STACEY
"We're going to facilitate the basketball game this upcoming Midterms at hindi galing sa'kin ang desicion, si Ma'am mismo ang nagsabi" seryosong sabi ni Jhoanna pagkatapos naming makalayo sa room. Inip na inip na ako at gusto ko ng pumasok sa room dahil sa init .
"Bakit ako???" tanong ko sa kaniya. Hindi naman sa mahirap ang mag facilitate, gusto ko lang talagang makapaglaro para madurog ko sila .
"TAYO. Huwag mong solohin" pabalang na sagot niya sa tanong ko. Pasalamat 'to President siya dito sa school kasi kung hindi, matagal ko na 'tong binanatan.
"Walang tayo Jhoanna, ikaw at ako. Kung sabihin kong ayaw ko, may magagawa ka ba?" pang-iinis ko sa kanya. Okay lang naman talaga sa'kin, basta makapaglaro lang ako. Gusto ko lang talaga siyang inisin.
"Sasabihin ko nalang kay Ma'am" sabi niya sabay talikod sa direksiyon ko at nagsimulang maglakad papunta sa room nila Ma'am.
Aba naman?!
Hinawakan ko ang balikat niya bago pa siya tuluyang makalayo. "Ikaw naman Pres, hindi mabiro. Oo na payag na ako basta dapat kasali pa rin ako sa game. Yun lang ba?"
Lumingon siya pabalik sa'kin pero seryoso pa rin ang expression niya. Sheesh, ayan nanaman si cold master.
"About sa penalty, we already talked about it and we're giving you a maximum of 10. Kapag lumagpas kayo, we're passing the decision to the Dean and siya ang magdedecide if you guys will be suspended or subjected for expulsion. For now - - -
"What???!!!" hindi ko na mapigilang hindi magtaas ng boses sa kaniya kasi knowing the Dean, she's a monster and I know she'll pick the worst decision which is yung latter.
"Yes Stacey and for now, dapat tulungan niyo yung mga janitors na linisin ang canteen since wala naman kayong class ngayon at para maibsan yung penalty niyo." sabi niya ulit.
Yung penalties na sinasabi niya, hindi naman kami yung nagsimula ng mga gulo eh. Nadadamay lang naman kami kaya hays nakakainis!
"Sorry Jhoanna, wala ako sa mood ngayon" tumalikod na ako sa kaniya kasi wala na talaga ako sa mood. Ni hindi nga sila nag eeffort na tanungin kami kung ano ba yung side namin eh. Parang pinapamukha nalang nila samin na kasalanan namin palagi kahit hindi naman.
"Noted and that would mean an increase sa penalty niyo. Bye, I'll talk to you once ma-send na ni Ma'am ang files para sa game"
"Argh nakakainis ka talaga Jhoannaa!!!!!" Sigaw ko sa kaniya dahil sa inis. Kuhang kuha niya talaga ang inis at galit ko. Wala atang araw na hindi ako nababanas sa presensya niya.
"Mas lalo ka na" sabi niya na may halong pang-aasar. Lumalapad lalo ang ngisi sa mukha niya habang nararamdaman kong mas tumataas ang dugo ko dahil sa kanya. Grr nanggigigil talaga ako dito eh humanda ka talaga sa'kin Jhoanna. Magagantihan din kita.
"Bahala ka sa buhay mo" sabi ko sabay walkout. Hindi na ako lumingon ulit at nag dire-diretso nalang papunta sa room namin. Ayoko nang makita ang mukha ni Jhoanna na walang ibang ginawa kun'di akusahan ang grupo namin. Kahit magalit pa ako sa kanya, wala na rin naman akong magagawa kun'di sumunod kasi pag 'to makarating kay Mama, lagot na naman ako.
"Galit ka ata baby girl?" tanong ni Sheena pagkaupo ko sa designated seat ko. Lumapit naman sa pwesto namin si Maloi na nakikipag chismisan sa harap. Kinuha ko ang water bottle ko at uminom mula rito.
Umirap lang ako at hindi pinansin ang tingin nilang dalawa sa'kin. Humanda ka talaga Jhoanna sinasabi ko sayo may araw ka rin sa'kin.
"Galit ata beh" rinig kong bulong ni Maloi kay Sheena. Medyo malakas ang boses niya kaya narinig ko. Tumango tango naman si Sheena na parang sumasangayon kay Maloi. "Patingin nga ng galit beh, eyy ka muna eyyy" nakangising sabi ni Sheena sabay eyy sa mukha ko.
Sinabayan naman siya ni Maloi na nag eyy rin sa tapat ng mukha ko.
Mga siraulong 'to.
"Isa pang eyy, sisipain ko kayo sa leeg" inis na sabi ko. Eh kasi naman, nakakainis na nga yung sinabi ni Jhoanna kanina tapos sinasabayan pa ng dalawang 'to.
"Magsalita ka kasi, hindi yung iirapan mo lang kami hays" inirapan din ako ni Maloi, ganti sa pag irap ko sa kanya kanina.
"Kaya nga, ginawa pa tayong manghuhula eh" dugtong naman ni Sheena.
Wala naman na akong ibang pagsasabihan maliban sa kanila at kasali rin naman sila sa consequences kaya I think they deserve to know.
Lumapit ako sa kanila at nag senyas na lumapit din sila.
"Makinig kayo ha"
-------------------------------------------
SHEENA
"Anoooo?!!!!" sabay naming sigaw ni Ate Maloi pagkatapos naming marinig ang sinabi ni Staku tungkol sa penalties namin. Pambihira naman talaga!
Lagot anim na yung amin tapos apat kay Staku eh 'pano 'yan?
"Masyadong malaki yung canteen ano ba, papatayin ba nila tayo?" reklamo ni Ate Maloi sa tabi ko. True talaga, ang lawak ng canteen parang football field tapos eme lang sa football field pero legit ang lawak talaga.
"May magagawa pa ba tayo? Hindi naman tayo pwedeng magreklamo kasi baka makarating 'to sa parents natin" sabi ulit ni ate Maloi na parang nawawalan ng pag-asa.
"Maglinis nalang tayo. Buti nalang 3 hrs. 'tong subject at may natitira pa tayong dalawang oras bago mag start yung sunod na subject" tumayo si Staku sa upuan niya at dinala rin ang bag niyang color pink.
Hay sige nalang, maglinis na kung maglilinis. Sana makita ko ulit si Gwen or kahit magkabanggaan lang kami sa hallway okay lang kahit linisin ko ang buong canteen basta makasama ko lang siya, yiee.
"SHEENA MAE! ano sasama ka ba o tutunganga ka nalang diyan?" sigaw ni Staku na nasa bandang pintuan na kasama si Ate Maloi.
Kinuha ko na ang bag ko at agad na sumunod bago pa maging dragon si Staku.
Tsk etchosera talaga 'tong dalawa palibhasa mga walang lovelife. "Yan kasi nagpapantasya nanaman" bulong ni ate Maloi kaya siniko ko sa tagiliran. "Hanap ka nalang, o baka gusto mo sabihin ko kay Colet or Mikha na bet mo sila?" bawi ko sa kanya na nakapag patahimik sa kaniya.
Hmmm something's fishy talaga dito kay Ate Maloi at sa dalawang nabanggit ko eh. Anyway wala naman akong pakialam.
"Shh tahimik na Sheena, maya na tayo mag ingay pagkatapos nating maglinis" saway ni Staku at nagsimulang maglakad papaalis. Sumunod naman kami sa kaniya ni ate Maloi na tahimik pa rin hanggang ngayon.
Maya ka sa'kin ate Maloi, I'll interview you hanggang sa magsawa tayong dalawa hehe.
BINABASA MO ANG
For Stacey (JHOCEY)
Fanfiction"Ahhh nakakainis ka talaga Jhoanna!!" "Mas lalo ka na" Stacey the kikay troublemaker together with her friends always find their way back to the detention room where Jhoanna and the rest of the student council officers are keeping an eye on. Would...