Maaga ang class dismissed namin dahil busy na ang mga tao for preparation ng foundation day. While miracle nagpasama sakin sa bahay nila
"Kamusta boses ko? Okay lang ba? Hindi ba nakakasira ng araw?" Tanong ni miracle
"It's good milagros."
Habang kumakanta si miracle nilibot ko lang ang paningin ko sa bahay nila, maganda ang bahay nila may 2 kasambahay. Pagkatapos kumanta ni miracle nag yaya na siya kumain.
"Kung iniisip mong mayaman kami kasi may kasambahay kami, nagkakamali ka." Salita niya habang kumakain
"Paano mo nasabi na hindi kayo mayaman eh ang ganda ng bahay niyo tapos may kasambahay pa kayo." Sagot ko sakanya
"Well, kaya ko nasabi kasi minsan na short pa din kami pagdating sa money. That's why I can say na hindi kami mayaman."
I just nod sa sinabi niya, she have a point.
"Wala kang kapatid?" Pagtatanong ko
"Wala, only daughter ako hirap kasi mag ka anak si mommy." Salita niya
"Kaya pala miracle ang pangalan mo." Salita ko
"Yeah, miracle kasi milagros daw na nabuo ako." Salita niya
Nag chismisan pa kaming dalawa tungkol sa bagay bagay.
"Tapos teh alam mo ba yung Jake nag message requests sa'kin." Sabi niya
"Ohh anong sabi mo?" Tanong ko agad
"Tinatanong niya kung pwede daw ba siya manligaw sakin." Sagot ni miracle
"Tapos?"
"Hindi ko pinansin s'yempre." Sagot niya
"Ehh kayo ni gab musta? Umuusad ba?" Pagtatanong niya
Natahimik ako sa sinabi niya.
"Tinanong niya ako nung nakaraan kung sakali daw bang gusto niya manligaw papayag daw ba ako."
"Pumayag ka?" Tanong niya
"Hindi pa."
Nagulat ako sa pag hampas niya sa lamesa at pag tayo niya sa upuan.
"Hindi pa, ibig sabihin may chance na pumayag ka na pwede siya manligaw?" Tanong niya
"Oo parang ganon na nga, atsaka inaamin ko na sa sarili ko. Gusto ko si gab."
Tinaas ni miracle ang dalawang kamay niya na para bang nanalo siya sa lotto.
"Sa wakas! Freedom inamin mo din, kala ko after a year mo pa ma realize."
"Kaso hindi ko alam paano ako aamin na gusto ko na din siya."
"Kailan niya ba sinabi yan about sa ligaw ligaw?" Tanong niya
"6 days ago, pagkatapos nun biglaan silang umuwi ng Laguna pagkatapos niya akong kausapin." Sagot ko
"Shala updated ka ahh." Pang aasar niya pa sakin
"Umamin kana sakanya pag naka uwi na siya, alam mo ba kung kailan siya uuwi?" Sambit ni miracle
"Oo, Next week pa daw." Sagot ko habang nilalaro ang buhok ko
7:00 pm na ako nakauwi dahil sa kadaldalan ni miracle. Pag bukas ko ng social media ko ay bumungad agad sakin ang spam message ni gab.
𝗬𝗼𝘂 𝗵𝗮𝘃𝗲 𝗺𝗶𝘀𝘀𝗲𝗱 8 𝗰𝗮𝗹𝗹𝘀 𝗳𝗿𝗼𝗺 𝗚𝗮𝗯𝗿𝗶𝗲𝗹 𝗧𝘂𝗮𝘇𝗼𝗻.
𝗬𝗼𝘂 𝗵𝗮𝘃𝗲 𝗺𝗶𝘀𝘀𝗲𝗱 4 𝗰𝗮𝗹𝗹𝘀 𝗳𝗿𝗼𝗺 𝗟𝗶𝗮𝗺 𝗔𝗶𝗱𝗲𝗻 𝗣𝗮𝗹𝘃𝗼𝘁𝗮𝘀.
BINABASA MO ANG
Broken Oath (Juramento Series #1)
RomanceMalaya Marie D. Salvador is a high school student who has childhood trauma due to her own relatives, he doesn't know how to heal the wound that her relative did. Not until she meet Ethan Gabriel F. Tuazon who help her to move on and to love her self...
