Pumalakpak kaming tatlo pagtapos ni gab kumanta, tumambay pa ako sa bahay nila ng ilang minuto hanggang sa nag aya na akong umuwi medyo inaantok na kasi ako, nagpumilit pa si gab na samahan ako umuwi.
"Nagustuhan mo ba yung kinanta ko kanina?" Tanong ni gab
"Oo, ang sarap nga sa tenga eh, pwede sasusunod uli." Sabi ko
"Sige ba pero kailangan may premyo."
Salita niya
"Ano naman?"
Huminto kami sa paglalakad dahil nasa tapat na din kami ng bahay. He stared at me for a while
"Wala biro lang, basta sasusunod kakantahan uli kita." Nahihiyang sagot niya
"Hi Marie!"
Napalingon kami sa pinagmulan ng boses, si kuya mong shawty pala to eh
"Gab andito ka pala, kayo na ba? Bakit may hatiran pang nagaganap eh halos ilang metro lang ang layo niyo." Tumatawang salita ni harvey, pansin ko ang pagsama ng tingin ni gab kay harvey
"Anyway hindi naman yun ang pinunta ko dito, I just want to say sorry earlier marie, I'm sorry kung feel mo nababastos na kita, I'm sorry sa pag tawag sayo ng inappropriate name, I'm sorry Marie." Harvey said.
Ngumiti lang ako ng mapait.
"So we are okay now? We are friends."
"We are not friends." Salita ko, I looked at gab "thank you sa food pakisabi kay tita, thank you rin sa pagkanta next time uli." He smiled to me and I did the same.
Sinarado ko agad ang pinto at nahiga sa kama. I feel special that night hindi ko makalimutan ang boses ni gab, yung mukha ni gab hindi ko makalimutan lalo na ang ngiti niya pag nagkakatinginan kami.
Gusto ko na ba si gab?
Binuksan ko nalang ang social media ko para I chat si miracle.
To: Milagrosa 💩
Milagrosa naguguluhan ako :<
After a minute she response agad.
From: Milagrosa 💩
Where?
To: Milagrosa 💩
Kay gab, I don't know kung may nararamdaman ba ako sakanya. Nung tinitigan ko siya kanina na attract ako sakanya, do you think may gusto ako sakanya?
From: Milagrosa 💩
Sis ko naman, obvious naman na gusto mo siya bukang bibig mo kaya sakin yan si gab, atsaka do you ever feel that way before nung may nakikilala kang lalaki?
To: Milagrosa 💩
Wala, hindi ganto ang feelings ko dati nung may mga bff akong lalaki
From: Milagrosa 💩
Baka nga gusto mo na siya.
Napaisip ako sa sinabi ni miracle, I tilt my head. I just sleep para bukas may lakas ako may research kasi kami na gagawin kaya I need more energy.
Halos ilang linggo na sumasabay sakin si gab sa pagpapasok ng school, ganon din sa pag uwi minsan naabutan ko siya sa labas ng gate kausap ang guard ng school o kaya nakaupo lang sa bench.
Me and Harvey are in the same school hindi kami pareho ng strand pero lagi siyang nangungulit sakin pag nasa canteen kami, naiinis na nga sakanya si miracle kasi todo bigay daw ng love letter ang corny naman daw
"Alam mo te, mas bet ko pa yung lalaki na lagi mong kasabay umuwi." Salita ni miracle habang kumakain, nagbigay naman ngayon ng chocolate with letter si harvey pinaabot niya lang ito sa kaibigan.
"Sino? Si gab?" Tumango lang si miracle sa sinabi kong pangalan
"Anyway, alam mo ba te may nagkaka gusto daw sakin na abm student." Walang paki alam na salita ni miracle
"Sino naman?" Salita ko habang hinihiwa ang manok na nasa plato ko
"Si Christian Jake De Leon."
"Paano mo nalaman ang pangalan?"
"Kinaibigan ako nung isa niyang bff tapos yun binack stab na sakin yung kaibigan niya, nag kwento na siya na admiring from afar daw sakin yung guy." Napangiwi pa si miracle habang nag kwento
"Bakit parang wala kang pake? Hindi ba dapat matuwa ka kasi may nagkaka gusto sayo." Natatawang sagot ko
"Pogi naman siya, cute, matangos Ilong pero not my type."
"Not my type baka mamaya ma fall in love ka dyan."
"No, never." Dipensa niya sa sarili
"Be careful sa mga sinasabi mo, baka kainin mo yan nako lagot ka." Pananakot ko
Nagusap pa kami ng ibang bagay habang kumakain hanggang sa kailangan na namin pumunta sa kanya kanya naming klase. Nagkaroon ako ng vacant time dahil sa wala ang guro namin sa isang subject, kaya tumambay muna ako sa field ng paaralan umupo ako sa bench na nasa gilid lang
"Marie!"
Napalingon ako dun, it's Harvey tumatakbo pa ito papalapit sakin I don't bother to look at him nakatingin lang ako sa mga estudyante na nag lalaro.
"May kasabay kaba umuwi mamaya?"
"Meron." Inaasahan ko ng nasa gate uli mamaya si gab
"Sino si gab?"
"Oo." Makling sagot ko
Kinagat niya ang ibabang labi niya habang tumatango, umupo siya sa tabi ko kaya umurong ako sa dulo ng bench.
"Alam mo bang may gf na yun." Salita niya
Napalingon ako sakanya, walang nakwento sakin si gab na may gf na siya
"Paano mo nasabi?" Pagtaas ko ng kilay
Tumayo siya sa upuan at tumingin sakin. I just looked at him with anger in my eyes alam kong sinisiraan niya lang si gab sakin dahil malapit kami sa isa't isa.
"Mas matagal ko ng kilala si gab kesa sayo Marie, hindi mo ba pansin laging pumupunta sila Queenie sakanila laging nakikitulog sa bahay nila. I actually heard queenie crying kasama si Liam, nagseselos sayo si queenie kase nakukuha mo na ang oras ng boyfriend niya." Mahabang salita niya umiling pa siya bago umalis sa harapan ko.
Sumikip bigla ang dibdib ko sa mga sinabi ni harvey, I realized everything tama si harvey hindi pupunta sila queenie palagi sa bahay nila gab kung wala silang relasyon. I can't bear to hurt other people queenie is nice to me, didistansya na lang ako kay gab.
Gaya ng inaasahan nasa labas nga si gab, nakaupo lang siya sa bench walang emosyon ang muka. Nang magtama ang mata namin umaliwalas naman agad ang itsura nito at tumakbo papalapit sakin.
"Hi! Musta school?" Nakangiti niyang tanong
"Okay lang." Maikling sagot ko
"Uhmm ganon ba, akina yung bag mo." Kinukuha niya sa kamay ko ang bag na bitbit ko
"Wag na." Halos pabulong kong salita
"Okay lang naman kahit ako magbuhat, baka nangangalay kana kanina mo pa buhat yan eh." Pinipilit niya pa din ang gusto niya
"Ako na gab, hindi ko kailangan ng taga buhat ng bag magaling na ang sugat ko, hindi ako nabibigatan." Galit na giit ko
Halata sa itsura niya ang gulat, sumisikip ang dibdib ko nung mga oras na yun.
"Ahh ganon ba, sige." Salita niya
Sabay pa din kami umuwi nung gabing yun pero wala ng nagtangkang mag salita samin hanggang sa makauwi kami, hindi na ako nag paalam sakanya at pumasok agad sa bahay.
Nahiga agad ako, ramdam ko ang bigat sa dibdib ko. Hindi ko man gusto na lumayo sakanya pero ayaw ko makasira ng relasyon.
シ︎
BINABASA MO ANG
Broken Oath (Juramento Series #1)
RomanceMalaya Marie D. Salvador is a high school student who has childhood trauma due to her own relatives, he doesn't know how to heal the wound that her relative did. Not until she meet Ethan Gabriel F. Tuazon who help her to move on and to love her self...
