Nagkamalay ako ng naramdaman kong nangangalay ang aking mga kamay, dahan dahan ko munang iminulat ang aking mata dahil parang nagbablured pa ang lahat.
Nang masilayan ko na ng buo ang paligid ko, nasa lumang abundonadong bahay ako dahil sa disenyo nito.
Agad na tumulo ang aking luha ng naalala ko ang nangyari kahapon, akmang tatayo na sana ako pero napagtanto kong nakagapos ang aking kamay at dito ko lang napansin na nakaupo ako sa isang bangko at nakagapos rin ang aking mga paa.
"You're awake darling" biglang uminit ang ulo ko dahil sa boses ng isang lalaki, nakangisi ito habang papalapit saakin.
"Ibalik mo'ko kay Tyler!"
Narinig ko ang mahina nyang tawa at hinaplos ang aking pisnge. Umangal man ako sa ginawa nyang paghaplos sa aking pisnge ngunit d ko magawa dahil hindi ko maigalaw ang buo kong katawan.
"Why would I do that?" Seryoso nyang sabi saakin .
"Kahit kailan talaga ang sama mo!"
"Hindi naman ako masama darling, mahal lang kita"
"Mahal? Anong mahal pinagsasabi mo? Gago kaba!?" Singhal ko at dinuraan siya sa mukha.
"Owh, yan ang gusto ko sa babae palaban"
" Sa oras na mahuli ka ni Tyler, sigurado akong makukulong ka ulit!"
"Mamamatay muna siya bago ako bumalik sa kulungan"
"Hayop ka!"
"Yes, I know. Nang dahil sa kanya nagkagan'to ako! Bakit nga nya ba akong pinakulong? Ha-ha nagdusa ako sa kulungan dahil sa putang Tyler na 'yan! Hindi naman kayo dati dba!? So wala siyang pakialam kung anong gawin ko sa'yo dahil unang una hindi ka nya pagmamay-ari!"
"Dapat lang sa'yo ang makulong lucas! Dahil sa pambabastos mo saakin"
Mahina siyang tumawa at kumuha ng kutsilyo na nanggaling sa lamesa. Kinabahan ako sa malademonyong mga titig nya saakin.
"A-anong gagawin mo?" Utal utak kong tanong
"Relax Darling, tatanggalin ko lang yang mga tali na nakagapos sa'yo paano ka makakain kung may tali ka or gusto mong subuan kita?" Sambit nya at isa isang tinanggal ang mga tali
"Ayaw kong kumain"
"Magkakasakit ka pag Hindi ka kumain"
"Mas mabuting magkasakit ako kaysa galing sa'yo ang pagkain!"
"Owh seems gusto mong ako ang magpasubo sa'yo ha" tiningnan ko siya ng masama. Kumuha siya ng kutsara na may pagkain at susubuan sana ako ngunit umiling ako.
"Eat this"
"Sabing ayoko!" napasigaw ako ng sabihin ko 'yun at itinakwil ang pagkain na nasa kamay nya narinig ko ang malutong nyang mura at sa isang iglap ko lang ay nakatanggap ako sampal.
Napaiyak ako ng dahil sa sampal nyang napakalakas, sigurado akong namumula ang mukha ko at namamaga.
Natataranta siyang lumapit saakin at akmang hahawakan ngunit gumalaw ako at nahulog sa upuan.
Tumanggi ako at nanginginig habang tumayo at sumuksok sa gilid ng naramdaman kong nagtangka siyang hawakan ako.
Kahit isang beses hindi ako sinampal ng kahit na sinong lalaki, maski si Tyler Hindi ako nakatanggap ng sampal. Pero ngayon, ang sakit palang masampal ng palad ng lalaki.
"I'm sorry, I didn't mean to hurt you" paghingi nya ng tawad saakin at pumantay ng upo.
"Sa susunod huwag mo'kong paggalitin ha?" Sabi nya at tumawa.
YOU ARE READING
ANG BOSS KONG SUPLADO
RomantizmShe is Arriana Lopez A simple girl who lives in a Province. He grew up with his grandmother taking care of her because her mother left her without saying goodbye. One day, she was looking for a job. But sa paghahanap nya ng kanyang trabaho ay makak...