagmamay-ari na niya 'tong gym porket halos dito na siya nakatira kaka practice. Masyadong napalakas ang sigaw niya to the point na marami ng mga students and nakikichismis sa gym.


Tsk, puro yabang lang ata ang alam nito. "Manahimik ka dyan panget baka ipakain ko sayo 'tong bola" sigaw ni Maloi  na kanina pa galit na galit.



Nakakainis talaga 'tong mga 'to. Balakid sa paghihiganti ko kila Jhoanna. "Umalis nalang kayo please, para wala ng gulo" pakiusap ni Valerie. Sus as if hindi siya yung nag dala ng gulo rito.




"Tara na guys mag practice na tayo" sabi ni Sheena na parang walang nakita at narinig. Ni hindi nga niya pinansin yung sinabi ni Valerie hahahha deserve.



"Tigas talaga ng ulo"


Bago pa kami makatalikod sa pwesto nila, isang bola naman ang lumanding sa ulo ni Sheena.


Aba naman?!!


"Gago ka ba?!!" I can't contain myself anymore at kinuha ko ulit ang bola na ibinato ni Katherine kay Sheena at ibinato ito pabalik sa kanya. I don't have respect for someone na wala ring respeto. I don't care if senior ko siya, all I know is she's pushing me to my limit.


Nagsiliparan naman ang mga bola sa likod ko papunta kila Katherine at galing iyon sa lalagyan ng mga bola na kinuha nila Sheena at Maloi including our other classmates. Pinagbabato nila ng mga bola yung kabilang grupo.



"Hoy ano ba?!" sigaw ni Valerie. I'm enjoying her reaction kaya kumuha rin ako ng bola at ibinato sa kanya hahahhaa. This is more fun than having to practice basketball at all.

----------------------------------------

THIRD PERSON

Patuloy na nagbatuhan ng bola ang dalawang grupo na hindi nila napansin ang pagpasok sa gym ng Student Council Officers. A student went to their office to report the things na nangyayari sa gym kaya pumunta sila kaagad.


Pinulot ni Stacey ang bola malapit sa kanya at malakas itong ibinato kay Katherine na agad namang nakailag at sa hindi sinasadyang pangyayari, napunta ang bola sa mukha ng Student Council President na si Jhoanna na natumba dahil sa lakas ng impact.


Nagsitigil ang grupong nag- aaway at nagsipagtinginan kay Stacey pabalik kay Jhoanna.


"Lagot na" bulong ni Sheena na nagsimulang humakbang paatras. Kinakabahan siya na natataranta dahil maraming beses na silang nadawit sa gulo. "Damay damay na 'to tanga" bulong ni Maloi na hinigit ang t-shirt ni Sheena pabalik.



"Hala piskit, Jho okay ka lang?" sigaw ni Colet na nagulat sa pangyayari.

"What the f guys?!"

"Omygosh Jho!!"

"..."

sabayang sabi ng mga members ng Student Council matapos makita si Jhoanna na nakaupo pa rin at hawak ang kanyang dumudugong ilong


Tinulungan siyang tumayo ng mga officers habang ang dalawang grupo na dawit sa gulo ay walang ginawa kun'di ang panoorin ang eksena sa harapan nila.



Napabuntong hininga ng malalim at napapikit si Jhoanna bago siya magsalita. "ALL OF YOU! GO TO THE STUDENT COUNCIL OFFICE, NOW!" sigaw ng President sabay talikod sa kanila. Bakas ang galit sa tono nito kaya walang ibang nagawa ang grupo kun'di ang sumunod.

--------------------------

STACEY

"For the 50th time, stop. fighting.because.you're.not.kids.anymore." gigil na sabi ni Jhoanna habang pinupunasan ang ilong niya. She's sitting on her chair dito sa room at pinapaikot ikot niya ito. Nakakahilo na nga eh pero wala akong magagawa dahil kasalanan ko rin naman kung bakit dumugo ilong niya.



"Bakit ba kasi hindi ka umilag?" bulong ko kasi totoo naman. Sana umilag siya. Kung kay Katherine tumama yung bola, 3 pts yun sa mukha hahahhaa.


"May sinasabi ka?" tinignan ako ni Jhoanna ng matalim habang nakapatong ang ulo niya sa headrest ng swivel chair niya.


"Wala po" I murmured. Eh sorry naman hindi naman talaga siya yung target ko eh, kasi naman!



"Siya yung nag-umpisa" turo ni Valerie kay Maloi. "Anong ako? Kung 'di lang tanga 'yang captain niyo edi sana hindi na-agrabyado ang kaibigan ko!" sigaw ni Maloi na matalim na nakatingin kay Valerie. Kaming tatlo lang ang pinatawag sa detention since wala naman talagang ibang ginawa yung ibang classmates namin and I don't want them na madamay sa lagay namin ngayon.

She's right, ayaw naming inaaway si Sheena kasi siya ang pinaka baby sa aming tatlo. Nako nako, sinasabi ko talaga nanggigigil ako dito kay Valerie eh.


"Tatahimik kayo o sisipain ko kayo?" seryosong saad ni Jhoanna. Haven't seen her this serious. She's even mad now than before at parang wala kaming takas sa ginawa namin.



Tumahimik naman si Valerie at Maloi na nagtitinginan nalang ng masama. "I won't make this any longer, kayong tatlo maglilinis kayo sa cr ng library while the basketball team should clean the gymnasium and all of you stay in the detention room for an hour" Jhoanna exclaimed na nakatingin sa'min when she said about sa cr ng library which made my blood boil.


Before I could even talk, Valerie objected right away ."Pero Miss Pres. ang lawak ng gymnasium—


"Siyam kayo, pwede na yan" saad ni Colet na nakapamewang sa harapan nila. She's right, madami naman sila pero this is still unfair.


"Bakit c.r. yung samin? Grabe naman kayo—


"Pwede namang field nalang yung linisan niyo, gupitin niyo lahat ng damo" saad ulit ni Colet habang matapang na tinitignan ang nagrereklamong si Maloi. Dang, she's too furious, she doesn't even know nga kung ano ang pinagmulan ng gulo eh.


"Sige tapos ipakain ko sayo bwesit ka" bulong naman ni Maloi na nakapagpahagikhik samin ni Sheena.


Pfft hahahaha, ang tapang na ni Lucky and I'm here for it.


"Sumasagot pa talaga- - - -


"Stop it. Mamaya after you clean your assigned places, report kayo kaagad dito tapos pumunta kayo sa detention room" sabi ni Jhoanna na naka upo pa rin sa swivel chair habang tinitignan ng isa-isa ang tao sa loob ng room.


"If you have plans to escape, I'll report you to the Dean right away  para bigyan kayo ng karampatang parusa" pananakot niya. Tsk, she's at it again. 

Nagsitanguan naman agad sila but I remained silent. "Ang unfair naman Jho" I exclaimed na may halong inis.


"We'll talk later Sevilleja" she looked at me na parang tagos sa kaluluwa ko. She's mad and I know the reason why. Hay, I can't do anything na at wala naman akong maiisip na palusot except syempre sa unang ginawa ng grupo nila Katherine.


"Start cleaning now. Makakaalis na kayo" sabi niya pa ulit.




For Stacey (JHOCEY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon