Naiinis kong pinunasan ang mga luhang tumulo sa pisng ko. Kainis! Bakit ba ako umiiyak?!
Walang ganag sinilid ko ang susi sa pintuan. Naabutan kong nagbuburda si Lola. Umangat ang tingin nito ng nakangiti. Babatiin na sana ako ng makita ang mukha ko.
Agad itong tumayo at sinantabi ang binuburda. Lumapit sa akin at kinuha ang gamit ko.
“Anong problema, Nak? Bakit ka umiiyak?” tanong nito nang parehas kaming makaupo sa sofa.
Ngumiti ako ng malamyos at umiling.
“Wala, La.. napagalitan lang sa trabaho..” sagot ko habang nagpupunas ng luha.
Hindi naman bigdeal yun sakin eh, kaso pinahiya ako sa lahat ng workmates ko! Pati iyong mga investors na nandoon, nakita ang pamamahiya sa akin para sa kaunting pagkakamali!
Tsaka matatanggap ko pa kung ako talaga mismo ang may kasalanan, kaso hindi!
Hindi ko naman kasalanan na tanga iyong secretary niya! Bakit ba sakin niya binuhos lahat ng galit niya?!
“Sige na.. magkwento ka na.. makkikinig si Lola..” napaangat ako ng tingin sa kaniya.
Agad na nanubig ang mata ko. Ano nalang kaya ang gagawin ko kung walang Lola Isay na makikinig sa bawat hinaing ko?
Marahan niyang pinatong ang ulo ko sa balikat niya at hinihimas himas ang likod ko.
“La kasi.. napaghalo-halo ng secretay nung boss namin ang mga files para sa meeting sana kanina t-tapos sakin niya sinisi lahat...”
Pinunasan ko ang luhang tumulo at pinigilan ang mapalakas ang hikbi.
“Pinahiya niya ako sa lahat ng workmates ko, La... pati iyong mga investors n-nakita kung paano ako ipahiya...”
Rinig ko ang buntong hininga ni Lola. Inangat niya ang mukha ko at tinitigan sa mata. Pinunas niya ang sunod sunod na luhang dumadaloy sa pisngi ko.
“Normal lang iyan sa pagtatrabaho pero tanga ba iyang boss mo, Anak? At iyong secretary niya, may sakit ba iyon sa ulo?” naiiling na tanong ni Lola.
Napangiti ako dahil kahit kailan, nariyan talaga si Lola para patawanin ako.
“Hayaan mo at hindi natin sila ibabati. Mamaga sana iyong itlog ng boss mo.... at iyong secretary niya, sabihin mo hindi naman siya maganda para panay ang sulyap ng mukha sa salamin niya,”
Doon na ako tuluyang napatawa!
“Lola naman!” ngiti kong maktol.
“Totoo naman, Nak! Hindi mo ba kita na parang kinagat ng bubuyog iyong labi nh secretary niya sa sobrang maga? Asus!”
Napatawa ako ng malakas at sandaling nakalimutan ang nangyari kanina. Sumilay rin ang ngiti sa labi ni Lola.
Nang tumahan ako ay inabot niya ang naiwang binuburda kanina.
“Oh siya, ayos ka na ba? Tatapusin ko lang itong binuburda kong sweater para sa iyo..” sabi nito.
Nilingon ko ang gawa niya. Alam niyang paborito ko ang kulay itim at puti kaya ang kulay ng binuburda niya ay kulay abo.
Napangiti ako!
Niyakap ko siya ng mahigpit sa sobrang tuwa. Ang swerte ko talaga kay Lola!
“Aba’y umakyat ka na sa kwarto mo at mag-ayos ng sarili. Ipagluluto mo pa ako,”
Bumitaw ako sa yakap at tumayo ng may ngiti sa labi.
“Kahit ano para sa the best na Lola!” tili ko sa tumakbo paakyat para mapaglutuan ko ng masarap na ulam si Lola Isay.
YOU ARE READING
When She Cries
Historia CortaShantelle's parents sent her to a boarding school in Manila for reasons she didn't fully understand. Years later, after earning her license and starting work, she decided to take a vacation to her hometown. Upon arrival, she found an empty house. He...