MALOI
"Jhoanna, ano, okay ka lang ba?" naiilang na tanong ni Sheena kay Jhoanna na ngayon ay nakaupo dito sa bed ng clinic. Nakapatong ang isang cold compress sa balikat niya na may malaking pasa. " Oo, okay lang. Medyo masakit lang yung balikat ko pero mawawala rin 'to" mahinahong sagot niya habang nakapikit ang mata. Nakasandal ang ulo niya sa pader malapit sa bed niya at halata sa kaniya na iniinda niya lang ang sakit. If I were her baka umiyak na ako dahil sa lakas nang banggaan nila ni Stacey kanina.
Hindi pa kami nagkakausap ng matagal dito sa clinic dahil agad silang binigyan ng first aid ng mga nurses dito. Good thing na may duty kaming nurses until 10 p.m. since iyon ang pinakahuling oras ng klase ng ibang departments.
"Ano pala ang ginagawa niyo doon? Bakit nagtatakbuhan kayo? Late na ah, I thought tapos na ang class niyo?" tumingin siya sa amin ni Sheena. Nagtinginan naman kaming dalawa ni Shee kasi hindi namin alam kung paano namin i-eexplain ang kalagayan namin kanina. Hindi naman namin magawang kausapin si Staku kasi currently, nagpapahinga siya dahil sa biglaang pagsakit ng ulo niya.
"Nag-uusap kasi kami sa may garden tapos hindi namin napansin na gabi na pala at kami nalang ang tao sa area na 'yun" sagot ko. Siguro alam na niya kung ano ang mga sumunod na nangyari kaya kami nagtakbuhan. Tumango lang siya at pumikit ulit. Napansin ko rin na kapag kumukurap siya, dinidiin niya ito na para 'bang sumasakit ang mga mata niya.
"Eh ikaw Pres., ano ang ginagawa mo sa room na 'yun knowing na hindi naman iyon ang student council office at lalong lalo na, hindi niyo rin room?" tanong ni Sheena. Umupo siya sa bed kung saan nakahiga si Staku na nasa kaliwang banda ni Jhoanna. "That's the arts room and I remembered I went there bago kami mag meeting ng mga classmates ko kasi I was trying to find my car key pero it was in my bag all along. Tapos paglabas ko ng room, nakasalubong ko si Stacey." tukoy niya kay Staku na nakaidlip sa clinic bed. Iba yung aura kanina ni Staks, parang nagpapanic na hindi ko ma-gets. Pero sabagay, grabe kasi yung nangyari kanina. Hindi pa nga sila naglalaro ng basketball, injured na agad.
"Sorry talaga Jhoanna, hindi naman namin sinadya yung nangyari. Actually natata - - -
"JHO?!" isang sigaw ang pumutol sa sinasabi ni Sheena. Open lang ang curtains ng beds kaya napansin din namin agad ang pagpasok ni Nicolette at Gwen. Hingal na hingal sila na tumakbo papunta sa pwesto ni Jhoanna.
"Okay ka lang Jho? May masakit ba sayo? Ano? Asan yung glasses mo?" aligagang tanong ni Vergara. Tumango naman sa kanila si Jhoanna at pilit silang pinapahinahon. "Okay lang ako guys, don't worry"
Napansin ko naman na nagising si Staku dahil sa ingay kaya kinamusta ko rin ang sitwasyon niya.
"Staks, okay ka lang?" mahinahon kong tanong sa kaniya. Dahan-dahan naman siyang umupo kaya inalalayan ko ko agad para makasandal sa headboard ng kama. Tinignan ko muna ang mga sugat ni Staku sa kanang kamay niya. Medyo basa ng dugo ang wound dressing na nakabalot dito kaya papalitan sana namin bago kami payagang maka-uwi. Alam naman naming magpalit nito kaya lang, dapat may permission kami sa nurse which in our case, ay pinayagan kami. "Shee, paabot nga ng bandage" sabi ko kay Sheena.
BINABASA MO ANG
For Stacey (JHOCEY)
Fanfiction"Ahhh nakakainis ka talaga Jhoanna!!" "Mas lalo ka na" Stacey the kikay troublemaker together with her friends always find their way back to the detention room where Jhoanna and the rest of the student council officers are keeping an eye on. Would...