Chapter 5: Graziani party

30 10 0
                                    

Yara POV

Kakatapos lang naming lahat sa trabaho at ang iba ay nauna umuwi dahil sa may aasikasuhin pa kaya kakaunti nalang rin ang naiwan sa kompanya.

Napalingon ako sa pagbukas ng pintuan sa opisina ng aking boss at iniluwal nito si sir vincenzo na naglakad na palabas ng opisina.

Inayos ko na ang gamit ko at inilagay ko ito sa aking bag. Pansin ko na nagsisiuwian na rin ang iba kaya inilibot ko ang aking paningin na mukhang ako nalang ang naiwan.

Binilisan ko ang pagkilos ay dali-dali kong isinuot ang bag at mabilis na naglakad palabas ng kompanya nang biglang may humila sa pulsuhan ko.

Lumingon ako sa may hawak ng pulsuhan ko s'yaka ko lang nakita si sir rolenzo na malamig ang tingin sa akin.

"Bakit mo na naman ba hinila ang pulsuhan ko?! may problema ba?" inis na inis ko itong sinabihan

"Just turn off the lights" pag-uutos n'ya saakin sabay bitaw ng aking pulsuhan at lumabas na ng kompanya iniwan ako na mag-isa

Mabilis akong tumakbo papunta sa switch ng ilaw at dahil sa dilim ay mabilis rin akong lumabas s'yaka pinalock sa guard ang susi dahil nasa kanya ito.

May bodyguard naman pero bakit ako yung inutusan ng kupal na 'yun!?

Naghanap na ako ng taxi na aking masasakyan papunta sa mall para makapaghanap na ng aking susuotin.

Pumara na ako sa taxi na padaan sa harap ng kompanya kaya huminto naman ito para makasakay na rin ako sa back seat.

Tinitingnan ko ang aking cellphone kung may nagma-message saakin. Tumunog ang phone ko kaya binuksan ko ito, nakita ko naman ang message saakin ni mama.

From: Mama
Message: Nak san kna? aalis n tyo

Bumilis ang tibok ng aking puso dahil atat ang pamilya ko pumunta sa party na sinasabe. Kaagad ko naman itong nireplyan

To: Mama
Message: Ma bibili pa ako ng susuotin ko s'yaka magbibihis pa ako

Mabilis naman itong nabasa ni mama pero hindi na ito nagreply kundi nag send nalang ito ng emoji like

"Saan po kayo?" tanong ng manong driver saakin

"Sa malapit nalang po na mall" mabilis ko itong sinagot kaya tumango naman ito

Nakarating na kami sa malapit lang na mall kaya nagbayad na ako at mabilis na bumaba ng taxi. Pumasok na agad ako sa loob ng mall na malamig dahil sa airconditioned.

Hinanap ko na agad ang clothes store s'yaka ako nagtanong sa aking nakakasalubong. Tumungo na ako sa clothes section kung saan puro magaganda ang damit.

Pumasok ako sa loob para makapaghanap na rin ako ng aking susuotin. May nakita akong itim na fitted dress na tila mukhang spaghetti ang itaas and fitted skirt that only on my thighs.

Kinuha ko na ito at pumunta na ako sa cashier para magbayad.

"250 pesos lang po" wika ng cashier kaya binigay ko na ang aking bayad

Binigay na saakin ang paper bag na may lamang damit na aking pinili. Sunod na pumunta ako sa shoes section para makapili ng babagay sa damit na binili ko.

Nakapunta na ako sa shoes section at inioibot ko ang aking tingin sa nga sapatos na high heels. Naagaw ang atensyon ko sa puting high heels na hindi naman sobrang taas ang takong, sinukat ko muna at tinignan ang size at mabuti nalang ay kakasya sa aking mga paa kaya dinampot ko na ito s'yaka ako pumunta muli sa cashier.

Hiding The Mafia's Son (Graziani #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon