27

1 0 0
                                        

Week passed we got busy in our school, naging limitado ang pagkikita namin dalawa because bumalik na siya sa Laguna.

"Hi! Nag kausap ba kayo ni miracle?"

Napalingon ako sa nagtanong saakin, napansin ko ang id lace niya STEM student siya.

"Kaklase ako ni miracle, ilang araw na siya hindi pumapasok ang dami niya ng na missed out na requirements. We don't have any idea kung asaan siya ngayon." Mahabang sanaysay ng babae

"Ganon ba, pupuntahan ko nalang siya sa bahay nila."

Tumango nalang ang babae at tuluyan ng umalis. Wala nga akong balita kay miracle noong nag daang buwan, ang huling balita ko sakanya may relasyon na sila ng ABM Student na nanliligaw sakanya.

Tinapos ko lang ang klase ko at agad din naman pumunta sa bahay ni miracle.

"Tao po!" Pag katok ko sa pintuan nila. Ilang minuto pa ako nagsisigaw at naghihintay sa labas ng bahay nila miracle.

"Ija anong sadya mo dito?" Bungad ito agad ng nag iisang kasambahay nila

"Ahh magandang araw po, andyan po ba si miracle? Pwede ko po ba siyang makita?" Tanong ko

"Ohh s'ya tumuloy ka." Sagot sakin ng babae "Umakyat ka nalang sa taas, nasa kwarto niya siya." Ngumiti ito sa akin at pumunta na sa kusina para ipagpatuloy ang ginagawa niya.

Umakyat ako sa pangalawang palapag ng bahay nila atsaka kumatok sa kwarto ni miracle. Halos 10 minutes na akong nakatayo dito at hinihintay na buksan niya ang pinto ng silid niya.

"Miracle." Salita ko habang kumakatok pa din sa pinto

Sinubukan ko buksan ang kwarto niya at nabuksan ko naman ang pinto. Pag pasok ko sa kwarto niya bumungad sakin ang gulo gulo niyang kwarto, may mga damit, may mga pagkain, even beer, may basag na baso at plato sa sahig. Habang si miracle naka upo lang sa dulo ng kama niya, walang emosyon na nakatingin sakin.

"Bakit andito ka?" Malamig na tanong nito sakin

Humakbang ako papunta sakanya "Okay kalang ba? May sakit ka-"

"Hindi ko kailangan ng pangangamusta mo, bakit ba nandito ka?" Pagsigaw niya sakin na ikinagulat ko. "Umalis ka dito, umalis ka. Hindi kita kailangan, hindi ko kayo kailangan." Salita niya habang may dumadaloy na luha sa pisngi niya

"Miracle, ano bang nangyayari sayo? Bakit hindi kana pumapasok? Gusto mo bang bumagsak? Ano bang problema mo? Sabihin mo sakin tutulungan naman kita eh." Malambing na pakikipag usap ko sakanya

Napa upo nalang siya sa sahig ng kwarto niya habang umiiyak, dahan dahan din akong umupo sa tabi niya at niyakap siya.

"Shhh tahan na." Salita ko

"Wa-wala na ka-kami, wala na kami ni Jake." Salita niya habang nanginginig ang boses

"All this ti-time hindi ni-niya ak-ako ma-mahal, ginamit ni-niya lang ako. Binigay ko la-lahat ng gusto niya, pag sinabi ni-niyang may kailangan siya sa sch-school binibigyan ko siya ng pera." Hirap na salita niya, nakikinig lang ako sakanya habang hinihimas ang likod niya para mapakalma siya.

"Pinag pustahan lang nila ako magkakaibigan." Pag iyak niya pa lalo. "Hindi niya ako mahal, Marie." Pag tingin niya sakin

Hinila ko siya para mayakap at hinimas ang likod niya para mapakalma.

"Shhh tahan na. Hindi ka man mahal ni Jake, pero ako mahal kita higit pa sa alam mo." I smiled

We stayed like that for more minutes para hayaan siyang umiyak at pakalmahin ang sarili niya. Nang maging okay na siya hinayaan ko na siya makatulog at nagligpit ako sa kwarto niya. Hindi na ako nag paalam sakanya ng umalis na ako dahil mukang ngayon lang siya makakatulog ng mahimbing.

To: Miracle 🧞‍♀️
Umuwi na ako. Tulog kana kaya hindi na kita ginising.

Habang nasa jeep ako iniisip ko lahat ng sinabi ni miracle, hindi ko alam na may ganto ng nangyari sakanila ni Jake and also I never expected that gagawin to ni Jake kay Miracle.

Napahinto ako sa pag iisip ng maramdaman kong nag vibrate ang phone ko.

From: Gab 🧠
Uyy, you don't update me na love. May bago kana ba este naka uwi kana ba?

My face lit up pag bungad ng pangalan niya. He really know kung paano mapagaan ang araw ko, kahit hindi niya alam o nakikita ang pinagdadaanan ko.

To: Gab 🧠
On the way na sa bahay, I'm on jeep na.

From: Gab 🧠
May activity sa school? Late kana umuwi ngayon.

To: Gab 🧠
Wow, papa? Kidding aside may something happened lang pero okay na.

From: Gab 🧠
Ahh okay, ingat ka sa pag uwi update me. Need ko na mag study, I love you beh.

Ilang saglit lang bumaba na din ako sa kanto namin, nang maka uwi ako I update miracle and gab na nasa bahay na ako, na abutan ko pa nga ang magulang ko. I just greet them at pumunta agad sa kwarto para matulog.

After a month everything is fine, I helped Miracle to heal, Gab and I still have a healthy relationship. Miracle is now consulting a psychiatrist. Gab and I still meeting each other, lagi kaming may quality time sa isa't isa online man o physical kaming magkasama.

When our grade released confident akong makakapasa ako at mapapasama sa mabibigyan ng scholarship. But I'm not.

"Anong nangyari sa grade mo ngayon?" Tanong agad sakin ni mama ng maka uwi kami

"Halos lahat ng program, community, sinalihan mo tapos ito lang makikita ko? Nakaka disappoint. Nag trabaho kami ng papa mo para mabigay lahat ng kailangan niyo, tapos ito lang ang makikita ko." Salita ni mama

"Ikaw, kala mo hindi ko alam. May relasyon kayo ni gab, ano kailan pa? Hanggang kailan mo pa balak itago? Hindi ba't sinabihan na kita hindi ako sang ayon kung magkakaroon at kung mayroon man kayong relasyon." Sa akin siya nakatingin

"Talagang hindi ka nakikinig! Kahit kailan hindi ka nakikinig sa'akin. Gusto mo bang matulad sa'akin? Sinisira mo ang kinabuka-"

"Hindi naman ako magiging ikaw, ma. Magkaiba tayo, wag mo ihalintulad yung nangyayari sayo sakin. Hindi porket nagkaroon ka ng pamilya ng maaga, ganon na din ang akin. Ganon na lang ba ang tingin mo sakin? Sana ma, mangarap ka din mataas sakin." Naluluha kong salita habang si mama natahimik.

A week passed miracle need me dahil may mga struggle siya sa school and also gab mas lalo lang lumalala ang away ng pamilya niya. Our air between my mom become awkward, hindi kami nag uusap.
While kumakain kami nag salita siya.

"Next week ayusin mo na mga gamit mo, kukunin kana ng tita mo para mag aral abroad." Salita niya

Hindi ako kumikibo, hindi ko alam kung anong maramdaman ko. Gusto ko nalang matapos na lahat ng ito.

"Makipag hiwalay kana kay gab." Salita ni mama ng matapos na siya kumain at umalis na sa kusina

Halo halo na ang nasa utak ko, hindi ko alam bakit tumango ako sa sinabi ng nanay ko. Nang sumapit ang gabi tulog na ang lahat, napakalma ko na si miracle, nag usap na kami ni gab tungkol sa problem nila. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa, parang wala akong karapatan umiyak kasi kailangan ako ng mga tao sa paligid ko. May mga taong kailangan ang balikat ko para masandalan nila.

✿✿✿

Broken Oath (Juramento Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon