Part 16 - Game

39 5 0
                                    

STACEY

Nakaupo kami lahat sa bench ng gymnasium kung saan gaganapin ang basketball exam. We're 20 minutes early at sinadya namin iyon para makagpag-usap pa ng ibang strategies namin. 



"Hoo grabe kinakabahan ako" tumayo si Sheena mula sa bench at nag stretch sa harapan namin. "Normal lang 'yan, importante manalo tayo" sabi ni Maloi sa tabi ko. For sure kinakabahan din 'to kasi kanina pa siya bumubuntong- hininga.



"Nandito na sila" Flor looked at the gym's entrance at kitang-kita mula sa pwesto namin ang papasok na grupo ng kabilang section na pinangungunahan naman ng tatlong student council officers. Iba yung entrance nila, feels like magiging mahigpit na laro 'to.


Kinakabahan din naman ako kasi last year pa yung last basketball game ko at baka mabigla ang body ko for this game but anyway, ipapanalo pa namin 'to.


Pumunta ang kabilang grupo sa opposite side namin at doon inilagay ang mga gamit nila. They're wearing the same uniform design as us, a drifit shirt and a short na kagaya ng volleyball pero slightly longer. Ang pinagkaiba lang namin ay red kami at sila ay blue.  Mukhang ganado silang maglaro dahil nagtakbuhan ang iba nila papunta sa court para mag warm-up.


"Kita mo 'yan Staks? Parang ayoko na" turo ni Sheena sa mga players ng kabilang section. Well, pwede rin naman kami mag warm up since tapos na rin ang usapan namin.


"Tumahimik ka nga Sheena, pati ako nadadamay sayo eh" sabi ni Maloi while biting her nails. "Mag warm-up na tayo guys, I wanna see Jhoanna na kasi eh" tumayo si Natasha sa kinauupuan niya at sumigaw. "Jhoannaaaaaaa" she even waved her hand kay Jhoanna na kinawayan naman siya pabalik.



Parang mga ewan



I looked at Jhoanna's side para tignan kung sino pa ang mga players nila aside sa mga officers and unfortunately, my eyes caught her looking at me. Iniwas ko kaagad ang tingin ko at tumayo nalang para ayain ang team ko na mag warm-up. We need a starter before the game.



"Alright girls, warm-up muna tayo. Saktong warm-up lang ha? Hindi yung uubusin niyo agad ang lakas niyo ... diba Natasha?" tinignan ko sila isa isa pero I looked at Natasha ng mas matagal. Baka tumambling pa 'to dahil sa excitement na makalapit kay ano. 



"Yes Stacey, don't worry" sagot niya. " Okay let's go" tumayo kami at nag form ng isang line for uniformity bago pumasok sa mismong court. "Form a circle girls , mag s-stretching muna tayo - - -



"Stacey"



I saw Jhoanna in my peripheral vision na papalapit sa direksyon namin. Tinatawag niya ang pangalan ko pero I acted as if wala akong narinig. I went in the middle of the circle at tumalikod  mula sa direksyon niya.  "Let's do this.One, two, three - - -



Just this time, ayokong makipag- interact or makipag-usap man lang sa kanya kasi hindi pa ako nakaka-move on sa nagawa ko. And to think of it, baka magnet siya ng bad luck and if lumalapit siya sa'kin, maybe na ti-trigger ko yun. Jeez...



"Excuse me" keep calm Stacey. Wala 'kang naririnig. Wala kang naririnig. Wala kang naririnig - - -


For Stacey (JHOCEY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon