28

3 0 0
                                        

I spend my day with miracle, hindi niya pa alam na aalis na ako after this week. Hindi ko alam paano mag paalam sakanya... Tapos ganto pa ang sitwasyon niya.

"Huy ba't ang tahimik mo?" Tanong ni miracle

We are in a moa seaside, gusto daw kasi niya makalanghap ng sariwang hangin at sakto naman na Saturday ngayon. Kakatapos lang rin ng isa niyang therapy sa psychiatrist.

"Wala, masama bang maging tahimik?" Pagbibiro ko sakanya.

Tumawa lang siya sakin, the whole time nag kwentuhan lang kami untill we can see the sunset. After namin manood ng 7pm fireworks we decided na kumain na sa restaurant around here, I just listened to her habang nagsasalita at punong puno ng pagkain ang bibig.

"Tara sakay tayo perris wheel." Pag aya niya sakin pagtapos namin kumain. Binayaran ko ang bill namin sa restaurant then she buy ticket para samin sa perris wheel.

Nang makasakay kami nakikita ko ang saya sa mga mata ni miracle. I'm already fine now.

"Miracle."

Tinignan niya ako ng may ngiti

"Magiging okay ka naman diba pag wala na ako sa tabi mo." Salita ko sakanya

"Ha? Anong sinasabi mo?" Patawa niya pang sagot

"I mean..." Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya. "Kukunin na ako nila tita para mag aral sa UK." Pag iwas ko ng tingin sakanya.

"Para ma-mahiwalay na ako ni mama kay g-gab." Hindi ko mapigilan maiyak at manginig ang boses ko.

Agad ko naman pinunasan ang luha ko. I can't cry right now.

Shh tahan na Marie, you can't cry in front of miracle she needs you more.

Tumingin ako kay miracle, there's tears in miracle cheeks.

"You don't need to stay for me Marie, if you want to go." She smiled at me.

She comfort me the whole time until maka ikot na wheel at makababa kami. Sabay kaming umuwi hindi ko na siya inihatid sa bahay nila dahil okay lang daw siya. Naka uwi din naman ako after ko siyang mahatid sa kanto.

I got busy sa school busy of completing my requirements and also mga paper ko sa school para makalipat. I didn't expected na mapupunta ako sa gantong sitwasyon, because my parents said hindi sapilitan ang pag lipat ko. But now here I am fixing my personal paper for school.

Intentionally na akong hindi nag update kay gab, because of I'm busy and gusto ko ng masanay na siya na mawawala na ako sa tabi niya.

Days past so fast I only have 2 days, nagyaya ng overnight si gab kasama ang mga kaibigan niya. Pinayagan naman ako dahil ang alam ng magulang ko si miracle ang kasama ko.

"Kain na kayo guys wag kayo mahiya." Sabi ni Liam

"Kupal, itulad mo pa kami sayo." Sabi ni Queenie

Kumain na kami, si gab pa ang naghanda ng pagkain ko.  After namin kumain nanood kami ng movie, the whole time hindi ako ganon nagsasalita at ramdam ko na ang pagtataka nila.

"Tangina Liam ikaw na imagine ko d'yan sa character na unggoy, diba Marie." Tumatawang salita ni Queenie, nakitawa nalang din ako kay Queenie.

Natapos na namin yung movie, may iba naman trip sila Liam at Queenie umiinom na sila ngayon ng beer. Habang si gab hinila ako palabas.

"May problema kaba?" Salita niya sakin at niyakap ang bewang ko.

"Wala."

"May gusto ka sabihin?" Salita niya habang ang ulo niya nakasiksik na sa leeg ko.

Broken Oath (Juramento Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon