Game 57: Chris

31 3 0
                                    

FUMIKO'S POV:

"I think she's under a traumatic experiences because of what happened to her friends, Chris and Brix," Ani ni Thud nang makalapit sa amin. Hindi ko siya nilingon dahil ayaw ko siyang makita.

"Traumatic experience? Chris at Brix? May nangyari ba na hindi ko alam Thunder Clyborne?" Bakas sa boses ni Kuya Fumiya ang kaseryosohan.

"Nalaman ko lang din ng dumating ako at hindi ko alam ang totoong nangyari. Pagdating ko sa university kahapon, binastos pa siya ni Sanchez at nakita ko ang iba pa niyang kaklase na may mga benda sa ulo at katawan pero hindi na ako nagtanong." Mahabang litanya na sambit ni Thud pero napatili ako nang bitawan ako ni Kuya mula sa pagkakayakap at sa isang iglap ay hawak na niya sa kwelyo si Thud at iniangat pa ito mula sa kinatatayuan.

"My father entrusted you her safety pero anong ginawa mo!? Wala ka sa tabi niya habang may nagaganap na hindi namin alam!?" Nanggagalaiti sa galit si Kuya Fumiya kaya naman napatili ako at walang habas na sumiksik sa pader.

"Tama na... tama na..." Umiiyak na sigaw ko.

Parang bumalik sa isip ko ang mga nangyari kay Brix at Chris kung saan nalabulagta lang sila sa harap ko nang walang malay at naliligo sa sariling dugo.

"I was away when that happens, Fumiya. Hindi ko kontrolado ang utak ng tao kaya huwag mo akong sisihin sa mga nangyari. May misyon akong inaatupag at hindi lang si Fumiko ang kailangan kong pagtuunan ng pansin."

"Fvck you and your mission. Kung hindi mo kayang protektahan si Fumiko, iuuwi ko na lang siya sa bahay."

Marahas na binitawan ni Kuya Fumiya si Thud habang ako ay nanatiling nakasiksik sa pader hawak ang aking tenga para hindi marinig ko makita ang karahasan na magaganap sa aking harapan.

"That's all you can do for now, Fumiya. You should stay her away from me for her safety and for her friends. Gagawa ako ng paraan pero ako lang kikilos at hindi ka kasali doon."

Lumapit si Thud sa akin at niyakap ako. Unti-unting kumalma ang sistema ko pero nanginginig pa rin ako sa takot.

"Hush, calm down Fumiko. I'm sorry if I will leave you behind, again. I will be gone for months no, rather than a year or two. Take care of yourself and promise me you won't do something reckless that will harm you while I'm away."

Wala sa sariling yumakap ako kay Thud.

"D-Dito ka lang. Huwag mo akong iiwan." Pakiusap ko sa kanya na tila wala akong ibang nakikita kundi siya lang. "Thud dito ka lang. N-Natatakot ako sa kanila. Parang awa mo na, dito ka lang."

Humigpit lang ang yakap ni Thud sa akin hanggang sa unti-unti akong nilamon ng antok dahil sa sobrang takot at pag-iyak.

Nagising na lamang ako sa tunog ng monitor at kakaibang amoy ng paligid mula sa aircon na binibuga nito. Malabo ang paningin ko kaya naman marahan akong napakurap at unti-unting lumilinaw 'yon at nakita ko ang dalawang lalaki na nag-uusap malapit sa bintana.

"She's suffering a post traumatic stress syndrome because of what happened from the other day. Hindi kinaya ng utak niya na makakita ng mga taong duguan at walang malay." Sambit ng lalaking nakasuot ng puting lab gown habang may nakasabit na stethoscope sa leeg nito at nakapaloob ang parehon kamay sa bulsa ng lab gown nito.

Kausap nito si Kuya Fumiya.

"What should we do about her condition doc?"

"As of now, let her rest and regain her energy. Hanggang ngayon hindi pa rin nagigising ang dalawang kaklase niyang pinalo sa ulo at hindi ako sigurado kung gigising pa ba ang dalawang 'yon. Ginagawan naman ng paraan ni Yakuji at Cold ang tungkol doon at hindi pa rin ako nagbibigay ng permiso na dalawin ang dalawa at baka matunton ng mga lalaking sumugod sa kanila. Mahigpit ang bantay sa kwarto ni Chris at Brix."

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon