Chapter 22: Forgive

26 8 0
                                    

Yara POV

Nakarating na kami sa sinasabi nitong dalawang kambal na ang pangalan ng lugar ay Led Flower na matatagpuan lamang sa Cebu.

Inihinto ni lorenzo ang sasakyan sa may pwesto s'yaka na ako bumaba sa backseat. Wala pa ako sa loob pero ang puso't isip konay nagtatatalon sa kasiyahan pero pilit kong hindi ngumiti, bumaba na rin silang dalawa sa sasakyan.

Tumuloy na kaming tatlo sa looban, hindi pa gabi kaya hindi pa makikita ang led flower kundi normal na bulaklak lang ang makikita.

"Sa 1000 roses cafe muna tayo" wika ni rolenzo

Pagkapasok namin sa loob ng cafe ay naupo kami sa bakanteng upuan para makapag-order na. Gusto ko magsalita na magpagabi dito para makita ko ang magagandang led flower.

"Uhm" nahihiya ko silang nilingon na nakangiti saakin

"Uh... pwede ba tayo dito magpagabi para makita ko yung magagandang led flower?" sabi ko hindi ako magsasalita pag sila ang kausap pero dahil baka pagkatapos namin kumain ay umalis na rin kami kaya hindi ko naiwasang hindi magsalita

"Sure" pagpayag naman nilang dalawa na ikinangiti ko ng tipid dahil ayoko ng sobra

Umorder lang kami ng parehong kape at pagkain. Tatlong bacon pasta para sa aming tatlo bali ang total sa pagkain ay 1,050 pesos at ang sa inumin naman na cafe latte ice ay 525 kaya ang total lahat ng babayaran ay 1,575 pesos.

Ngayon ko nalang siguro sila papatawarin sa nagawa nilang kasalanan na hindi ko dapat patawarin pero para saakin ngayon ko nalang talaga sila papatawarin.

Nang maubos na namin ang kinakain namin kahit ang ice coffee latte ay nag-unahan pa ang dalawang kambal sa babayaran dahil pareho silang may black card.

Lumabas na kami ng cafe shop. Pumunta kami sa kotseng sinakyan namin papunta rito kanina, sa backseat lang muli ako pumasok dahil mas maganda kung solo akong uupo.

Tumambay muna kami sa loob ng kotse, wala akong magawa sa backseat na kahit pagtulala ko sa kisame ng kotse ay nakakayamot na rin.

Kukunin ko sana ang cellphone ko sa bulsa ng short ko ngunit naiwan ko pala ito kaya hindi ako makakapag-selfie ng sarili kong mukha.

Naisipan ko na hiramin ang cellphone ni lorenzo o kaya ni rolenzo tapos isesend ko nalang ito sa account ko pero siguro wag ko nalang gawin ang balak ko.

I cleared my throat before speaking "Uh, pwede pahiram ng phone? isa lang kailangan ko"

Nabigla naman ako nang dalawa sila ang nag-abot ng cellphone nila na sabi ko isa lang pero kinuha ko nalang ang dalawa.

Walang password ang cellphone nila kaya mabilis akong nakapunta sa camera app ng dalawang cellphone.

Nagsimula na ako mag-selfie na salit-salitan.

⊱ ─────────────────────── ⊰

Lorenzo POV

Nasa kanya ang cellphone ko kahit kay rolenzo ay nasa kanya rin. Kung ano-anong pose ang ginagawa n'ya sa likod

Hinayaan nalang namin ni rolenzo ang ginagawa n'ya dahil siguro ay naiwan n'ya ang cellphone n'ya sa bahay kaya ang ginawa niyang pang-selfie ay iyong cellphone namin ni rolenzo.

Natapos na s'ya mag-picture kaya binigay na n'ya muli saamin ang cellphone namin na tambak ng mukha n'ya ang gallery. Binalik ko muna ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko para makapagmaneho ako ng matino.

Hiding The Mafia's Son (Graziani #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon