002

1 0 0
                                    

“Aba’t nadini ka na naman! Ikaw ba’y hindi nagsasawa sa kakamasid sakanila?” tanong ng matanda na si Lola Isay. Tuwing pumupunta ako rito ay lagi niya akong naabutan na minamasdan ang tatay ko at ang pamilya niya.

Hindi ko mahanap si Mama. Gusto kong itanong iyon kay Papa pero baka hindi lang ako pansinin. Atsaka, mukhang masaya naman sila ng bago niya kaya baka bigla lang silang magkaproblema kapag pumasok ako sa eksena.

“Hindi po, La.. Masaya na po akong nakikita silang masaya...” sagot ko habang minamasdan si Papa na habulin ang maliit niyang chikiting na anak. Rinig dito ang hagikgik ng anak niya at tawa niya. Ang saya nila...

Nilingon ko si Lola Isay. Iba na ang damit na suot niya at sigurado akong biningwit niya ito sa mga sampayan ng isa sa mga bahay rito. Ito talagang matanda na ‘to! Tatlong linggo na rin simula nang magkakilala kami.

“La... wala ho ba talaga kayong pamilya na mauuwian?” tanong ko.

Kasi kung wala, pwede naman niya akong gawing isa sa pamilya niya. Tutal ay mag-isa na rin lang naman ako sa buhay.

Wala akong kapatid. Unica Ija ako sa pamilya namin dahil na rin sa palaging babad sa trabaho si Mama. Siya ang nag-aasikaso sa negosyong meron kami. Masaya naman kami noon eh, pero ewan ko anong nangyari.

“Sa tingin mo ba’y magpapalaboy laboy ako dine kung may bahay akong uuwian? Aba’t akala ko’y matalino kang bata, hindi pala..” napamaang nalang ako sa sinabi nito. Kahit kailan talaga! Hindi puwedeng maliitin dahil sa katandaan dahil ang ugali ay daig pa ang isang dalaga!

Matagal ko na itong pinag-isipan. Masyado na ring malungkot ang bahay dahil mag-isa lang ako. Naroroon lang ako pagkatapos ng trabaho at matutulog.

Wala naman sigurong masama kung ampunin ko si Lola Isay, hindi ba?

“Alam ko ang nasa isip mo, Iha.” tumayo ito at pinagpagan ang saya na suot. Siguro‘y ayaw niyang makasama ang isang tulad kong hindi niya lubos na kilala.

Ang akala ko’y aalis ito nang bigla itong humarap sa akin at tinaasan ako ng kilay.

Huh?

Ano na naman bang problema nito?

Aishhh!

“Ano pang inuupo mo riyan? Aba’t tara na at umuwi! Sabik na akong makahiga sa komportable at malambot na higaan,” literal na nalaglag ang panga ko! Langya talaga itong matanda na ito!

Hindi ko na talaga alam kung sino ba ang dalaga at matanda sa amin eh! Jusko! Siguro‘y mas mauuna pa akong magka-atritis sa isang ‘to!

Napatawa ako ng malakas. Ewan ko ba! Pero ang lakas ng amats nitong matanda na ito! Dinaig pa ako eh.

Tumayo na ako sa kinauupuan at sumunod sakaniyang tuwang-tuwang naglalakad patungo sa sasakyan ko.

Muli kong nilingon ang bahay nila Papa pero wala na sila roon. Siguro ay pumasok na sila. Hays.

When She Cries Where stories live. Discover now