Chapter 20: Begging

19 8 0
                                    

Yara POV

Ibinaling ko ang tingin ko sa nagbukas ng pinto, pumasok ang mga lalaking bantay ni lorenzo na parang may kasamang may balot ang ulo para hindi siguro ito makakita.

Pinaupo nila ito sa sahig habang si lorenzo kasama si rolenzo ay nasa harap ng lalaki, bahagya akong lumapit ngunit pinigilan ako ng mga lalaking bigla akong hinawakan na ikinapagtaka ko na kahit si ate mara ay kinuha nila sa kwarto at hinawakan din sa magkabilang braso tulad ng paghawak saakin.

Nakita ko ang lalaking may binigay kay lorenzo na baril at isang maliit na kutsilyo na inilagay naman ni lorenzo sa kanyang tagiliran.

He crossed his arms over his chest while looking down at the man that covered by a paper bag, nananatili akong kuryos sa bawat kilos na ginagawa n'ya.

"Ibabalik ko muna ang pagiging mafioso ko" pumantay si lorenzo sa lalaking nakaupo

Tumayo na si lorenzo s'yaka tinanggal ang paper bag bilang pangtakip sa mukha nang lalaki, ngayon ko lang nalaman na pati si papa ay dinukot n'ya.

"Lorenzo anong gagawin mo kay papa?!" sigaw ko para marinig n'ya ako

Lumingon s'ya saakin bago lumingon sa mga alagad n'ya na kasunod ang pagbulong n'ya sa isang lalaki, hindi ako nag-abalang tumingin sakanya kundi ibinaling ko ang tingin ko kay papa na ngayon ay nakaupo at nakatali ang kamay.

Hindi pa rin sinasagot ni lorenzo ang tanong ko kaya mas bumilis ang tibok ng puso ko sa mga nangyayari na ayoko na makita pa.

Nanlaki ang mata ko sa aking nakita, sinuntok n'ya si papa sa pisngi dahilan para matumba si papa.

"Lorenzo, itigil mo na-" naputol ang sasabihin ko nang suntukin ako sa tiyan ng isang alagad n'ya

"Saktan n'yo na 'yan para manahimik na" utos n'ya sa mga nagbabantay saamin ni ate mara

Gano'n nalang ba talaga sya kasama? He is so heartless

"Lorenzo, wag mo s'ya saktan" nagmamakaawang sabi ko

Sinampal ako ng malakas ng lalaking alagad n'ya na nagpamanhid sa pisngi ko.

Hindi pa rin ako naging tahimik "P-please wag mo s'ya sasaktan" wika ko

"Manahimik ka" madiing utos ng may hawak sa braso ko

"Ayoko" nagmamatigas ako na ayoko manahimik sapagkat ayoko rin nakikita ang ganitong sitwasyon

Tila naging lalake ang anyo ko dahil nagawa akong suntukin sa mukha ng lalaking alagad n'ya na nagpatumba saakin, pakiramdam ko matatanggalan ako ng ngipin. Mas lalong namanhid ang mukha ko, may dugo na pala ang gilid ng labi ko kaya pinunasan ko ito gamit ang daliri ko.

Tinayo muli ako nung may hawak saakin kanina s'yaka ako sinuntok sa tiyan ng ilang beses dahilan para mas lalo akong manghina.

Tangina tinatraining ng kambal ang mga alagad nila dahil malakas. Hindi ko kayang lumaban sakanila dahil malalaking tao rin sila tulad ng kambal na tanging duwag lang ang nakayanan ko ngayon.

Ilang beses nila pinagsusuntok ang tiyan ko na mas lalo kong ikinahina. Huminto nalang sila nang makita nilang nanghihina na ako

Tumingin ako kay papa na sinasaktan na ni lorenzo, pareho kami ni papa ngunit mas nanghihina s'ya kumpara saakin. Kinuha na ni lorenzo ang baril sa tagiliran n'ya, nakita ko ang pagtutok n'ya ng baril na hawak n'ya sa pwesto ni papa, ikinasa n'ya iyon bago muling itutok kay papa.

Hiding The Mafia's Son (Graziani #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon