Chapter 15: Invite her

16 10 0
                                    

Invite her until she get drunk

Rolenzo POV

Ngayon na ang pag-iimbita ko kay yara dito sa mansyon kaya kinakabahan na rin ako dahil alam ko na hindi talaga umiinom si yara ng matatapang na alak dahil aksidente lang na nainom n'ya noong party.

Tinawagan ko na si yara na sana ay sagutin n'ya, naghintay ako ng ilang oras bago n'ya ito tuluyang sagutin.

[Bakit lenzo?]

"Hindi ka ba busy? punta ka sana dito sa mansyon if like what i said hindi ka ba busy"

[Hindi naman s'yaka ako lang din tao pero bakit mo ako pinapupunta?]

"Basta, punta ka na lang"

[Okay]

Binaba na n'ya ang tawag para sabihin ko kay lorenzo na pumayag na s'ya sa sinabe ko. Lumabas ako ng kwarto para puntahan itong si lorenzo na nasa sofa

"Lorenzo" tawag ko kay lorenzo na lumingon naman

"What?" tila inis ang tono n'ya

"Pumayag na s'ya" sambit ko na ikinangisi n'ya

"And then, ihanda mo na yung iinumin" ipinaguutos n'ya saakin

Tumango nalang ako kaya pumunta na ako sa kusina s'yaka kinuha ang isang whiskey na dinukot ko lang pero halos lahat ng nakastock sa kusina ay puro mamahalin kaya sa tingin ko ay matapang ito.

Binitbit ko na ang whiskey s'yaka kumuha rin ako ng tatatlong babasahing baso na para lang talaga sa alak, nilagay ko na ito sa maliit lamang na lamesa.

Naglagay naman si lorenzo ng alak sa baso n'ya. Nalimutan ko na kumuha ng ice kaya tumungo ako sa kusina para kumuha ng ice cube at nilagay sa ice bucket.

Bumalik ako sa kusina para umupo muli at ilagay ito sa maliit na lamesa katabi ng tatlong baso at ang whiskey from usa.

Naglagay naman kaming dalawa ni lorenzo ng ice sa baso kasunod ang paglagay ng alak, tumungga na kami pero hindi kami sabay.

Hinihintay ko si yara na makarating dito nang may nag-doorbell kaya tumayo ako para pagbuksan ng gate at para malaman kung sino ang tao.

Sumilip ako sa pintuan, nakita ko naman si yara na brown t-shirt oversized, at jeans. Pinagbuksan ko s'ya ng gate at pumasok na rin s'ya.

⊱ ─────────────────────── ⊰

Yara POV

Sabay kaming pumasok ni rolenzo sa loob ng mansyon nila, pagkapasok ko ay nakita ko ang kakambal ni rolenzo na nakasuot ng black long sleeve at pantalon.

Lumingon ito sa direksyon namin ni rolenzo, tinignan ko rin ito nang hilain ni rolenzo ang kamay ko papunta sa sofa kung saan nakaupo ang kakambal nya.

Umupo ako s'ya sa tabi ni lorenzo kaya umupo na rin ako sa tabi nitong kupal na ito, bigla n'ya akong binigyan ni rolenzo ng baso na parang sa alak.

"Inom tayo" aya ni rolenzo

Nilagyan n'ya ng alak ang baso ko na ikinabigla at kaba ko dahil sa pag-aya n'ya saakin na hindi ako umiinom ng alak.

"R-rolenzo hindi ako umiinom" binigay ko sakanya ang binigay n'ya na baso saakin

Hiding The Mafia's Son (Graziani #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon