MALOI
"Woah Stacey, what happened? Bakit may bandage ka sa kamay at bakit parang ang dami mong pink today?" bungad ni Natasha kay Stacey matapos itong makapasok sa room namin. Iba yung aura ngayon ni Stacey, ibang-iba sa hitsura niya kahapon. I mean, may times na ganyan siya pero iba ngayon eh, parang walang nangyari. Suot niya ang pink niyang uniform bow and pink na ribbon hair tie niya.
"None of your business" sagot niya kay Natasha bago umupo sa upuan niya. Umirap naman si Nat sa kanya and it's their typical conversation in a day, puro irapan. Ibang hangin ata ang umihip kay Staku ngayon kaya iba yung aura niya.
"Game na pala natin tomorrow, will you be alright Stacey? Diba maglalaro ka? Hindi ba sasakit 'yang kamay mo?" tanong ni Faye na may concerned look. Kaya nga eh, 'yan din yung isang problema if hindi makapaglaro si Staks, siya ang isa sa magdadala ng team namin kaya we need her to play at her best. "I'll be fine" sagot niya at kinuha ang phone sa bulsa niya. Tinignan ko si Sheena na nakaupo sa kanang bahagi ni Staku at parang nalilito rin siya sa nangyayari. She looks at me na parang inuutusan niya akong kausapin si Staku pero umiling agad ako.
Lumapit naman siya sa kinauupuan ni Stacey. "Staks, blooming mo today ah? Ano meron? Okay ka na?" tanong niya. Tumango lang si Stacey sa kanya at patuloy pa rin na nagscroll sa phone niya. Sheena's smile fade at tumingin siya sa'kin na parang gustong humingi ng tulong.
"Stacey" tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanila. Stacey looks unbothered, patuloy pa rin na nag s-scroll sa phone niya. "Hmm?" she answered pero hindi niya man lang nagawang lumingon sa direksyon ko.
"May nangyari ba? Iba yung aura mo ngayon, parang wala lang nangyari kagabi. Are you okay?" I'm just concerned naman, if she's fine then so be it. "Okay lang ako Loi, chineck ko lang yung documents natin dito sa phone ko kasi isesend ko pa 'to kay Jhoanna right now. After, we'll have a final discussion about sa game and kung kaya pa nating mag practice, magpa-practice tayo." sabi niya. "Sending... and yep, tapos na. Nasend ko na yung documents natin"
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
STACEY
Ang sakit ng ulo ko grabe
Parang ayaw pumasok ng katawan ko kanina pero I need to kasi magpa-plano pa kami para sa basketball exam bukas. Kailangan naming manalo though hindi ko alam kung paano ako makakapag-laro hindi dahil sa sugat sa kamay ko kun'di, dahil sa nangyari kagabi. Kahit naman ayaw ko kay Jhoanna, I still feel bad sa nangyari at na-guilty ako nang sobra sobra. Hindi ko naman sinadya yun pero kapag may mga nangyayari sa'kin or sa'min, palagi siyang na iinvolve.
It hasn't even been 2 weeks simula ng magkaalitan kami sa student council because of the penalties at nang matamaan ko siya ng bola sa mukha and here I am again, giving another injury to her. I think ma a-awkward ako sa game namin but I'll handle it well para hindi nila malaman.
When I entered the class, alam kong maninibago sila dahil parang wala lang nangyari. I don't know, parang may urge sa'kin to wear a lot of my pinks ngayon. I know nacu-curious din sila Lucky at Sheena sa'kin but I just shrugged it off, para hindi na rin sila mag-alala pa.
"Okay girls, please listen up. Makinig muna kayo ng 5 minutes sa'kin" I stood up from my seat at pumunta sa harapan. Dapat na naming mag plano sa gagawin namin tomorrow, especially sa strategies.
Nagsitigil naman sila sa mga pinag-gagagawa nila at humarap sa'kin. "We'll play the basketball exam tomorrow and I need you guys to be attentive. Alam naman nating lahat na if we win this game, walang finals na magaganap at lalong lalo na, hindi tayo mabibilad sa araw. Let's take this as a challenge na rin at gusto kong gumanap tayong lahat sa roles natin sa game, walang magpapadalos-dalos at lalong lalo na, walang maruming laro. Let's do our best!" I need to lift their moods and motivation para manalo kami. This is a crucial game para sa'min, hindi basta bastang P.E. lang dahil dito nakasalalay ang exemption namin sa mahigpit na finals.
"Yes!!" sigaw nila with matching smiles. That's it, that's what I needed.
- - - - - - - - - - - - - - -
"Loi, Shee, need ko yung presence niyo bukas. Please, huwag kayong magpapa-distract or ano kasi kayo yung ilalagay ko sa first five. I'll be playing on the third quarter na kaya dapat magbigay kayo ng points as much as you can." sabi ko kay Sheena at Maloi na nasa harapan ko. They looked at me seriously habang kumakain ng snacks nila."Syempre naman Staks, ako na 'to" sabi ni Sheena.
"Pag ikaw ma-distract kay Gwen ha, babatukan talaga kita" sabi ni Maloi sabay batok kay Sheena. "Ano ba ate Maloi, hindi pa nga ako nadi-distract binatukan mo na ako. Syempre gagalingan ko kasi gusto ko magpa- impress" nakangiting sabi ni Sheena. Tsk, talaga 'tong batang 'to pero it's fine basta makapaglaro lang siya ng maayos.
"Ikaw Staku, magiging okay ka lang ba?" tanong ni Maloi. She's displaying her concerned look again at kanina niya pa ako tinitignan ng ganyan. '' I'll be okay, don't worry" sabi ko sa kaniya just to assure her na kaya ko talagang maka-paglaro. Hindi na rin naman masakit ang kamay ko.
"No I mean, makakalaro natin sila tomorrow at yung mukha mo kagabi - -
"Parang takot ka sa kanila Staks, tapos namumutla ka. Hindi ko rin alam kung bakit eh. Parang wala ka sa sarili mo " sabi nilang dalawa sa'kin which caught me off-guard. Hindi ko alam pero bigla nalang akong nanghina kagabi. I won't deny na nahihiya ako sa ginawa ko kagabi tapos nasira ko pa yung glasses ni Jhoanna pero ang weird lang ng feeling ko, parang ewan.
"Oo okay lang ako ano ba kayo" I smiled awkwardly sa kanila. Napansin ko rin na iba yung tingin nila sa'kin kaya I need to act natural para malaman nila na okay pa ako sa okay. Sa tingin ko kinakabahan lang ako sa mangyayari bukas.
I also need to give her a pair of glasses...
BINABASA MO ANG
For Stacey (JHOCEY)
Fanfiction"Ahhh nakakainis ka talaga Jhoanna!!" "Mas lalo ka na" Stacey the kikay troublemaker together with her friends always find their way back to the detention room where Jhoanna and the rest of the student council officers are keeping an eye on. Would...