"Nakakaloka naman 'yan."
Naikuwento ko kay Sab ang buong nangyari kanina sa opisina namin. May nakarating na ring balita sa kanila sa Marketing Team na nagkagulo nga sa team namin, pero hindi daw malinaw sa kanila kung anong pinag-ugatan. Basta't may nag-sapakan daw, iyon ang usap-usapan sa kanila.
"So, apparently, Clarence is messaging me because he thinks he can get even with you through me?"
Kaya ayokong ginugulat ito si Sab, eh, dire-diretso ang english. Minsan, gusto ko maghanap ng subtitle.
"Hindi, eh." Napailing ako. "Malaking porsiyento, eh, naniniwala ako na interesado talaga siya sa 'yo. Kasi, noon ko pa 'yan nararamdaman."
Kumunot ang noo niya. "For real?"
Tumango ako. "Pakiramdam ko, nakahanap lang din siya ng dahilan na pagbintangan ako na nagsumbong kay Irene, sa partner niya, para pagtakpan 'yong totoong intensiyon niya sa pagme-message sa 'yo."
"Or maybe, talagang gusto niyang makaganti sa 'yo for thinking na ikaw ang nagsumbong do'n kay Irene ng affair niya with the other girl." Parang hindi matanggap ni Sab ang sinasabi kong interesado si Clarence sa kanya. "That's awful."
"Alam mo, sising-sisi ako diyan, Sab. Buti pa si Marky, may lakas ng loob na itama 'yong gano'ng mali. Iniisip ko kasi, magkaibigan kami ni Clarence, eh. Pero, mali talaga. Kinunsinte ko siya, eh. Saka ang pinaka-malala, 'pag hinahanap siya sa 'kin ni Irene, 'di ko sinasabi ang totoo kahit alam ko."
Parang sumasakit ang ulo ko habang iniisip kung gaano ko pinrotektahan si Clarence kahit mali talaga siya.
"Hey. Don't feel bad. Mahirap lang talaga to choose in that situation." Hinawakan ni Sab ang mga kamay ko. "Well, alam ko na ginawa lang din ni Marky 'yong alam niyang tama, but could there be any other reason?"
"Asawa ni Marky 'yong pinsan ni Irene. Walang nakakaalam maski sino sa 'min. Noon lang din naman nalaman ni Marky no'ng mga ilang buwan na siya sa Graphics," kuwento ko. "No'ng nakumpirma ni Marky 'yong kay Phoebe at Clarence, sinabi niya sa asawa niya. 'Yong asawa niya ang nag-timbre kay Irene na magkikita sina Phoebe at Clarence no'ng gabing nahuli sila. Narinig ni Marky na kausap ni Clarence si Phoebe sa phone noon."
"What a small world." Narinig kong pumalatak pa si Sab. "Well, serves him right, I guess. Kung sinasabi mo na marami na siyang niloko noon pa, then 'yon na siguro ang karma niya. Kaya ikaw, ah, 'wag na 'wag mo 'kong lolokohin. I'm telling you."
"Luh." Hindi ko mapigilang matawa. "Ganito na mukha, magloloko pa? Baby naman. Nasa primera klaseng kutson na 'ko with ISO-certified world class quality, tapos lilipat pa 'ko sa banig? Bonak na lang talaga 'ko 'pag ginawa ko 'yon."
Nahampas niya ako sa braso. "Why do you always look down on yourself though? 'Di ako magkaka-crush sa 'yo kung 'di ka cute. You're actually handsome."
"'Yan na naman siya," iyon lang ang nasabi ko. Naunahan na naman ng hiya. Hindi talaga ako sanay na nako-compliment, lalo at kay Sab nanggagaling. Kahit girlfriend ko na siya.
"You want me to describe how I see you?" nakangiti niyang tanong.
Napa-iling ako. "Mahihiya lang ako lalo niyan."
Pero nagpatuloy siya, "Your deep set eyes seem to hide a hint of intriguing mystery. Hindi ko ma-explain how is it like that. Alam ko na wala kang itinatago sa 'kin, but it feels like there is always something more to know about you."
Hindi ako makapaniwala. "Talaga?"
Tumango siya. "Pero 'pag tumitingin ka sa akin, with your eyes full of love and your soft-speaking voice, diyan talaga 'ko nanghihina, Rob. That's your effect on me."
BINABASA MO ANG
Surrender To A True Unyielding Spark (FlipPage Series 1)
RomanceMay bago akong kasama sa trabaho - si Sab. Maganda, as in! Mukha ring mabait - palaging bumabati sa lahat ng nakakasalubong. Hindi lang ako sigurado, pero parang rich kid din. Maraming interesado sa kanya sa opisina, mga hindi hamak na mas lamang n...