Lumayo ako kay gab kahit ilang beses na siyang nangungulit sakin, I didn't expect na makalipas lang ilang araw na pag layo ko sakanya ay ganon na din ang ginawa niya. Dumidistansya na din sakin si gab napansin ko din na halos araw araw na rin pumupunta sila Queenie at iba pa nilang kaibigan dun sa bahay.
Pag nakakasalubong ko ang grupo ni gab ay binibigyan nila ako ng ngiti, pero si gab hindi ako tinitignan. He doesn't look at me at once simula nung lumayo siya sakin.
"Ano nanaman iniisip mo?" Tanong ni miracle
Kakatapos lang namin mag aral kaya tumambay kami ni miracle sa labas ng bahay namin, nakita ko kung paano yakapin ni gab ang bewang ni queenie.
"Selos ka noh." Bulong sakin ni miracle
"H-huh, ak-ako mag seselos? Hi-hindi kaya."
"Ba't nauutal ka?" Natatawang sagot ni miracle "Aminin mo na kase."
"Anong aaminin ko milagrosa?"
"Na gusto mo si gab."
"Hindi ko gusto si gab period."
"Ikaw hindi mo gusto si gab? Parang ang labo yata pag kinukwento mo si gab panay ang pagkislap ng mga mata mo eh, tapos nung mga araw na hindi ka na niya pinapansin naging matamlay kana." Sabi ni miracle habang kumakain ng kwek kwek, yumuko nalang ako at nag isip
Ramdam ko din ang tamlay ng sarili ko, madalang na lang ako mag open ng social media, ngayon na nga lang din ako tumambay dito sa labas.
"Marie!" Pamilyar ang boses na yun "Para sayo oh." It's a chocolate and letter
Tumingala ako, it's Harvey and that weird smile, I looked around na saamin ang attention nila gab dahil din siguro sa lakas ng sigaw ni harvey sa pangalan ko. Tumayo ako para mag pantay ang taas namin ni harvey, ilang beses ko ng sinabi kay harvey na ayaw ko sakanya, hindi ko siya gusto pero andito nanaman siya.
"Harvey hindi mo ba ako naintindihan? Ayaw ko sayo, hindi kita gusto."
"Bakit hindi mo ako bigyan ng chance marie?"
"Hindi ba malinaw sayo kuya? Ayaw nga daw sayo ng kaibigan ko." Giit ni miracle
Namilit pa si harvey ng ilang beses pero kung hindi pa siya pagtataasan ng boses ni miracle ay hindi pa siya lulubay. Ngayon ko lang nakita si miracle magalit and I could say na nakakatakot siya magalit.
Nag kwentuhan pa kami ni miracle ng ilang minuto, sinabi niya din sakin na sumali daw siya sa music club sa school kakanta daw siya sa foundation day ng school namin. I'm happy for her because nag explore siya ng mga bagong bagay.
It's already 8pm kaya hinatid ko na sa sakayan si miracle, pagkatapos kong ihatid si miracle sa sakayan umuwi na agad ako, nag aral pa ako hanggang sa maka uwi ang magulang ko.
"Bakit hindi na namin naabutan si gab dito sa bahay?" Tanong ng nanay ko
"Kaya nga ate, dati pag uuwi kami nakatambay pa siya dito." Salita naman ng kapatid ko
"Ahhh ano, busy si gab sa school oo busy siya sa school kasi may defense daw silang gagawin." Salita ko at sumubo ng pagkain
Bago ako matulog tumulong pa ako sa project at assignment na kailangan ipasa ng kapatid ko, I'm sleepy na pero kailangan ko pa gawin to.
Halos ilang linggo naging ganon ang routine ko, hindi na sumasabay sakin si gab sa pagpasok at pag uwi. Nasanay ako sa ginagawa ni gab dati I'm still hoping na sana one day bigla niya na uli ako kulitin and I won't try to avoid it him again, ako ang unang umiwas pero ako tong may mga hopes.
𝑻𝒂𝒏𝒈𝒊𝒏𝒂 𝒈𝒂𝒃, 𝒂𝒏𝒐𝒏𝒈 𝒈𝒊𝒏𝒂𝒘𝒂 𝒎𝒐 𝒔𝒂𝒌𝒊𝒏?
I'm thankful naman dahil lumayo naman na sakin si harvey.
Makaraan lang ang ilang araw ay pansin ko na hindi na ganon pumupunta sila queenie sa bahay ni gab, hindi na din lumalabas ng bahay si gab. Hindi ko nalang inisip yun dahil baka busy lang si gab sa school.
Pauwi na sana ako galing sa school pero may nakita akong pamilyar na lalaki. I squint my eyes and definitely that's Liam, pansin ko din ang paglapit niya sakin.
"Hi! Kumusta?" Tanong ni liam
"Okay lang, bakit ka andito? May inaantay kaba?" Tanong ko
"Oo, ikaw." Tumatawang sagot niya
Ilang minuto din kami natahimik
"Ano kasi Marie actually kaya andito ako kasi nagtataka kami bakit ka lumayo kay gab."
Napatigil ako sa sinabi niya.
"Marie nag alala sayo si gab palagi, minsan na late na din siya sa school dahil sinusundan ka niya pag papasok ka, siguradohin lang na nakakapasok ka ng ligtas." Pagpapaliwanag niya
Natahimik lang ako sa mga sinasabi ni liam, gusto kong maniwala na nagbibiro lang si Liam pero walang bakas sa itsura niya ang pagbibiro.
"Kaya ba nandito ka kasi inutusan ka niya?" Tanong ko
"Oo, ilang araw ng hindi pumapasok si gab sa school."
"Bakit?" Nag alala kong tanong
"Ayun bumalik nanaman ang hika niya, eto nga ohh inutusan ako bumili ng inhaler."
"Dito pa nga ako inutusan bumili eh, para daw sundan na rin daw kitang umuwi. Eh ang kaso nakita mo na ako kanina, kaya lumapit na ako." Napakamot niya sa ulo
"Bilisan mo na mag lakad, baka kailangan na ni gab yan." Pagsermon ko pa
"Oo na master."
Halos takbuhin na namin ni liam papunta sa sakayan, pasalamat na nga lang at mabilis din ang takbo ng jeep kaya mabilis kaming nakarating sa bahay namin.
"Sige na master uwi kana, abot ko na to kay bossing."
"Hindi ba talaga ako pwede pumunta kay gab?" Pangungilit ko
"Ano kasi master eh, papagalitan ako ni bossing sabi niya sundan kita at wag ako magpapakita." Napakamot ulo niya na sagot
"Ako na bahala sayo." Sagot ko at nag pati una sa paglalakad, dinig ko pa na tinatawag niya ako pero hindi ko siya pinansin.
Binuksan ni liam ang pinto, siya ang naunang pumasok ng bahay.
"Tagal mo." Naiinis na giit ni gab "Ano nakauwi ba ng ligtas si marie?" Tanong niya
"Ah o-oo, nakauwi siya ng li-ligtas actually a-ano." Nauutal na sagot ni liam
"Ano? Wag mo ako pinagloloko ngayon liam tatamaan ka sakin." Ramdam ko na ang galit ni gab, kaya pumasok na ako ng bahay nila. He was shocked
"Ano kasi boss, nakita ako ni master Marie nung inaantay ko siyang lumabas ng school." Salita ni liam "hehehe sorry na boss, kasi nag squint eye ba naman si master."
"Tangina ka talaga Liam." Inis na giit ni gab
✿︎✿︎✿︎
BINABASA MO ANG
Broken Oath (Juramento Series #1)
RomantikaMalaya Marie D. Salvador is a high school student who has childhood trauma due to her own relatives, he doesn't know how to heal the wound that her relative did. Not until she meet Ethan Gabriel F. Tuazon who help her to move on and to love her self...
