Kung Bakit nag-iisa ang Buwan

4 0 0
                                    

Dahil takot siya
Takot siyang umasa na
may taong handang manatili
hindi bibitaw sa mga kamay
ano man ang ibatong hamon ng buhay.

Dahil takot siya
Takot siyang maubos
Kapag kasi nagmahal siya
Ibibigay niya lahat
hangga't sa wala nang matira sa kanya.

Dahil takot siya
Takot siyang masanay
sa mga matatamis na ngiti
na alam niyang sa huli'y
mapapalitan ng pighati.

nang Lumuha ang BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon