STACEY
"Anooooo? girl sinasabi ko sayo" hindi makapaniwalang sigaw ni Sheena pagkatapos ikwento ni Maloi ang tungkol sa kanila ni Mikha. It's been 2 hours since tumambay kami rito at medyo madilim na rin pero inuna pa namin ang chismis kesa umuwi.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-react, hindi kasi namin in-expect ni Shee na naging sila pala until natapos nalang ang relasyon nila, hindi pa rin namin nalalaman.
Tapos dumating pa sa punto na maling akala lang pala ang reason kung bakit natapos yung relationship nila. Medyo nakakatampo rin sa part na hindi sinabi ni Maloi sa'min, hindi naman kami magagalit or what. Sana nadamayan namin siya during her tough times.
"Kaya nga, it's my fault. Wala naman na akong magagawa eh, naka- move on na siya" Maloi sighed in defeat. Tanggap na ata niya na hindi na sila magkakabalikan as what she've said earlier na she was trying to reach Mikha again.
"Alam mo ikaw, 'yan yung sinasabi ko na kapag nagagalit ka, hindi ka na marunong makinig. Gusto mo lang pakinggan ang gusto mong marinig kahit worth it bigyan ng chance yung explanation ni Mikha. Mag sorry ka sa kaniya ate Maloi ha nako ha, nanggigigil ako sayo" Nakatayong sabi ni Sheena na kanina pa pinagsasabihan si Maloi. Kanina pa yan siya, pinapagalitan si Maloi but I do agree with her. Matagal naman na since that happened and I think they should talk about it, not necessarily na magiging sila pa or magiging friends sila after, importante ma heal yung guilt na nafe-feel nila and also to know the different sides of the coin.
"I'll try, nahihiya kasi ako at the same time hindi pa makapal ang mukha ko para harapin siya." sagot ni Maloi. "Wow ha, wow talaga ate Maloi. Pero ikaw bahala, do it on your pace. Kung ready ka na, then go for it" Sheena patted Maloi's head. Parang nanonood lang ako ng movie scene dahil sa kanila.
"Staku tahimik ka ata? may sasabihin ka ba?" I heard Sheena talked but my attention was caught by the light that went through the room to our direction. Hindi ata nila nakita dahil sa usapan nila pero my eyes won't deceive me, parang may tao doon sa labas ng room namin. I saw it through the glass windows dahil nasa right side kami ng room namin and the entrance and exit of the room are on the left side.
"Umuwi na tayo guys, may nakita ako sa tapat ng room na'tin" kinakabahan kong sabi sa kanila. It's not that dark in here naman pero malayo ang spaces sa bawat light dito sa side namin kaya hindi masyadong maliwanag.
" Staku naman, 'wag 'kang magbiro ng ganyan. Hindi nakakatuwa" tumayo si Maloi at dahan-dahang lumapit sa'kin habang lumilingon sa paligid niya. "Sa tingin mo ba nagbibiro ako Maloi?" I said sarcastically. Eh sa hindi naman talaga ako nagbibiro, baka mamaya kami nalang pala ang tao dito tapos masundan pa kami ng - - -
"Hoy!"
BINABASA MO ANG
For Stacey (JHOCEY)
Fanfiction"Ahhh nakakainis ka talaga Jhoanna!!" "Mas lalo ka na" Stacey the kikay troublemaker together with her friends always find their way back to the detention room where Jhoanna and the rest of the student council officers are keeping an eye on. Would...