Katatapos ko lang maglaba ng mga gamit namin ni Lola. Habang siya ay nagsabing tutulong nalang na maglinis sa loob ng bahay. Hindi ako pumayag nung una pero as Lola Isay being Lola Isay, hindi siya nagpatalo. Kaya ayun, nakapaglinis ang matanda.
Nagsasampay na ako ng mga damit ni Lola ng makarinig ako ng kung anong bumagsak at ang sigaw ni Lola.
Bigla akong nagpanic! Hindi ko alam kung saan ko ilalagay iyong damit niya na hawak ko kaya ang ginawa ko ay tinapon ito sa basket na laman ang mga damit ko at tumakbo papasok.
“La!” sigaw ko nang makitang nahihirapang tumayo si Lola.
Agad akong tumakbo sa direksyon niya at tinulungan umupo sa sofa.
Kitang kita ang pag-aalala at kaba sa mukha ko.
“Sabi ko naman sayo na ako na ang maglilinis dito! Tingnan mo tuloy ang nangyari sayo...” panenermon ko habang sinusuri ang kaniyang katawan kung may natamo ba siyang pasa.
Tumayo ako at pinatayo ang upuan na natumba na obviously ang pinatungan ni Lola kakalinis ng kisame at sa matataas na gamit dito sa sala.
“Huwag kang OA, Sha. Hindi pa ako mamamatay sa upuan na ‘yan.” ngiting sagot nito kahit na alam kong nasasaktan siya dahil sa pagkahulog.
Napahimas ako sa akibg sintido. Ewan ko kung sino ba ang mas matanda sa amin eh! Ako iyong puro bilin ng payo!
“Kahit na! Matanda ka na, La! Hindi ka na dapat gumagawa ng mabibigat na trabaho,” asik ko saka nameywang.
“Ilang kilo ba ang walis paypay para maging mabigat? Nagtatanggal lang naman ako ng alikabok, Nak. Masyado kang highblood,” naiiling na rebat nito na parang ayaw magpatalo.
Ano pa ba ang aasahan ko? Grabe ang alala ko na baka ano ang mangyari sakaniya! Hindi porket sa loob ng tatlong taon na pagsasama namin e walang signs na nanghihina siya, gagawin niya na lahat! Jusko!
“Isipin mo, La ako iyong mas bata pero ako iyong hina-highblood,” paalala ko rito.
Aba! Tutubuan na talaga ako ng mga uban dahil sakaniya eh! Sobrang kulit ay kung makakilos ay akala mo hindi pa senior. Joskoh!
Inirapan ako nito. “OA ka lang talaga, sino ba kasi ang nagsabi sayong aa-highblood ka?” pilyang tanong nito.
Napailing nalang ako.
“Magpahinga ka na, La tapos inumin mo iyong vitamins na binigay nung crush mong doctor para makapag-sungkit ka pa ng mangga nila Ate Jesse,” ani ko na ikinangisi ni Lola.
Ewan ko! Hindi ko na gets si Lola eh! Paminsan ay hindi ko na rin malaman kung ano ang tumayakbo sa isip niya!!
Iiling iling akong lumabas ng bahay para ipagpatuloy ang pagsasampay.
Hayyyy. Kulang nalang sumabog ang ulo ko kanina sa sobrang kaba tapos pipilosopohin lang ako ng magaling kong Lola.
What a healthy lifestyle!

YOU ARE READING
When She Cries
NouvellesShantelle's parents sent her to a boarding school in Manila for reasons she didn't fully understand. Years later, after earning her license and starting work, she decided to take a vacation to her hometown. Upon arrival, she found an empty house. He...