FUMIKO'S POV:
Nagkaroon ng break sa pagitan ng Dead Demonia at Breaker dahil agad na natapos ang game 1 nang hindi pa umiinit ang pwet ko sa upuan. Kaya naman nagpasya akong tumayo muna at magdesisyong bibili ng pagkain.
"Where are you going?" Sita sa akin ni Asher nang mapansin niyang tumayo ako kaya naman napatingin sa akin ang iba pang kasama namin.
"Uh, I wanted to buy some snacks and roam around the area. Okay lang ba?"
Nagkatinginan sina Kuya Jobert, Kuya Chase, Kuya Marion, Ate Mika at Ate Alessa.
"Marion at I can accompany you, Fumiko. Masyado kang mainit sa mata ng press lalong-lalo na sa mga manlalaro kaya kailangan mong mag-ingat." Ani ni Ate Alessa dahilan para makagat ko ang pang-ibabang labi ko bago sila tanguhan.
"Jobert, Chase, Mika, Yakuji, David, Asher, Aries and Bugoy, you should study the strength and weakness of your opponent. Babalik din kami agad." Habilin pa ni Ate Alessa at saka kami naglakad palabas ng dressing room.
Kanina pa talaga ako nakakaramdam ng gutom at alas 3 pa lang ng hapon. Mabuti na lang at handa akong samahan ni Ate Alessa at mukhang pinapanindigan nilang kargo nila kaming lahat.
"Sa cafeteria na lang tayo. Merong stall ng bilihan nang pagkain dito sa loob ng arena." Aniya kaya naman sumunod ako kay Ate Alessa.
Nasa likuran lang namin si Kuya Marion at tahimik lang ito. Nakakasalubong din namin ang ibang staffs at players na abala sa kani-kanilang mundo. Napapatingin naman ang iba sa akin pero hindi ko na lang pinansin. Wala akong panahon para makipag-bardagulan sa kanila.
Nang marating namin ang cafeteria, agad akong nag-order ng tuna sandwich at bottled water. Ganun din ang ginawa ni Ate Alessa at mukhang meryenda na naming lahat yun. Hassle nga naman kung babalik pa sila dito para lang pakainin kami.
Akmang magbabayad na ako sa counter nang may humarang sa akin na grupo ng mga kalalakihan. They are wearing their respective jersey's and I don't like the way they are looking at me.
"You are the female player from Howl, right?" Ani ng isang lalaki na mukhang chinito pero hindi ko siya type.
"Yeah. Do you need something?" Prenteng sagot ko kahit na nilulukob ng nerbyos ang buong sistema ko.
"As we thought you're a tough one. Being part of this kind of event is rare for a woman like you. See you around, babe."
Matapos niya sabihin 'yon agad nila kaming nilagpasan na siyang ipinagtaka ni Ate Alessa.
"Lakas ng hangin ah? Feeling ko matatangay ako dahil sa kayabangan nila." Ani nito na parang naiinis dahil tumigil ako sa paglalakad.
Tumayo si Ate Alessa sa tabi ko dala ang mga pagkaing binili niya habang si Kuya Marion naman ang may hawak ng isang supot nang bottled water bago kami naglakad papuntang counter.
"Masanay ka na sa ganung trato ng mga manlalaro dito pero huwag kang papayag na babastusin ka nila lalo na't wala silang sinasanto sa ganitong larangan ng laro."
"I will keep that in mind, Ate. Don't worry about me."
Napangiti si Ate Alessa. "Mabuti na lang strong kang nilalang. Akin na 'yang pinamili mo at ako na ang magbabayad."
Hindi na ako umangal kay Ate Alessa at agad na binigay sa kanya ang pagkaing binili ko. Pangalawang araw pa lang namin dito sa Indonesia pero yung mga kaganapan halos hindi na maproseso ng utak ko.
Mukhang marami akong makakabangga, hindi lang ng grupo namin kundi ang mga indibidwal mismo na narito sa e-sports Arena.
Nang bumalik kami sa dressing room, tapos na ang laro at sa loob ng tatlong minuto natalo ng Dead Demonia ang Breaker. Agad namang tinawag ang susunod na maglalaro kaya naman wala na kaming panahon para panuorin sila dahil ang una naming inatupag ay ang makalalaban namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/362341937-288-k591575.jpg)
BINABASA MO ANG
Clever Game
Romance[BLOODFIST SERIES 7] Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing her...