7:00 pm na kaya naisipan ko nang umuwi, kung saan saan ako napunta dahil hinahanap ko si miracle para makapag paalam na uuwi na ako, pero naabutan ko nalang siya na nasa wedding booth kasama yung abm student.
Nang magtama ang mata namin kumaway ako sakanya.
Nasa kanto na ako ng bahay namin, when I saw a familiar face, kala ko ba bukas pa siya uuwi bakit andito agad siya?
"Gab!" Sigaw ko at tumakbo papalapit sakanya
Nang makalapit ako sakanya ay binigyan niya ako ng ngiti pero hindi abot tenga ang ngiti ng binata ngayon.
"Bakit tumatakbo ka? Baka matapilok kapa sa sapatos mo." Nag aalala niyang salita
"Bakit andito ka agad? Kala ko ba bukas kapa uuwi?" Sunod sunod kong tanong
"Miss kita eh kaya umuwi na agad kami ni mama." Salita niya pinisil niya pa ang pisngi ko
"Ice cream?" Pag yaya niya sakin
"Okay, papalit lang ako." Umuwi na agad ako atsaka nag palit ng damit
I wore pink tshirts and pink dolphin shorts.
Pansin ko ang tahimik ni gab habang naglalakad kami, hindi naman siya ganto dati.
"Ako na magbabayad." Sabi ko at binigay na ang bayad ko sa cashier
We are here in uncle's john para bumili ng ice cream, hinatak ko na siya at umupo na kami, kanina pa ako nagdaldal tungkol sa nangyari kanina sa foundation day pero hindi pa din umiimik si gab, nakatingin lang siya sa malayo malalim ang iniisip.
"May problema kaba?" Tanong ko
"Ha? Anong sinasabi mo uli?" His gaze turn to me.
"Kanina kapa tahimik, nauubosan na ako ng sasabihin wala ka pa din umik." Salita ko habang kumakain.
"May iniisip kaba?" Tanong ko
"Wala, wala akong iniisip." Salita niya habang iniipit ang ilang buhok ko sa tenga
I gave him my tie in hair, giving him a hint na talian niya ang buhok ko agad niya naman kinuha yun.
"Paano ba magtali ng buhok?" Tanong niya habang hawak niya na ang mga buhok ko, hawak ko naman ang ice cream niya
"Okay lang kahit magulo, basta nakatali atsaka mag mong higpitan kasi masakit sa anit." Salita ko
Ilang minuto din niya tinatali ang buhok ko habang ako kumakain lang ng ice cream.
Dinadaldal ko din siya tungkol sa mga nangyari nung mga nakaraan na araw nung wala siya.
12:00 am na hindi pa din ako makatulog, na bother pa din ako sa pagiging tahimik ni gab hindi man lang siya nag kwento nung mga nangyari sakanya sa Laguna.
Lumabas ako para magpahangin pero nagulat nalang ako ng andun din si gab naka upo, naka sandal ang ulo niya sa pader habang nakapikit ang mata. Tumabi lang ako sakanya tumingala lang ako sa langit.
"Ba't nasa labas ka?" Rinig kong tanong niya
Napatingin ako sakanya, ganon pa din ang pwesto niya.
"Eh ikaw ba't nasa labas ka?" Tanong ko pabalik
Hindi siya sumagot kaya hindi nalang din ako nagsalita. Halos ilang minuto kaming tahimik, may nagawa ba akong hindi niya gusto? Hindi ko naman nakalimutan mag update sakanya kanina.
"Gab may problema ba tayo?" Salita ko at tumingin sakanya, tumingin din naman siya sakin at huminga pa ng malalim
"Wala, wala tayong problema Marie." Kalmado niyang sagot
BINABASA MO ANG
Broken Oath (Juramento Series #1)
RomantikaMalaya Marie D. Salvador is a high school student who has childhood trauma due to her own relatives, he doesn't know how to heal the wound that her relative did. Not until she meet Ethan Gabriel F. Tuazon who help her to move on and to love her self...
