Chapter 4: Start being close

24 9 0
                                    

Yara POV

Nag-alarm ang cellphone ko kaya agad ko naman itong pinatay at nananatili akong nakahilata sa higaan dahil sa nagpuyat ako kagabi. Muli kong ipinikit ang aking mata hanggang sa makatulog muli ako.

Nagising nalang ako ng may nagaganap na ingay sa labas ng aking kwarto kaya nagmadali ako sa pagligo at pag-aayos ng aking sarili.

Nang makapag-ayos na ako ay marahan ko na binuksan ang pintuan ng kwarto ko para mapakinggan ang maingay na nagmumula sa labas.

"Saang party ba 'yang magaganap" rinig ko na boses galing sa aking ina

"Lahat raw imbitado kaso dito lang sa siyudad na 'to at mabuti nalang dito kayo nakatira kaya imbitado rin kayo kaya dapat magbihis kayo ng maganda, o s'ya alis na ako" muling rinig ko na boses ngunit hindi ko alam kung kanino ito nanggagaling

Party pero sa siyudad lang na nasasakupan lang ng gumawa ng party na 'yan. Makabili nga mamaya ng magandang damit

Lumabas na ako ng kwarto para magpakita sakanila at para makakain na rin ako kahit late na ako sa trabaho.

"Oh yara gising kana pala s'ya nga pala dapat magsuot ka ng magandang damit para sa party mamaya" biglaang pagsalita ni mama kaya tumango nalang ako dahil alam ko na at tamang chismis lang ako

Mabilis akong ngumuya na hindi ko na pinapansin kung mabibilaukan ba ako o hindi. Nguya at inom ang aking ginagawa at pagkatapos ay nagtoothbrush na ako para maayos naman ang bunganga.

Dali-dali ko na kinuha ang aking bag na may lamang kagamitan sa aking trabaho.

"Alis na ako" madaling paalam ko at naghanap na ako ng taxi para may masakyan agad

May humintong itim na motor na mukhang ducati ang gamit kaya napahinto ako at dahan-dahang lumingon sa gilid ko na kung saan nakahinto ang ducati.

Holdaper!

Mabilis akong tumakbo tungo sa opisina kahit kakaalis ko pa lang at malayo pa ang kompanya. Nakikita ko naman sa aking peripheral vision ko ang pagsunod ng ducati sa gilid ko.

Hingal na hingal ako sa pagtakbo kaya huminto muna ako kasunod ang ducati na mukhang napasobra sa pagpapaandar kaya inabante ito ng kung sinong driver dahil naka-helmet.

Tinanggal n'ya ang helmet na suot n'ya dahilan para makita ko ang mukha n'ya na si sir rolenzo lang pala nguni't nananatili ang kaba sa aking dibdib na halos lahat ng katawan ko ay pinagpapawisan sa nakikita ko ngayon na hindi multo kundi tao naman.

Bumaba s'ya sa motor n'ya at kinarga ako para isakay sa backseat ng motor n'ya

"Oa mo" inis na tono n'ya na ikinapikon ko kaya hinila ko ang kanyang buhok sa ibaba dahil nakahelmet nga pala s'ya

"Stop" pagpapatigil n'ya saakin na sinimulan n'ya

"Hudas ka, akala ko holdapet" sabay batok ko sakanyang ulo ng malakas kaya napakamot ulo naman s'ya

"May holdaper ba na ducati yung motor?" sarkastikong tanong n'ya

"Aba! pinipikon mo talaga akong dalagunggong ka" pikon na pikong tono ng pananalita ko

Hiding The Mafia's Son (Graziani #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon