Part 11 - Best day

55 6 1
                                    

STACEY


Chaotic days went bago ko mapagdesisyunan na kailangan naming mag practice nang maigi para manalo sa basketball exam. Masyado na kaming minamaliit ng student council lalong lalo na ni Jhoanna. Nagawa na niya akong pagtawanan as if close kami. Tsk, kairita naman talaga.



"Staks, saan tayo later? Gutom na ako" sabi ni Sheena na nakabusangot. Palagi nalang 'tong nakabusangot kaya pati ako nahahawaan eh. Umupo siya sa desk ko at binuksan ang notebook na nakapatong dito. It's past 4 p.m. and wala na kaming pasok after kaya nagsiuwian na rin ang iba naming classmates. 



"Akala ko may mapupulot akong aral sa notebook mo, puro doodles lang pala nandito. Nakikinig ka ba?" palipat-lipat siya ng pahina sa notebook ko na walang sulat. Eh ano ba, sa utak ko naman ini- store yung mga natutunan ko.



" Akin na nga 'yan. Ang gulo-gulo nito eh nag iisip yung tao" hinablot ko ang notebook sa kamay niya at inilagay sa bag ko. Mas lalong bumusangot ang mukha niya at inirapan ako. "Busog pa ako Shee, kay Maloi ka muna magpasama." wala ako sa mood ngayon dahil marami pa akong plano na dapat gawin. I'm trying to think about some strategies sa game namin which will be 2 days from now. Ayokong mag mukhang eng-eng kami sa gym. 



"Ewan ko sa kanya Staks, 'di makausap nang matino eh. Kanina pa nakatunganga." she pointed Maloi using her lips kaya napatingin din ako sa direksyon na tinukoy niya. Maloi is sitting by the window at nakatingin lang sa labas. It's so unusual of her na tumahimik lang sa gilid at hind umimik. 



I think she needs a break...



"Diba gutom ka Shee? Do me a favor, can you buy some snacks natin sa canteen? We'll be at the garden sa gilid, meet us there okay? Eto yung pera" nag ningning naman ang mga mata ni Sheena at patango tango niyang kinuha ang pera sa kamay ko. "Libre mo Staks ah, bili ako pizza at milktea tatlo" mabilis siyang tumakbo papunta sa pinto kaya hindi na ako nakapag-suggest pa ng gusto kong bilhin. Anyway, it's good din naman.



Tumayo ako at niligpit ang notebook and pens ko at inilagay sa bag. So much for classes and exam. I also need to check on my friends.  Lumapit ako kay Maloi na hindi pa rin napapansin ang presence ko.



"Loi" tawag ko sa kaniya pero nakatingin pa rin siya sa labas. I tried to look at the thing that she's looking pero wala namang iba doon aside from the trees at mini garden. 



"Mary Loi" tawag ko ulit pero hindi pa rin siya lumilingon. Masyado atang malalim ang iniisip niya to the point na hindi niya ako naririnig.



  "Hoy!" sigaw ko sabay hawak sa balikat niya. Mukhang effective ang ginawa ko kasi napatingin siya sa direksyon ko. "Bakit?"  tanong niya na parang wala lang. Weird, ano kayang nakain nito?

For Stacey (JHOCEY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon