Chapter 10: Kidnap

28 10 0
                                    

Yara POV

Patapos na ang trabaho ko bilang sekretarya kaya nang matapos ko na ang ginagawa ko ay napasabay ako sa ibang mga katrabaho ko sa pag-labas ng kompanya.

Mahirap makahanap ngayon ng taxi o jeep dahil sa tag-ulan ngayong gabi idagdag pa ang nakalimutan ko magdala ng payong kaya nagmamadali nalang ako pauwi dahil maulan ngayon.

Nababasa na rin ang damit, buhok at ang mukha ko kaya sigurado akong lalamigina at baka lagnatin rin ako. Kakaunti na lang ang nakakasabay ko sa papunta sa bahay, lahat ng nakakasalubong ko ay lalong umuunti dahil rin sa ibang direksyon sila pumupunta kaya wala naman akong magawa.

Hindi ko mailabas ang cellphone ko sapagkat umuulan nga at gabi na rin baka mayroong holdaper na kunin ang kagamitan ko.

Tumitingin ako sa paligid ko o kahit sa likod, mabilis ang tibok ng puso ko na nararamdaman ko ang init kahit malamig marahil siguro sa pag-iisip ko sa mga kung ano-ano.

Lumalakas rin ang ulan kaya mas binilisan ko nalang nag paglalakad ngunit biglang may nagtakip sa aking ilong dahilan para mawalan ako ng hininga at makatulog ako, pakiramdam ko may tila bumuhat saakin na mga lalaking hindi ko kilala at isinakay ako sa sasakyan nila hanggang sa lahat ng iyon ay mawala.

Nagising nalang ako sa kakaibang lugar, tatayo sana ako ngunit nabigo ako dahil nakatali ako sa isang upuan, mayroon din akong tape sa bunganga para hindi ako makapagsalita.

Sino ang magtatangkang dukutin ako at gawin saakin ang ganito? Hindi ko alam kung sino ang gagawa nito saakin.

Hindi ako makasigaw at makahingi ng tulong dahil sa tape ng bunganga ko na kahit paa ko ay may tali. Talagang tinali nila lahat para hindi ako makawala sa mga kamay ng kidnappers na kumuha saakin.

Nagising nalang ako na nandito na ako at nakatali. Wala akong mga taong nakikita na kahit bahay ay wala, siguro ay dinala nila ako sa malayobg lugar kung saan walang tao o kahit anong tirahan para makita ako.

Sino ba ang dumukot saakin? Bakit hindi sila nagpapakita? Hindi ko makuha ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon konsa likod dahil nga sa nakatali ako.

Mahigpit ang pagkakatali saakin na talagang ayaw ako pakawalan ng mga kumuha man saakin. Ano ba ang gagawin nila saakin kaya nila ito ginagawa.

Tahimik lang ang lugar na ako lang mag-isa ang nasa gitna, nakaupo, nakatali, may takip sa bibig, ako lang ang tao na napapansin ko rito.

Wala bang magpapakita rito na kahit iisang tao kung sino ang dumukot saakin. Ilang oras ako maghihintay kung walang magpapakita. Kinakabahan na ako sa mga mangyayari na kahit anong gawin kong paggalaw ay wala talagang lumalabas na kahit sino.

Pilit kong ginagalaw ang sarili ko para matanggal ang tali subalit bigo ako sa mga ginagawa ko, matibay ang pagkakatali saakin.

Napahinto ako sa ginagawa ko nang may magsalita sa speaker, may speaker sa lugar na ito?

"Pagsisisihan mo sana lahat ng ginawa mo, yara" sambit sa speaker na parang pamilyar saakin ang boses na naririnig ko pero hindi ako sigurado kung s'ya ba iyon.

Tila boses ni ate mara ang narinig ko mula sa speaker pero hindi ko alam kung kaya ba itong gawin ni ate mara saakin. Bakit n'ya gagawin saakin ito kahit yung mga sinabe ko ay totoo.

Ang hirap paniwalaan ang isip ko na sinasabing si mara iyon pero hindi naman nagsasalita yung isip.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar pero hindi ako pamilyar dito na sa tingin ko ay abandonadong lugar na ito.

Hiding The Mafia's Son (Graziani #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon