I expect na may kasabay ako pumasok ng school, pero walang Gabriel ang sumama sakin sa pag pasok ng school.
Pagkatapos kasi ng pag payag ko kagabi sakanya na ligawan ako ay hindi rin siya nag tagal sa bahay at umuwi na, sinundo na kasi siya James pinapa uwi na daw siya ni tita leylie. We continue to talked that night.
To: Gabriel Tuazon
Hindi ka pumasok sa school today?
To: Gabriel Tuazon
I'm on my way to school na gab.
That message was 4 hours ago sent, but walang seen or any message galing kay gab. I finished school na parang lantang gulay, nanghihina ako hindi ko alam kung dahil ba sa nararamdaman ko o dahil sa dami ng gawain sa school.
"Wala na pala d'yan sila gab eh."
Nag ce- cellphone lang ako nang sabihin yun ng nanay ko.
"Ha? Kailan pa?" Tanong naman ng tatay ko
"Kaninang umaga pa, parang 5:00 a.m kinukuha na nila yung mga gamit nila." Pag sasalita ni mama atsaka ininom ang gin
Tangina parang gusto ko din makisalo sa inoman nila ng gin.
"Ikaw ba Marie, Baka alam mo kung bakit umalis sila gab." Tanong ni papa
"Hu- Huh? Hindi k-ko nga alam na umalis na sila eh." Salita ko habang nag scroll sa screen ng cellphone
"Ayy salamat naman at lumayo layo ka kay gab." Pagsasalita ng nanay ko
They continue to talked any stuff, hanggang sa matapos sila at natulog na. Hindi ako makatulog sa nalaman ko, ang sabi sakin ni gab next week pa sila lilipat ng Laguna.
Bakit hindi niya man lang sinabi sakin na mapapa aga ang pag lipat nila, para hindi ako naghihintay kanina kung sakaling papasok siya ng school.
I got distracted by study, halos tatlong araw na wala pa din bakas ni Gabriel Tuazon ang nagpaparamdam sakin.
"Marie!"
Palabas pa lang ako ng gate nakita ko na agad ang mukha niya, iniwasan ko siya at binilisan ang paglakad. Tinatawag niya ako pero hindi ko siya pinapansin, hanggang sa mahabol niya ako at hawakan ang pulso ko.
"Malaya naman, I'm sorry. Biglaan lang na gusto na ako agad palipatin ng tatay ko sa laguna. I'm sorry, I already expect na next week pa talaga ang alis ko pero nagmadali yung tatay ko." He said
"Bakit hindi mo nagawang sabihin sakin kahit sa message man lang? Para hindi ako naghihintay sa wala." Galit na giit ko
"Binagyo kami nung nakaraan babe, kaya wala kaming signal. I'm sorry, I'm really trying to message you to explain everything. I'm really really sorry, I'll make it up to you, okay?" He said he pulled me and hug me tightly
I didn't say any single word, kinuha niya ang bag ko atsaka binuhat yun sa isa niyang balikat ng walang kahirap hirap, habang hawak niya pa din ang kamay ko.
"Anong gusto mo? Ice cream? Chocolate? Or you want mag date tayo sa restaurant?" Tanong niya
"Ikaw, kung saan mo gusto." Salita ko, I breathe out
He just pout to what I said.
"Ano bang favorite mong restaurant?" Tanong niya sakin
Wala akong maisip, kaya ng maka kita ako ng tapsilogan yun nalang ang sinabi ko. Hinatak niya naman ako sa tapsilogan na nakita ko.
Habang nag hihintay kami ng inorder namin ay nagdaldal lang siya, tungkol kay liam, tungkol sa tanawin na nakikita niya palagi, tungkol sa fam niya, tungkol sa new university niya, tungkol sakin kung gaano niya na daw ako na miss.
BINABASA MO ANG
Broken Oath (Juramento Series #1)
RomantikMalaya Marie D. Salvador is a high school student who has childhood trauma due to her own relatives, he doesn't know how to heal the wound that her relative did. Not until she meet Ethan Gabriel F. Tuazon who help her to move on and to love her self...
