14

114 9 95
                                    

"Robbie Bear, oo nga pala, I have to tell you something. Pupunta 'ko sa Singapore this weekend."

Napalingon ako kay Sab nang sabihin niya iyon. "Talaga? Bakit?"

"I had to meet some relatives there, like, they have invited me to come over since malapit lang naman from the Philippines, so, I'll take a leave from work on Friday, then I'll be back on Sunday," paliwanag niya na para bang sa probinsiya lang siya pupunta.

"Gano'n ba? Eh, mag-ingat ka sa biyahe."

Parang kaaalis niya lang, eh, aalis na naman siya.

Hindi na siya nakabalik sa amin noong new year, dahil umuwi ulit siya ng Cebu. Hanep nga, eh, parang ginawang bus lang ang eroplano. Umalis siya ng umaga ng December 31, at bumalik ng January 2 ng umaga. Partida, ang mahal ng ticket dahil peak season at on-the-spot ang bili niya, pero anong magagawa ko, rich kid nga, eh. 

Saka, gusto niyang makasama ang mga magulang niya. Sino ba naman ako para pigilan iyon?

"Hatid kita? Anong oras ba?" tanong ko.

"May pasok naman 'yon, eh. Friday ng hapon ang flight ko," sagot niya. "Sunduin mo na lang ako."

"Eh, sige." Gusto ko sana siyang ihatid pero alanganin nga naman. Dapat, kapag nagpapaalam kay Ssob na mag-leave ay at least one week in advance, eh, Martes na ngayon. "Hapon din ba dating mo sa Linggo?"

"Gabi. Mga 7:00 P.M," aniya. "Okay lang ba sa 'yo?"

"Oo naman. Sige, darating ako." Inakbayan ko siya. Humilig naman siya sa balikat ko.

Ilang sandali lang kaming tahimik habang nakatingin sa kalangitan. Naroon kasi kami sa unit niya at nakatambay lang sa kung saan kami nanood ng meteor shower noon.

Hanggang sa tinawag niya ako, "Rob..."

"Po?" Hindi naman siya kumilos sa pagkakasandal sa akin kaya hinintay ko lang din kung anong sasabihin niya. 

"If you need help, please let me know," aniya.

"Help saan?" Nagtaka ako.

"Sa kahit ano. Sa life, in general," sagot niya. "Nabalitaan ko kasi na...you borrowed money from Ayi."

Nabigla ako. "Alam mo na pala. Ito talaga si Ayi, o. Negosyo naman 'yon, eh, kumbaga, patubuan. Saka, maliit lang 'yon. May bigla lang kailangang bayaran si Ion sa school."

"You should have told me." Mahinahon ang pagsasalita ni Sab, pero nararamdaman ko na iginigiit niya sa akin ang punto niya. "Remember that we were once friends, right? And nag-o-open up ka naman noon sa 'kin? Bakit ngayon?"

"Nahihiya kasi ako," pag-amin ko. "Okay lang kung mga rant lang 'yan tungkol sa kung ano-ano, pero kung financial, alanganin ako. Baka kasi isipin mo, na nagpapa-awa lang ako sa 'yo dahil alam kong...alam kong may kakayanan kang tulungan ako."

Pinipili ko nang maigi ang mga salita sa takot na ma-offend ko siya. Pero, parang bumibigat ang dibdib ko sa usapang ito. 

Umalis siya sa pagkakasandal sa akin at nilingon ako. "You think na pag-iisipan kita ng gano'n? You didn't took advantage of me for a lot of times even if you have the chance. You have proven yourself to me, over and over. Sana alam mo 'yon."

Huminga ako nang malalim. "Sorry. Kasi, hangga't maaari, kung kaya ko gawa'n ng paraan na 'di ako hihingi ng tulong sa 'yo, gagawin ko. Ayokong mahirapan ka. Ayokong madamay ka sa mga responsibilidad ko."

"So, ano lang ako sa 'yo? Sa happy moments lang? Pang-kilig lang?" Kumunot ang noo niya.

"Hindi, hindi." Umiling ako. 

Surrender To A True Unyielding Spark (FlipPage Series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon