Niu's POV
"Oh come on, Niu. Puro na lang photojournalism inaasikaso mo, can't you enjoy the festival at least?" saad ng kaibigan kong si Fern. University festival namin ngayon, kahit nga ibang campus ay narito to have fun.
"You know my job as a photojourn, Fern. Besides, I love taking pictures" saad ko. Dalawang oras na yata akong nakatayo para lang makunan ang lahat ng events dito sa festival eh. "But I need you, sasakay lang tayo ng Vikings then you can continue your job na" saad pa nito.
Kanina pa ako pilipilit ni Fern na mag-rides eh, but ayo'ko. I'm a busy person for goodness sake, I make the school paper exciting by my photos.
"Come on, kahit ngayon lang. Please, I'm begging you Niu. I'm your friend, hindi mo ba pagbibigyan ang kaibigan mo?" paawa nito. I rolled my eyes at her, wala ata siyang balak na tigilan ako. "Fine, pero isang beses lang" pagsuko ko.
Nagtatalon ito sa saya. I made sure to pack my cameras and equipment well, ayo'kong may masamang mangyari sa mga babies ko, they're expensive kasi. "Mauna ka na sa pila, I'll just put my equipment sa locker ko" saad ko saka umalis na.
Pagkarating ko sa locker room ay napakunot ang noo ko nang makita ko ang mga babaeng nasa locker ni Claro. "What are they doing?" tanong ko sa sarili ko. Tumitili pa sila habang may kung anong pinapasok sa locker ni Claro.
Fangirls sila ni Claro, I can't blame them. Claro is a famous badminton player dito sa university, even outside the campus. She competes kasi kaya nakilala siya at palagi siyang panalo, may game nga siya ngayong festival eh. She will represent the campus and kalaban naman niya ang mga taga-ibang campus.
Umiling na lang ako sa mga ginagawa ng mga fangilrs niya saka dumiretso na sa locker ko. Pagkabukas ko nun ay tumigil ang tilian nila, but I don't care. I made sure to fix my things para hindi ito mahulog or whatsoever.
Pagkasara ko ng locker ko ay mukha nung isang fangirl ang bumungad kaya napasigaw ako. "Hi Campos, we heard that you and Claro are close" I have a bad feeling about this girl. "No we're not" sagot ko na lang. "Talaga ba? Sana nga totoo, because she shouldn't be with someone like you who is a nobody" saad nito.
Like I said, I have a bad feeling about her. I just shrugged my shoulders then left. Buti na lang at hindi na nila ako ginulo, natawanan lang sila saka nagpatuloy sa mga pinaggagagawa nila sa locker ni Claro.
Tss, kung alam lang nila kung gaano ka head over heels sa'kin 'yang iniidolo nila. I sighed, Claro should stop going near me kapag nandito kami sa campus, ini-issue ako sa kanya eh. I hate issues so much.
Pagkarating ko kay Fern ay hinila ako agad nito pasakay sa Vikings. Hindi naman ako mapigil sa pagsigaw kasi halos mawala na ang kaluluwa ko rito. I literally lost my breath for a second. Nang makababa kami ay hinampas ko si Fern sa balikat.
"Why would you hit me?" tanong nito. Nakahawak ito sa braso niya tapos masama ang tingin sa'kin. "Hindi mo sinabing extreme ride pala 'yon" galit na saad ko. "But it was fun" rason na lang nito.
Nagsimula na naman niya akong hilain sa kung saan-saan, hindi naman ako maka-hindi kasi ang daming rason ng babaitang 'to. Paano na ang trabaho ko, letcheng 'yan.
"May sports pala sa arena ngayon, do you wanna watch Claro?" tanong nito sa'kin. I shook my head no. "Why not?" tanong nito. "I'm over with her fangirls, baka mamaya i-assume na naman nilang close kami and all, I don't want attention" sagot ko.
"Close naman kayo ah, isn't she your wif-" tinakpan ko ang bunganga nito. Pinanlakihan ko ito ng mga mata, muntik pa madulas eh. "Shut up, Fern. I don't like attention, please" I'm so terrified. Ayo'ko talagang mapunta sa'kin ang atensyon ng mga tao, lalo na't they're labeling me as 'feeling close kay Claro' arrgh I hated that.
BINABASA MO ANG
THE NOBODY
Kısa HikayeNiu, a nobody from Johanssen University, is the wife of Claro, a famous badminton player.