Nag ring na ang alarm ko, 11:30 pm na matutulog na sana ako pero nautusan pa ngang bumili ng noodles.
"Kung kailan gabi atsaka mag utos utos." Reklamo kong bulong
"Puntahan mo si gab, magpasama ka." Salita ng nanay ko
Nagulat pa ako, seryoso? Mang gagambala pa talaga ako ng ibang tao para lang sa noodles. Lumabas na ako ng bahay hindi ako pupunta kay gab para lang magpasama bumili ng noodles. Naka t shirt lang ako at short, hindi ako nagdala ng payong ambon nalang naman.
Wala pa ako sa kanto pero nakita ko agad na may mga lasing na tambay, anak naman talaga ng palaka bumalik ako at wala ng choice kundi magpasama na talaga kay gab.
"Anong kailangan mo?" Tanong agad niya sakin
"Ah, ano samahan mo ako bumili ng noodles, pwede?" Nahihiyang sambit ko
Walang pasabing tumalikod siya sakin
Ang sama ng ugali, edi wag kung ayaw. Umalis nalang ako sa tapat ng bahay nila at naglakad na uli. Nasa kanto na ako at nakalagpas naman na ako sa mga tambay ng ligtas, hanggang sa may humawak sa balikat ko agad naman nanlamig ang buong katawan ko at napahinto ako.
"Grabe ka naman mag tampo, kukuha lang ako ng payong nilayasan mo na ako."
I feel relieved ng marinig ko ang boses ni gab pero tinignan ko pa siya ng masama ng lumingon ako.
"Epal ka." Hinampas ko ang braso niya
"Noodles lang naman bibilhin mo pero nagmamadali ka iniwan mo pa ako." Umiling niyang sagot
"Eh bigla ka kasing umalis, malay ko ba na kukuha ka lang ng payong." Pakikipagtalo ko habang nag lalakad kami
"Sa tingin mo ba papayag ako na maglakad ka mag isa sa gantong oras?" Seryosong salita niya
"Che! Pinasama mo loob ko dapat ilibre mo ako ng ice cream." Pabiro kong salita sakanya
Nang makabili ako ng noodles ay agad ko naman yun inuwi, nagyaya naman agad ako na pumunta sa uncle's john para dun bumili ng ice cream. Kinuha ko ang Cornetto na cookies and cream, habang ang kay gab naman ay yung chocolate.
Binigay sakin ni gab ang pambayad kaya pumunta nalang ako sa cashier, nag ring ang phone ko habang nasa cashier ako, kala ko si mama na ang tumatawag pero hindi.
𝗚𝗮𝗯𝗿𝗶𝗲𝗹 𝗧𝘂𝗮𝘇𝗼𝗻 𝗶𝘀 𝗖𝗮𝗹𝗹𝗶𝗻𝗴...
Declined lang ako ng declined sa mga tawag niya.
𝗬𝗼𝘂 𝗵𝗮𝘃𝗲 𝗺𝗶𝘀𝘀𝗲𝗱 3 𝗰𝗮𝗹𝗹𝘀 𝗳𝗿𝗼𝗺 𝗚𝗮𝗯𝗿𝗶𝗲𝗹 𝗧𝘂𝗮𝘇𝗼𝗻.
"Boyfriend niyo?" Tanong ng cashier
"Ayy hindi po ate." Nahihiyang sagot ko
Sinamaan ko lang ng tingin si gab, habang siya naka upo lang feeling unbothered.
"Bagay kayong dalawa." Sagot ng cashier
Ngumiti lang ako at kinuha na ang binili, lumapit naman agad ako kay gab.
"Anong trip mo bakit may pa tawag tawag kapa?" Nakakunot kong noo salita
"Ikaw ba natatawagan ko? Kala ko girlfriend ko eh." Sagot niya habang binubuksan ang ice cream na binili
Pabiro kong sinipa ang tuhod niya sa ilalim ng mesa.
"Aray ahh, masyado kang aggressive ngayon." Pang aasar niya pa
Inubos lang namin ang ice cream na binili at umuwi naman na agad, palakas din kasi ng palakas ang ulan.
Nag suspend naman ang school namin kaya wala kaming pasok kinabukasan. Nag spend lang ako ng ilang oras sa family chismis namin hanggang sa natulog na sila, I was supposed to sleep pero nag ring uli ang phone ko.
BINABASA MO ANG
Broken Oath (Juramento Series #1)
RomanceMalaya Marie D. Salvador is a high school student who has childhood trauma due to her own relatives, he doesn't know how to heal the wound that her relative did. Not until she meet Ethan Gabriel F. Tuazon who help her to move on and to love her self...
