Lunes ng umaga nang daanan ko si Sab sa unit niya para sabay kaming maglakad papasok. Pinaakyat na niya ako imbis na maghintay sa lobby tulad ng lagi kong ginagawa. Pinapauna na nga niya sana ako kasi late daw siya nagising, baka daw matagalan ako maghintay. Okay lang naman sa aking hintayin siya. Isa pa, nasa lobby naman na ako noon nang sabihan niya ako.
"Okay ka na, Robbie Bear?" tanong ni Sab pagkakita sa akin. Naka-bihis na siya, mabuti naman. Pero naka-balot pa ng tuwalya ang buhok.
Kahit sino yata, magiging okay kapag nakita ang ngiti ni Sab. Pero parang totoong lalagnatin ako nang salatin niya ang leeg at noo ko.
Napakalambot ng kamay, luh. Ako tuloy ang nanlalambot sa ginawa niya.
"Okay na okay na 'ko." Dahan-dahan ko siyang kinabig papalapit sa akin. Ito na naman ang pakiramdam na parang ang tagal ko siyang hindi nakita. At nakadagdag pa ang pagka-guilty ko na nagsinungaling ako sa kanyang may sakit ako kahapon. Ayoko na talagang ulitin iyon.
Niyakap ko siya. "Na-miss kita."
"Oh..." Parang nagulat pa siya na ginawa ko iyon. Pero hindi naman nagtagal ay inihilig niya ang ulo sa dibdib ko at yumakap din sa akin. "Magkasama naman tayo no'ng Friday, ah. Late na nga tayo naghiwalay no'n dahil pinanood pa natin 'yong meteor shower together."
Hindi ako nag-overnight dito sa unit ni Sab gaya ng paanyaya niya sa akin. Nahihiya ako.
"Pero Saturday at Sunday na 'yong dumaan. Two days na 'yon."
Narinig kong natawa siya. "Grabe, 'yong reklamo mo sa two days, parang two weeks."
"Nahihiya nga ako sa 'yo, eh." Hinagod-hagod ko ang buhok niya nang marahan. "Hindi tayo nakapunta do'n sa amusement park na gusto mong puntahan no'ng Linggo."
"It's okay. What's important is magaling ka na ngayon." Naramdaman kong humigpit ang yakap niya sa akin. Ako naman, nakonsensiya dahil wala naman talaga akong sakit.
Bigla tuloy akong nagpaliwanag, "Bawi ako sa 'yo sa susunod na suweldo."
"Pay day pa lang natin today, nasa next salary ka na agad?" Hinawakan niya ang kuwelyo ng polo shirt ko, inayos yata.
Napakamot ako sa ulo ko, pero ayoko nang itago kahit nahihiya talaga ako. "'Pag suweldo kasi ng first half, medyo diyan 'yong maraming bayarin kaya sakto na lang ang natitira sa 'kin. Sa 2nd half ng salary tayo medyo nakaka-angat sa buhay."
Naisip ko na sana ay hindi mag-prisinta si Sab na ilibre ako. Tatanggihan ko talaga. Kailangan ako ang bumawi.
Natawa siya. "Okay, okay, I understand. Any time you wanna go, it's fine with me. Kaso, pagbalik ko na 'yon from Cebu."
Nakahinga ako nang maluwag at napangiti. "Oo. Hihintayin kita."
Iniisip ko rin, baka magtampo siya dahil matagal-tagal pa bago ko mapagbigyan ang gusto niyang gala, pero hindi naman pala.
"Wait lang, ha." Pina-upo niya muna ako sa sofa. "Mabilis na lang ako."
"'Wag ka magmadali, baby," paalala ko.
Nginitian ako ni Sab bago siya pumasok sa kuwarto. Napansin ko ang laptop niyang nakapatong sa center table. Hindi ko naman sinasadyang mag-usyoso, pero dahil nakabukas iyon, nakita ko ang nasa screen.
BINABASA MO ANG
Surrender To A True Unyielding Spark (FlipPage Series 1)
Storie d'amoreMay bago akong kasama sa trabaho - si Sab. Maganda, as in! Mukha ring mabait - palaging bumabati sa lahat ng nakakasalubong. Hindi lang ako sigurado, pero parang rich kid din. Maraming interesado sa kanya sa opisina, mga hindi hamak na mas lamang n...