Nagsimulang magkuwento ang mommy ni Sab, "Alam mo, walang masyadong kaibigan si Sab. She was homeschooled in her early years of education, then, it was only in senior high that we started sending her to physical classes. Kaya natuwa ako nang sabihin niya sa akin na aside from having a relationship with you, ikaw din ang itinuturing niyang best friend at go-to person."
Napangiti ako. Ngayon ko lang nalaman ang mga bagay na iyon, lalo na iyong turing niya sa akin ay best friend niya rin.
"Ako naman, kung sino namang gustuhin ng anak namin, basta't magiging masaya siya at ita-trato siya nang tama, sapat na 'yon sa akin." Seryoso ang mukha ng mommy ni Sab pero nananatiling kalmado ang boses.
Nagpatuloy siya, "Rob, thank you for taking care of our daughter. Alam mo naman siguro na this is the first time na nahiwalay siya sa amin nang ganito katagal."
Tumingin siya sa akin at ngumiti. "I know there's something my daughter sees in you. Sab is happy and glowing. Nanay ako. Alam ko kung kailan pinakamasaya ang puso ng anak ko."
Para namang hinaplos ang puso ko. Luh. Nakaka-touch naman ito si Mommy.
"'Pag masaya po si Sab, nabubuo po ako. Mahal na mahal ko po ang anak niyo, Ma'am," buong puso kong sabi.
"Ano bang "Ma'am"?" Tumawa siya at itinama ako, "Tita Stella."
Pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay nakuha ko ang approval niya sa relasyon namin ni Sab. Parang gusto kong maiyak na hindi ko maintindihan. Siguro dahil ang tagal nang bumabagabag sa isip ko na baka hindi ako matanggap ng mga magulang ni Sab.
Nakahinga ako nang maluwag. Naglubag ang kalooban ko.
"M-maraming salamat po, Tita."
Nakangiting tinapik-tapik niya ang balikat ko.
***
"Ang ganda dito, Sabby."
Isinama ako ni Sab sa isang resort na pagma-may-ari ng pamilya nila. Malapit lang din iyon sa bahay ng mga Madriaga. Nasa 15 minutes lang siguro na nag-drive si Sab, oo, siya mismo ang naglabas ng pick-up para gamitin namin sa pamamasyal. Iba pa iyon sa kotse na ginamit ni Manong Junnie noong sunduin kami sa airport.
"Pero bakit parang tayong dalawa lang ang tao?" Nagtaka ako. "Bukod do'n sa mga staff."
"Uhmmm...because this is private, Robbie Bear. Not like the other resorts that are open to public, ito, talagang sa family lang," paliwanag niya. "I can't say na bakasyunan since malapit lang sa house. I haven't asked my parents though, kung bakit nga gano'n. All I know, favorite nila 'tong place na 'to, so, maybe that's one of the reasons."
Tumango-tango ako. Iba talaga kapag rich kid. Bibili ng lupa sa tabing-dagat at gagawing resort, pero pampamilya lang. Kahit walang return of investment, okay lang sa kanila.
Pero ang ganda ng lugar. Ang pino ng buhangin na nilalakaran namin, medyo yellowish. Napaka-linaw ng tubig-dagat, at sa hindi kalayuan ay may mga rock formation na nasa tubig mismo. Kung paboritong lugar man ito ng mga magulang ni Sab, hindi ko sila masisisi. Maganda na, tahimik pa ang lugar na ito.
"Sayang nga, maigsi lang 'yong stay natin dito. Ang dami ko pa sanang ipapakita sa 'yo, eh." Halata sa boses ni Sab na excited siya pero unti-unting bumaba ang energy. "Mas maganda din 'pag summer pupunta sa mga islands kasi medyo malalaki 'yong waves 'pag ganitong season at "ber" months."
"Puwede naman tayong bumalik." Hinawakan ko ang kamay niya. "Kung...kung okay lang sa 'yo."
"Oo naman." Huminto siya sa paglalakad at tumingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Surrender To A True Unyielding Spark (FlipPage Series 1)
Storie d'amoreMay bago akong kasama sa trabaho - si Sab. Maganda, as in! Mukha ring mabait - palaging bumabati sa lahat ng nakakasalubong. Hindi lang ako sigurado, pero parang rich kid din. Maraming interesado sa kanya sa opisina, mga hindi hamak na mas lamang n...