Hindi na rin ako nagtagal kina Sab noong Sabado pagkadala ko ng artwork sa kanya. Baka kasi magpapahinga rin siya dahil restday namin iyon.
Masaya na ako na nakita ko siya at nagustuhan niya ang gawa ko. Tinulungan ko na rin siyang ilagay iyon sa puwesto na gusto niyang pagsabitan.
Hanggang sa dumating ang Lunes ng umaga.
Naunahan ko na ngayon ang alarm clock ko. Iba ang pakiramdam ko. Parang energized. Gustong-gusto kong pumasok.
Mahal ko naman ang trabaho ko. Pero ngayon, parang magmamahal na rin ako ng ka-trabaho. Sheesh.
Naalala ko ang sinabi ni Sab. Huwag ko raw siyang ligawan dahil lang gusto niya ako, dapat, iyong gusto ko na rin siya.
Pero paano ko ba malalaman iyon? Iniisip ko kasi, baka overwhelmed lang ako dahil ngayon lang may babae na nagpakita ng ganitong atensiyon sa akin, tapos, saksakan pa ng ganda. Eh, sino ba naman ako?
Hanep sa problema, ah. Pang-pogi.
Kasi naman, na-mindset ko na ang sarili ko noon pa na hindi ko siya gugustuhin dahil akala ko noon, imposible na magustuhan niya ako pabalik. Sa totoo lang, noong una pa lang, na ipinakilala siya sa amin noong 1st week niya sa FlipPage, gandang-ganda na talaga ako sa kanya. Noong medyo nagiging close na kami, mabait pala siya saka masayang kasama. Perfect na nilalang. Kaya naging masaya na ako noon na tropa-tropa lang kaming dalawa. Pakiramdam ko tuloy, self-sabotage ang ginawa ko.
Lumipas ang buong maghapon na hindi kami nagkita ni Sab, pero nagme-message naman sa isa't isa basta may time. Gumagawa kasi ako ng mga promotional content at collaterals para sa book signing naman ng mga authors ng FlipPage sa isang book festival na parating.
Namalayan ko na lang na nagpaalam na sina Clarence na uuwi na. 5:00 PM na pala. Hindi pa ako tapos sa ginagawa ko kasi may mga konting detalye pa na pinapa-revise si Ssob. Tumayo ako para mag-inat-inat. Pumunta ako sa pantry para kumuha ng kape at initin ang meryendang hindi ko na nakain kanina.
Wala nang tao sa pantry dahil halos lahat naman ay umuwi na. Medyo kabado ako kapag ganito kasi may isang beses na parang minulto ako. Pagpasok ko ay ganito rin, wala nang tao, tapos, may napansin akong pumunta sa side ng kinalalagyan ng microwave. Babae na nakaputi. Dahil baka nga mag-iinit ng pagkain ang kung sinumang iyon, na akala ko ay bagong empleyado lang, hinintay ko siyang lumabas at kumuha muna ako ng kape.
Kaso, wala pala akong hinihintay, dahil nang subukan kong tingnan ang puwesto ng microwave oven, wala naman palang tao doon. Wala rin naman akong nakitang lumabas ng pantry. Sa takot ko, sa opisina ko tinapos ang pagkakape at pinagtiyagaan ko ang baon kong tinapay kahit malamig at matigas na.
Kaya ngayon, pagsalang ko ng tinapay sa oven, kumanta-kanta muna ako nang mahina. Panlaban sa takot.
"Ikaw ay tila sining sa museong 'di naluluma
Binibini kong ginto hanggang kaluluwa..."Pinihit ko ang timer.
"Gonna keep you like the nu couche
All my life...""Robbie Bear..."
Grabe ang gulat ko nang may magsalita sa likod ko habang nag-iinit ng cheese bread sa microwave. Pinigilan ko lang talagang mapa-igtad. Napahinto ako sa pagkanta.
Nilingon ko.
Si Sab.
Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko, punong-puno ang dibdib ko nang makita ko siya. Iyon bang parang ang tagal na hindi ko siya nakita kahit noong Sabado ko lang naman siya binisita. Nawala na rin ang takot ko sa multo sa pantry. Si Sab lang pala ang mabisang pangontra doon.
BINABASA MO ANG
Surrender To A True Unyielding Spark (FlipPage Series 1)
RomanceMay bago akong kasama sa trabaho - si Sab. Maganda, as in! Mukha ring mabait - palaging bumabati sa lahat ng nakakasalubong. Hindi lang ako sigurado, pero parang rich kid din. Maraming interesado sa kanya sa opisina, mga hindi hamak na mas lamang n...