STACEY
We are all set at mag-uumpisa na ang first quarter. Dumating na rin ang dalawang referees for the game . Mas na feel ko ang kaba ngayon dahil kitang-kita ko sila na nasa gitna na ng court habang kami ang naka- assign ni Jhoanna dito sa mesa. I don't know kung anong quarter siya maglalaro basta ako, during the third na.
*whistles*
Pumito ang referee, sign for the team to assemble for a jumble. Si Natasha ang inassign ko sa position since she's taller than everybody else at kayang-kaya niyang makuha ang bola. "Let's go Red!" I shouted from where I sit. Itinaas ng referee ang kamay niya at inihagis ang bola pataas. Naka-focus lang ang team sa bola at bamm! Nakuha ni Natasha!
'' You're not supposed to cheer, Stacey. Remember tayo ang nag s-score at - -
"Oh please, nadala lang ako ng excitement. Pwede ka rin namang mag-cheer, I won't mind" sabi ko sa katabi ko. Masyado namang seryoso to si Jhoanna tsk tsk tsk. Umiling - iling nalang siya at tumutok ulit sa laro.
Mabilis silang nagtakbuhan papunta sa side ng Red team. Dang, ang higpit ng bantay ni Natasha. Parang hindi siya lulubayan eh pero nagawan naman ng paraan ni Nat at na-shoot niya ang bola. Yes! that's it!
"Nice one Nat!" I shouted again. Mukhang nabuhay ang team namin dahil sa point ni Natasha and that's the kind of booster that I want, ang i bo-boost ang morale ng group. We need more and I hope kayanin ng team.
Mabilis lang ang takbo ng laro and little did we know, nakalamang ng apat na puntos ang team nila Jhoanna sa first quarter ng laro . 13-17 ang score and medyo mahigpit din ang laro kung tutuusin. I can't keep still knowing na 5 minutes lang per quarter and we already finished one.
"Let's call this one a timeout before mag proceed ang second quarter." sabi ko kay Jhoanna at dali-daling umalis sa table bago ko pa marinig ang reply niya. I need them to concentrate. Tumatagaktak ang pawis sa mga mukha nila at mukhang mga seryoso naman sila.
"Sheena, yung defense mo. Maraming lusot sa part mo, gumising ka naman!" sabi ni Flor kay Sheena na nakatayo lang sa gilid. I know Shee already accepted her mistakes kasi tahimik siya ngayon, maybe reflecting . I think hindi siya makapag-concentrate dahil sa kasali si Apuli sa first five ng kabila. I know naman na she can handle the situation, challenge 'yan para sa kanya. "Girls, four points lang 'yan and I know kaya niyo malamangan 'yan. I just want you to concentrate on the game at 'wag magpadalos-dalos sa pagpasa ng bola." tinapik ko ang likod nila as a sign na they should go for it, na dapat lumaban sila.
"You can do this." I extended my arm at the middle of the circle na ginawa naman ng iba.
"Red Team, laban!"
"Laban!"
BINABASA MO ANG
For Stacey (JHOCEY)
Fanfiction"Ahhh nakakainis ka talaga Jhoanna!!" "Mas lalo ka na" Stacey the kikay troublemaker together with her friends always find their way back to the detention room where Jhoanna and the rest of the student council officers are keeping an eye on. Would...