15

3 1 0
                                        

Natahimik lang ako sa tabi, habang si gab ay may inaayos dun sa mga gamot niya.

"Totoo ba na late kana daw lagi pumapasok?" Panimula ko

"Sinabi sayo ni liam?" Pagtatanong niya

"Oo o hindi lang ang isasagot mo gab." Giit ko

"Oo." Sagot niya agad

Tumayo ako at lumapit sakanya, he just looked at me walang bahid ng kung anong emosyon ang mga mata niya.

"Bakit? Dahil sakin? Dahil ba sakin bakit na late ka."

"Bakit pati pag aaral ko pinapansin mo?"

"Tangina gab, pinapabayaan mo ang pag aaral mo dahil sakin." Salita ko

"Hindi ko pinapabayaan ang pag aaral ko marie."

Tinignan ko lang siya ng ilang segundo, kinuha ko ang bag at gamit ko uuwi na lang ako wala naman patutunguhan tong pakikipag usap ko sakanya.

"Ano marie iiwan mo nanaman ako? Ganyan ka nalang ba talaga?"

Nagpintig ang tenga ko sa mga sinabi niya, nilingon ko siya at walang emosyon na tinignan siya sa mata.

"Aalis ka nanaman ng walang maayos na  explanation?" Tanong niya

"Bakit? Anong kailangan mo explanation? Yung pag distansya ko sayo?"

"Oo, kailangan ko ng explanation mo sa pag distansya mo sakin. Tangina hindi ko alam kung anong ginawa kong masama, kung may nasabi ba akong hindi mo nagustuhan. Iniwasan mo ako nang hindi mo sinasabi sakin ang dahilan ano bang mali? Kung gusto mo ng space ibibigay ko naman yun eh, sabihin mo lang hindi yung nanghuhula ako sa iniisip mo." Napasapo na siya sa ulo niya

"Si Queenie, may relasyon kayo hindi ba. Hindi pupunta si queenie dito araw araw kung walang kayo." Ramdam ko ng may tumatakbo ng luha sa pisngi ko

"Umi- umiiyak si qu-queenie dahil sa-sakin." Nauutal kong salita, I try to calm myself para maipaliwanag ko ang side ko. "Kasi sabi niya kay liam inaagaw ko na ang oras mo, kaya dumistansya ako kasi may relasyon kayo." I said while crying, tinakpan ko ng dalawang kamay ko ang muka ko.

I don't know what I'm crying for, nasasaktan lang talaga ako pag naiisip kong mag relasyon sila ni queenie.

I felt he's hug, niyakap niya ako.

"Shhh, tahan na." Sabi niya sa malambing na boses

"Wala kaming relasyon ni Queenie, who told you that ?" Tinanggal niya ang mga palad ko sa muka at tinignan ako.

"Si harvey, narinig niya daw na nag uusap si queenie at Liam then he heard na inaagaw daw kita kay queenie." Salita ko

"Paano ako aagawin ni queenie eh hindi nga ako pagmamay ari ni queenie?"

"Atsaka hindi umiiyak si queenie dahil inaagaw or nakuha mo ang oras ko, umiiyak siya kasi umamin siya sakin na gusto niya ako, then sabi ko hanggang friends lang kami." Pag papaliwanag niya pa

"Even liam alam niya kung bakit umiiyak si queenie."

Pinunasan niya ang muka ko gamit ang likod ng kamay niya.

"Please lang wag kana dumistansya sakin uli." Sabi niya sakin habang nakayakap sakin.

"Feel free to open sakin ng mga thought, feelings, rant, problem. Kahit anong problema I'll listen." Sabi niya habang iniipit niya ang ilang buhok ko sa likod ng tenga ko.

"Eh ikaw bakit hindi mo sinabi na may hika ka pala." Hinampas ko pa ang braso niya

"Eh hindi ka naman nagtatanong, atsaka hindi ko sinabi sayo kasi mag aalala ka lang."

"Hindi kaya ako nag aalala."

"Sus, kaya pala andito ka."

"Andito ako kasi miss ko yung bahay niyo."

"Eh ako hindi mo ako miss?"

"Ha?"

"Wala, sabi ko uwi kana baka may gagawin kapa."

"Okay ka lang ba dito mag isa?"

"Kung sabihin kong hindi mag stay kaba?"

Tumingin ako sa orasan ko, 7pm pa lang naman maayos din naman sa bahay tapos mamaya pang 10 pm uuwi ang pamilya ko.

"Oo, kaso mag aaral ako dito pwede?" Tanong ko

"Pwedeng pwede."

Ganon na lang ang gulat ni liam ng makita niya kaming magkayakap.

"Tangina sabi ko bigyan ko kayo privacy para makapag usap at mag bonding kayo , ibang bonding pala ang gusto niyo." Sagot ni liam

Kumalas na ako sa pagkakayakap namin ni gab.

"Uwi na ako." Sabi ko at kinuha ang gamit na nasa table

"Kala ko ba mag aaral ka dito?"

"Magpapalit ako uniform."

"Eto naman ang oa, nagyakapan lang kayo ayaw mo na pagpalitin ng damit." Pang aasar ni liam

Umuwi na lang ako sa bahay para makapagpalit ng pambahay na damit. I just wore over size t shirt and sweatpants, gaya ng napag usapan bumalik ako sa bahay nila gab at dun ako nag aral.

Habang nag aaral ako ay nakikipag usap lang din sakin ang magkaibigan, para daw hindi ako ma bored. Madaldal si Liam kaya pati si gab ay nahahawa na din.

Makalipas ang ilang kwentuhan napansin ko ang pagiging tahimik ng dalawa nilingon ko sila at nakita kong naka tulog na ang magkaibigan. Sakto naman na dumating si tita leylie nagulat pa siya na andito ako sa bahay nila

"Ohh Marie, buti nakapunta kana uli dito tapos na ba ang hell week mo sa school?" Tanong niya

"Hell week po?" Nagtatakang salita ko

"Oo, hell week mo daw sa school maraming ginagawa kaya hindi kana daw nakakapunta dito sa bahay sabi ni gab ." Nalilito na din si tita leylie

"Ah opo, busy po sa school kaya hindi nakaka punta sa bahay niyo po." Salita ko

"Ohh siya tara na dito kumain na tayong dalawa, Nako siguradohin mong nakaka kain ka araw araw, kumain ka ng 4 na beses sa isang araw ahh kailangan laging may laman yang tyan mo, para hindi ka na mental block." Mahabang paalala ni tita

Habang kumakain kami ay nagkwentuhan din kami ni tita ng mga bagay bagay, nagtatawanan pa nga kami buti na lang hindi nagising yung dalawa sa halakhak namin ni tita leylie.

Umuwi din ako before 10pm para maabutan ako ng pamilya ko na nasa bahay lang ako, I just watched tv halos na review ko na din kasi ang inaaral ko kaya kampante na ako.

Halos 1am na pero gising pa din ako, I think because of the joy na nararamdaman ko ngayon kasi alam ko ng walang relasyon si gab at queenie, I'm happy because wala ng bumabagabag sakin.

✿︎✿︎✿︎

Broken Oath (Juramento Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon