Game 46: No one

27 3 0
                                    

FUMIKO'S POV:

Isang ford mustang ang naghihintay sa amin at pinagbuksan pa ako ni Thud ng pinto kaya wala akong choice kundi sumakay na lang. Nang maikabit ko ang seat belt ko, sakto namang pagpasok ni Thud sa driver seat at agad nitong ini-start ang makina.

"Siya nga pala, wala pa ba kaming schedule sa pro-league?" Usisa ko sa kanya.

"Maybe next week, why?" Umandar na ang sasakyan at saka namin tinahak ang kalsada patungo sa L.A University.

"Uhm, wala namn. Naboboring na kasi ako saka 'yong tungkol sa pagpapasabog sa sasakyan ni Yakuji. Pakiramdam ko tuloy hindi na ako magiging ligtas."

"Don't think it that way, Fumiko. You have me and so as David, Asher, Astaroth and Yakuji. You don't have to worry about it."

Napangiwi ako. "Ako nga ang may kasalanan kung bakit kayo napapahamak eh. Saka kilala niyo ba kung sino ang may gawa 'non? Hindi naman, diba?"

"Just trust us, will you?"

"Bakit ba panay ka english?" Singhal ko pa rito.

Pagak na tumawa si Thud sa reaksyon ko. Nakakainis kasi. Feeling ko tuloy dudugo ang ilong ko kaka-ingles niya.

"Pasensya naman. May mga kliyente kasi akong kausap kahapon at iba-iba pa ang lenggwahe na gamit kaya kailangan kong magsalita sa wikang ingles." Aniya.

Inirapan ko na lang ito at sakto namang nasa tapat na kami ng university. Ipinasok ni Thud ang kanyang sasakyan at ipinarada sa usual spot kung saan nagpa-park ang grupo ni Cold.

"Hanggang dito na lang ako. May flight ka pa diba?" Sambit ko matapos kung matanggal ang seatbelt na suot ko.

"Yeah, pero ihahatid pa rin kita."

I just groan in frustration as I got out from his car. Halos pinagtitinginan kami ng mga estudyante pero hindi namin sila pinansin.

Hindi pa ba sila masasanay sa mga tulad ni Thud na sobrang yaman? Kunsabagay, sino ba namang hindi mamamangha kung araw-araw, iba-ibang kotse ang gamit mo diba? Baka Thunder Clyborne 'yan.

Nang marating namin ang aming classroom, agad na sinalubong ni Jase at Hulk si Thunder na akala mo sampung taong hindi nagkita.

"Yo, dude. Papasok ka ba?" Ani ni Jase.

"Uh, no. I'm going to France, later." Sagot naman ni Thud.

Ingles na naman.

Napailing na lang ako at hinayaan silang mag-usap at saka ako dumiretso sa mesa ko at pasalampak akong naupo. Inilagay ko pa sa ibabaw ng kama ang maliit na bag na dala ko at saka kinuha ang cellphone mula doon at nagsimulang hanapin ang numero ni David.

Nang makita ko ang numero ni David, agad kong pinindot ang icon ng message.

To David:
"Nasa hospital ba kayo? Dadalaw ako mamaya kay Yakuji after class."

Inilapag ko sa mesa ang phone ko at wala pang ilang minuto ay tumunog ito at nakita ko ang pangalan ni David sa notification bar ko.

Fr. David:
"No, we're already in school and about Yakuji, he's discharge already. Meet you later at cafeteria, we're in a discussion right now."

Laglag ang panga ko sa kanyang reply. Loko din ang isang ito, napakaulirang estudyante.

Nagreply na lang ako ng emoji at saka nagtungo sa app ng Fuse flight. Maglalaro na lang siguro ako habang wala pa si Sir Rent.

Abala ako sa pagkakalikot ng phone ko nang biglang lumapit si Chris at Rusty.

"Fumiko?" Tawag ni Rusty sa pangalan ko.

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon